Chapter 1 • 2/2: Kings of the road

501 47 4
                                    

Moises

Bakit nga ba ako sumama ngayon sa mga mokong na 'to? Nag-review pa naman ako para sa test. Damn it. Napatingin ako kay Emma dahil sa naramdaman kong paglingkis niya sa braso ko. Oo nga pala, siya ang nagpumilit sa akin na sumama ngayon dito sa roadtrip namin na hindi naman namin alam kung saan ang punta. Bahala na si leader.

Patuloy padin ang paglingkis ni Emma sa braso ko hanggang sa maramdaman ko na bumaba ang isa niyang kamay sa hita ko. Agad akong natauhan at tiningnan siya.

"Emma." bulong ko sa kaniya. Inalis ko ang kamay niya na nakapulupot padin sa braso ko at nakita ko naman na napabuga siya ng hangin sa ere.

"Fine!" maarte niyang bulong sa akin. Lumayo siya ng kaunti at ibinaba ang bintana ng van sa tapat niya at doon humalumbaba. Hindi ito ang tamang place para sa ganoon. Atsaka, virgin pa ako. Hindi pa ako handa sa... well, sa ganoon. There's right time for that thing.

Tumingin ako sa likuran namin at nakita ko na nakatingin si Austin sa akin, hindi ko alam kung napansin niya 'yong balak na gawin ni Emma kanina. Atsaka, kahit naman makita niya, wala akong pakialam. Masyado 'yang tahimik.

"Rapy, sa'n nga ba tayo pupunta?" Muntik na akong matawa kay Bella. Rapy!? Ang baduy, ah.

"Don't have a clue, baby." sagot naman ng gago. Tumawa pa ito pagkatapos. Oo, hindi talaga namin alam kung saan ang punta namin. Kapag si Ralph ang nag-decide, asahan na naming walang matinong plan.

"Nakakaantok." himutok ni Ralph. Napansin kong halos walang sasakyan ang nasa kalsada at parang kami lang ang nandito. Holiday ba ngayon? Natigilan ako nang may nag-play na kanta dito sa loob ng sasakyan.

🎶
I remember the day you told me you were leaving,
I remember the makeup running down your face
And the dreams you left behind you didn't need them
Like every single wish we ever made
I wish that I could wake up with amnesia
And forget about the stupid little things
Like the way it felt to fall asleep next to you
And the memories I never can escape
'Cause I'm not fine at all.

The pictures that you sent me they're still living in my phone
I admit I like to see them, I admit I feel alone
🎶

"What?" reaksyon ni Bella ng ilipat ni Ralph ang kanta at sakto namang Careless Whisper ang pumalit.

"Ralph! Ew, stop that!" sigaw muli ni Bella dahil gumigiling-giling na pala ang gago habang nagda-drive. Hindi ko mapigilang matawa sa dalawa.

Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Emma at sinakyan ako sa hita ko. Sumabay siya sa tugtog at sinimulang tanggalin ang butones ng suot niyang uniform. Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan siya.

"Emma!" pagpipigil ko sa gagawin niya pero tinapik niya lang ang kamay ko. Wala akong magawa kung 'di ang pabayaan siya at tumingin nalang sa malayo kahit na pinagpapawisan na 'ko.

Hinagis niya ang uniform niya at narinig kong sumigaw si Ralph. Nakita niya siguro kung anong ginagawa nitong si Emma. Nakatingin padin ako sa malayo pero nakikita ko sa gilid ng mga mata ko kung anong ginagawa niya, at sa kasalukuyan, naka-bra nalang siya.











Austin

Emma is so, so, damn sexy.

Hindi ko alam kung bakit sa akin siya nakatingin habang naghuhubad siya. Like, what the hell? Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya. Yeah, I admit. Type ko si Emma. Sino bang hindi? Napaka-ganda niya, nasa kaniya na ang lahat. Pero si Moises ang gusto nya. Fuck you Moises.

Natigilan ako ng kindatan ako ni Emma. Napakurap ako at nakita ko namang ngumisi siya. Nilalandi niya ba ako? Tumingin ako kay Moises at mukhang hindi niya napansin 'yon. Nakatingin kasi siya sa malayo.

"Emma, stop that." rinig kong saway ni Isabella sa unahan at kaagad niyang pinatay ang music. Hinagisan niya rin ito ng t-shirt pero dito sa likuran ko ito tumilapon. Kaagad kong kinuha 'yung damit at iniabot sa kaniya. Pero hindi siya sa damit kumapit para kunin 'yon, kung hindi sa kamay ko, sandali lamang 'yon nangyari at pagkatapos ay kinuha na niya 'yung damit.

Umalis na si Emma sa pagkakaupo kay Moises at kaagad na sinuot ang t-shirt na bigay ni Isabella. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Don't do it again." dinig kong sabi ni Moises pero isang ngisi lang ang ibinalik ni Emma.

Tumingin nalang ako sa malayo at binuksan parehas ang bintana na nasa tagiliran ko, pumasok ang hangin sa loob ng sasakyan at dumampi 'yon sa balat ko. Ngayon ko lang napansin na mukhang nasa ibang lugar na kami. Wala nang mga bahay sa paligid at puro kaparangan nalang. Pero, bakit walang mga sasakyan?

Hindi ko mapigilang mapangisi. We are the kings of the road.

Road KillHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin