Chapter 20 • 1/3: We need superhero

195 18 3
                                    

Moises

"Aghn." daing ko nang maramdaman ko ang kirot sa aking ulo sa bandang kaliwa kong noo. Naimulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ko na mukhang nakatali ang mga kamay ko nang hindi ko iyon maigalaw papaitaas. At oo, nakatali nga ang mga kamay ko, pati narin ang mga paa. I never tie once in my damn life. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. This road trip is a fucking messed shit.

Nakahiga ako sa malamig na semento ng maruming silid na ito. Inilipat ko ang aking ulo sa kaliwang bahagi para makita ang kabuuan ng silid kung saan ako naroroon. Walang kagamit-gamit dito at wala ring kabinta-bintana pero may isang pole sa pinakagitna. At sa pole na 'yon, may usang babaeng nakagapos. Nakaharang ang sabog nitong buhok sa mukha't dibdib niyang walang saplot. I immediately recognized her! Ang buhok niyang light brown..

"B-Bella!" napasigaw ako nang hindi ko inaasahan. Pero nanatili siyang nakayuko't nakaupo sa malamig ding semento kagaya ko habang nakabahandra ang buo niyang katawan na walang damit. Wala manlang saping tela upang maupuan niya. Mga hayop! Mga gago ang gumawa nito sa kaniya! Kapag nalaman kong ginalaw siya ng kahit na sinong lalaking, papatayin ko siya! Papatayin ko siya!

"Bella! I-Isabella.." nahihirapan kong tawag sa kaniya. Dahil nakahiga ako sa malamig na semento, medyo nalalasahan ko na ang maduming gabok doon. Pero, hindi ko na ako nag-inarte, sumigaw ako ng sumigaw, pero mahina lang, sapat na para marinig ako.

Gumalaw ang mga kamay niya na nakatali papaitaas ng pole. "Bella! Hey, B-Bella!" isa ko pang tawag sa kaniya. Gumalaw ulit siya at sa pagkakataong ito, nilingon na niya ako. Humawi ng kaunti ang buhok niyang nakaharang sa kaniyang mukha kaya nakumpirma kong siya talaga si Bella. Our Bella, not the Isabella na impostor. Nagulat ako nang makita ang malaking pasa sa kaniyang isang mata dahilan para mamaga iyon. May pasa rin siya sa kaniyang dibdib, leeg, tiyan at binti. Kahit saan. Marka na nilapastangan siya.

"M-M..M-Moi.." rinig na rinig ko ang boses niya na parang isang taon namin siyang hindi nakita. Puno ng pagdadalamhati ang boses niya at paghihirap. Parang ito nalang ulit ang salitang lumabas sa bibig niya simula noong mawala siya. It breaks my heart. Paano pa kaya kapag nakita siya ni Ralph?

"O-Oh God, Bella. Oh, God!" iyon na lamang ang nasabi ko. Hindi ko na kaya pa siyang tingnan. Namayat siya ng todo at puro sugat ang kaniang katawan. Mga sariwa pa 'yung iba.

"W-Where's.. Ra-Ralph?"

Kumirot ang puso ko sa narinig mula sa kaniya. Hindi ba n'ya nakikita ang sarili niya? Kaunting suntok nalang sa kaniya, parang bibigay na siya. And yet, si Ralph padin ang inaalala niya?

"Ralph's.. f-fine I guess. And he will be. Right now, ka-kailangan muna nating tumakas dito." I said. Pinilit kong alisin ang kamay ko sa pagkakatali. Pero mukhang inayos at sinigurado talaga ng mga taong 'yon na hindi ako basta-basta makakatakas. Typical killers.

What am I gonna do? Shit! Hindi gumagana ang utak ko ngayon! Inilinga-linga ko ulit ang mata ko sa silid na 'to. Nagbabakasakaling may mahahanap akong matilos na bagay. Pero wala. Damn it! Isa na lang ang pag-asa namin. Ang may tumulong sa amin na isa sa tropa. Either Austin, Ralph or that officer.

Agad akong napatingin sa pintuan ng maduming silid na 'to pero hindi isa sa tropa ang nakita ko. Isang taong nakamaskara ng rabbit ang pumasok sa silid kung saan kami naroroon. Nagsimulang umiyak si Bella sa gitna ng kwarto kaya naman nag-aalala ko siyang tiningnan.

"Hahahaha! Hahahahaha!" Malakas na tawa ng taong nakamaskara. Isa itong lalaki base sa kaniyang tawa. Naglakad siya papunta kay Isabella kaya agad ko siyang sinigawan.

"Hayop ka, gago! Pumarito ka at papatayin kita!" matigas kong sabi. Tingnan niya lang ang direksyon ko. Kitang-kita ko ang kaniyang pagngisi sa likod ng maskara niyang suot. Nilingon niya si Bella at mabilis na hinawakan ang kaliwang dibdib nito. Wala siyang nagawa kung 'di mapaiyak ng malakas dahil nakatali rin ang mga kamay niya gaya ko.

I silently cry. Hoping that there's a superhero that will help us.

Road KillWhere stories live. Discover now