Chapter 2 • 1/2: Leaving behind

401 41 9
                                    

Ralph

Nagyaya si Isabella na mag-stop-over muna kami sa kahit na anong puwedeng pag-stop-over-an. Pumayag naman kaming lahat dahil mag-tatanghali narin at gutom nadin naman kami. Sana, may makita kaming restaurant sa madadaanan namin. Pero, mukha yatang malabo yun dahil wala na kaming nakikitang kahit na anong bahay sa sideways.

Nakakapagtaka.

Almost ten minutes bago pa kami may madaanan na gasolinahan, pero nagtaka na naman ako dahil walang tao rito at halatang halata na abandunado na.

"Mukhang abandonado na ang isang 'to." rinig kong sabi ni Moises. Nakita kong ibinaba nila ang mga bintana sa right side ng van para makita ang labas. Kaagad kong pinark ang van sa harap ng counter ng gasoline station nang makatawid kami. Nakakapagtaka rin kasing walang kasasa-sasakyan sa kalsada. Maging tao, wala. Parang kami nga lang ang tao sa lupalop na ito, kung saan man ito.

Kaagad akong bumaba ng van at chineck ang case ng gasolina pero stuck na ito.

"Fuckin' stuck." bulong ko. Sinipa ko ang tangke. Naramdaman ko ang mga brasong yumakap sa akin patalikod. Napangiti ako at agad na nawala ang init ng ulo ko.

"Stuck na babe." sabi ko kay Isabella. Hinawakan ko ang braso niya pero nagtaka ako dahil parang ang laki naman yata ng braso niya. Lumingon ako sa kaniya at imbis na si Isabella ang makita ko, ang gagong si Moises pala ito.

"Gago!" sigaw ko at kaagad ko siyang tinulak. Tatawa-tawa siya habang nakahawak pa sa tiyan niya. Nasaan ba si Isabella? Inilibot ko ang tingin ko pero hindi ko siya makita.

"Asan si Isabella?" pagtatanong ko kay Moises. Hindi niya ako sinagot dahil nagtatakbo na siya papunta kay Emma. Napangisi ako, mag ka MU nga pala silang dalawa. Sa totoo lang napaka swerte na ni Moises kay Emma. Emma is hot, popular and rich. Pero syempre mas hot, mas popular, at mas mayaman ang baby ko. Teka nga, nasaan na ba 'yun?











Isabella

Pagkapark na pagkapark ni Rapy dito sa gasoline station, nauna na akong bumaba at naghanap ng restroom. Agad ko namang napansin ang cr sa may katabi ng abandunadong minimart.

Nagtatakbo na ako papunta run at hindi na ako nagabala na magpasama pa kay Emma.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa cr tumambad kaagad sa akin ang malaking salamin. Nakita ko ang sarili ko at napangiti. Ang ganda ko talaga.

Ang daming cubicle rito sa loob kaya sa pangalawa sa huli nalang yung pinili ko. Umihi muna ko pagkatapos ay kinuha ko na ang t-shirt ko sa bag. Hinubad ko ang unifom ko at vest at isinabit ko iyon dito sa may pinto ng cubicle ko, saka ko sinuot ang nag-iisang black t-shirt na dala-dala ko. Kinuha ko ang maong jeans na pinagkasya ko lang dito sa bag ko at sinuot muna 'yun bago ko alisin ang palda ko. Napatalon ako sa gulat at napahinto nang may marinig akong pumasok dito sa katabi kong huling cubicle. Kinalabog niya pa ang pintuan nang masaraduhan niya ito.

Baka si Emma.

Nang mahubad ko ang suot kong palda ay inilagay ko na yun kasama ang uniform ko at vest sa dala kong bag. Lumabas agad ako sa cubicle ko at pumunta sa salamin. Napaurong ako at napakunot ang noo nang may makita akong nakasulat sa salamin.

RUN

Lumapit ako ng kaunti at napamura ako. Teka, dugo ba ito? Nanlaki ang mga mata ko nqng makita na gumuhit patulo 'yung pinagsulatan ng RUN sa salamin. And yes, it is a damn blood!

Napalingon ako sa huling cubicle nang may nag-flash roon.

"E-Emma?" pagtawag ko sa kung sino man ang taong nandun. Imposible naman na may ibang tao rito sa abandunandong gasoline station, at mas lalong imposible na si Ralph o Moises 'to.

"Emma! Do-Dont fucking p-play with me!" sigaw ko kahit na takot na takot na ako. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa huling cubicle and to my surprise, hindi ito nakalock. Tinulak ko 'yun para buksan pero wala akong nakitang tao ro'n.

The hell?

Binalot ako ng takot at agad na nagtaka. Eh, may nagflash dito kani-kanina lang, eh. Agad akong napalingon sa may salaminan dahil parang may nagtatakbo roon palabas.

"Hoy teka lang!" sigaw ko run sa babae na lumabas ng pinto. Nagtatakbo rin ako palabas nitong cr para sundan siya pero nang makalabas ako ay wala na siya.

Inilinga-linga ko ang paningin sa paligid at nanlaki ang mga mata ko nang makitang umaandar na papaalis ang van ni Dad.

"Ralph!" sigaw ko. Nagtatakbo ako sa may counter ng gasoline station pero nakaalis na sila. Nakaramdam ako ng takot at inis. Are they serious?! Iiwan nila ko rito?

"Ralph! Shit!" sigaw ko hanggang sa may kalsada. Ipinadyak ko ang paa ko sa kalsada at agad na tumilapon sa akin ang gabok mula roon. Napakalayo na ng van at imposibleng makita nila ako rito. Napaupo nalang ako rito sa may kalsada at nag-iiyak. Luminga-linga ako sa magkabilang kalsada pero walang dumadaang kahit na anong sasakyan dito.

How about me?!

Road KillWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu