Chapter 19 • 1/2: Stucked

208 18 3
                                    

Austin

Kabado, gutom, may iniindang sakit, pagod at natatakot.

Normal lang namang maramdaman namin ang lahat ng 'yan ngayon at sa kalagayang 'to, 'di ba? Kabadong-kabado na ako na baka anumang oras ay lumabas na ang puso ko sa dibdib ko at magtatakbo paalis at maiwan akong mag-isa rito sa kung saan ako nakatayo. Alam kong kahit hindi ko tanungin ang mga kasama ko, alam kong gutom na gutom nadin sila. Lalo na't dumadagdag din ang sakit na natamo namin mula sa iba't-ibang aksidente kanina. Pagod na pagod na ako at takot na takot na ako pero hindi ako puwedeng umalis at mag back-out nalang bigla. Si Bella ang pinag-uusapan namin dito. Hindi kami puwedeng umalis at umuwi nang hindi namin siya kasama.

Back to where we are, hindi pa bumabalik si Moises dito sa labas nang mauna siyang pumasok sa loob ilang minuto na ang nakakalipas. My gut tells me to go inside the house at hanapin siya kung okay lang ba siya o kung ano na bang nangyari sa kaniya pero hindi 'yon maproseso ng utak ko lalo na ng katawan ko.

“What are we gonna do now?” bulong ni Ms. Adjieda sa akin. I glanced at her, ibinuka ko ang bibig ko pero itinikom ko rin iyon kaagad. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil hindi ko rin naman alam ang gagawin.

Nilingon kami ni Ralph na nakatago rin sa isang stuck na sasakyan mga dalawa o tatlong dipa ang layo sa amin. Mababasa sa mukha niya ang pagka-confused. Lumingon muna siya sa malaking bahay na pinasukan ni Moises kanina at nang masiguro niyang walang makakakita sa kaniya, ay saka siya nagtatakbo habang hawak niya ang kaniyang tiyan papunta sa amin ni Ms. Adjieda. Hindi ko mapigilang hindi maawa sa kalagayan niya. Pero dahil alam ko namang malakas ang pangangatawan ni Ralph, alam kong magiging ayos din siya.

Nagtago rin si Ralph sa aming pinagtataguang sasakyan nang makalapit siya sa amin. Inalalayan ko siya para makaupo kami sa lupa. Hiningal na kasi kaagad siya sa ginawa niyang pagtakbo.

“You okay?” pagtatanong ko.

“Ka-Kailangan natin siyang sundan, Aus. Hi-Hindi p-puwedeng tumunganga lang tayo rito.”

“He's right. Kailangan ko ring arestuhin ang mga taong 'yon.” matigas na sabi ni Ms. Adjieda. Mas hinigpitan niya ang hawak sa kaniyang baril na nasa kamay. Tumango-tango ako. Ngayon palang, nagpapasalamat na ako dahil may kasama kaming pulis dito.

“So, anong plano natin?” I asked.

“We dont have much time, Aus. Tara na.”

Napanganga nalang ako nang bigla-bigla nalang siyang nagtatakbo papunta sa building na nasa likod ng pinatataguan naming sasakyan. Nagkatinginan kami ni Ms. Adjieda pero naghiwalay din ang mga titig namin nang siya naman ang sumunod kay Ralph sa pagtakbo. Wala akong nagawa kung 'di magtatakbo nalang din para sundan sila kahit na paika-ika ako dahil sa kaliwa kong binti.

Hihingal-hingal ako't habol ang hininga nang makarating kami sa itaas ng terrace ng bahay. Ayon kay Ms. Adjieda, this house is really the house where the serial killers is located. Kailangan naming mag-ingat. Anumang dahilan ni Moises kung bakit hindi siya nakabalik para bigyan kami ng signal, sigurado akong masama iyon.

“Ako muna ang papasok, after five to ten seconds, sumunod ang isa sa inyo.” Iyon lang ang  sinabi ni Ralph bago siya pumasok sa pinaka-main door nitong bahay na sementado. Nagbigay ng tunog ang pintuan pero hindi iyon pinansin ni Ralph. Nakapasok siya sa loob at naiwan kami ni Ms. Adjieda rito sa labas na kabado't takot.

“Ako muna ang susunod. Sumunod ka sa akin after ten seconds.” Iniangat ni Ms. Adhieda ang kaniyang baril sa kamay. Nakatutok ngayon iyon sa pintuan. Napansin ko na wala sa baywang niya ang isa pa niyang baril na kinuha kanina ni Ralph sa station. Don't tell me.. oh, great.

Naiwan ako rito sa labas ng terrace ng mag-isa nang makapasok ng walang ingay si Ms. Adjieda sa pintuang 'yon. Sabagay, sanay na siya sa mga ganitong krimen at mga lugar. Wala nang bago ro'n.

Pinuno ng mga kuliglig ang katahimikan dito sa labas. Inihakbang ko ang paa ko pero hindi iyon sinunod ng sistema ko. Nanatiling nakatigil ang katawan ko sa pagkakapako sa semento. Bakit ba ayaw gumalaw ng katawan ko? Anong nangyayari? Dahil ba sa labis na takot? Hindi ito ang oras para tumigil ako rito! Napaikit ako ng mariin.

'Magiging okay rin ang lahat Kuya Austin..'

Nakita ko sa dilim si Max, nakababatang kapatid ni Ralph. Nakangiti siya habang iwinawagayway ang kaniyang kamay sa akin. Para bang nagbaba-bye siya o may iba pang meaning 'yon.

'Magiging okay rin ang lahat. Si Kuya Ralph . . .'

Agad akong napamulat nang maalala si Ralph. Si Moises at si Ms. Adjieda. Kailangan ko silang sundan. Kung nasa panganib man ang mga buhay nila, kailangan ko silang tulungan. Hindi ako puwedeng manatili rito sa labas. Itataya ko na ang lahat! Kailangan naming mailigtas si Bella!

Road KillWhere stories live. Discover now