Chapter 22: Julia is the name.

142 19 2
                                    

Austin

Dalawang tao lang ang kaagad na pumasok sa isipan ko nang madinig ko ang malakas na putok ng baril. Nakarinig naman na ako ng tunog ng pagputok ng baril kaya nakakasigurado akong baril 'yon.

Unang pumasok sa isip ko si Ms. Adjieda. Siya kasi ang may otoridad sa aming lahat na sumugod dito. Sunod, si Ralph. Malakas ang kutob kong kinuha niya talaga ang isang baril na kinumpiska sa kaniya ni Ms. Adjieda. Kilala ko si Ralph, magaling iyong duma-moves nang hindi mo mapapansin na ginawa niya. Ang sama naman kasi kapag ginamit ko yung term na nagnakaw para sa kaniya.

Balik kung saan kami naroroon, magkahawak kamay kaming dalawa ng babaeng iniligtas ko sa silid na 'to. Dahan-dahan lang ang lakad namin dahil may mga sugat din siya. Nalaman ko na Julia pala ang pangalan niya dahil siya na mismo kanina ang nagpakilala.

"Alam mo ba kung ilan ang tao na puwedeng gumawa sa'yo nito?" pagtatanong ko sa kaniya. Kakaiba na ang amoy ko. Amoy dugo na ako na natuyo. Puro dugo narin kasi ang mga braso ko pati narin ang leeg. Iba narin ang lasa ng bibig ko. Mayroon nadin siguro ako sa mukha at sa ulo nang mapatama ang ulo ko kanina sa lamesa.

"Li-Lima sila." nauutal na sagot ni Julia. Mukhang mas matanda siya sa akin ng isang taon, dalawa o tatlo. Pero dahil lalaki ako, mas matangkad ako sa kaniya.

Teka, lima?

"Sigurado ka ba?" pagtatanong ko. Puno ng pag-iingat ang boses ko dahil baka mamaya'y madinig kami ng iba pang killers. Dalawa lang ang alam ko sa limang 'yon. Ang patay nang si Seira at itong babaeng napatay ko dahil sa self protection - ang kamukha ni Bella na siya ring nakasama namin sa van hanggang sa maaksidente kami ng bungguin kami ng truck na 'yon.

"Kaya mo ba silang i-identify?"

Tiningnan ko muna kung ligtas ang labas nitong kwarto bago kami lumabas pareho. Inalalayan ko siyang makalabas. Tumambad na naman sa akin ang nakakatakot na silid na 'to. Lalo na ang malaking salamin na may bahid ng dugo.

Naramdaman kong mas humigpit ang kapit ni Julia sa braso ko. Naglakad kami ng dahan-dahan papunta sa may hagdanan.

"Isang matandang puro butol ang balat at isang babaeng pulis lang ang natatandaan ko. Atsaka, iyong babae kanina na.. n-napatay mo."

Napatingin ako sa kaniya. Ano iyong pangalawa niyang sinabi?

"Isang pulis officer na b-babae?" pag-uulit ko. Tumango-tango si Julia.

"Kulay blonde ang buhok niya at maganda."

Tangina. Si Ms. Adjieda ang tinutukoy niya.

"AUSTIN!"

Itinuro ni Julia ang unahan namin kaya't agad akong lumingon doon. Laking gulat ko nang makita ko ang isang matanda roon sa may taas ng hagdanan. Nanlilisik ang mga mata niya sa aming dalawa ni Julia. Kahit dim ang ilaw dito, kitang kita ko parin siya.

Hanggang sa nagpatay buhay na naman ang ilaw kagaya ng kanina.

Bawat buhay ng ilaw, nakita kong papalapit nang papalapit ang matandang 'yon. Natatandaan ko siya! Siya ang matanda doon sa bar na dinaanan namin kanina. 'Yung nagtanong kung masarap ba raw kami!

Paatras kami ng paatras ni Julia habang paabante naman ng paabante sa amin ang matandang manyak sa harapan namin. Hindi ako papayag na mahawakan niya kaming dalawa ni Julia. He's disgusting!

"AHHH!" napairit si Julia nang makuha ako nang matandang 'yon. Malakas siya pero hindi ko hahayaang saktan niya ako. Nagwala ako kaya't nabitawan niya ako sa dalawang braso.

"Austin, ito!"

Kinuha ko ang kutsilyong iniabot ni Julia. Samantalang siya nama'y nagtatakbo papunta sa may hagdanan. Sinilip niya ako mula roon.

Iwinasiwas ko ang kutsilyo papunta sa matanda pero madali niya iyong naiwasan. May binunot siyang bagay sa kaniyang likurang baywang kaya't napaatras ako. Tama, baril ang binunot niya mula roon.

"Aghhk!" Nakita ko nalang na bumagsak ang matandang kaharap ko sa malamig na sahig. Nakita ko si Julia sa likuran niya na may hawak hawak na tubo. Saan niya nakuha 'yon?

"Ahhhhhh!" pinaghahampas niya ang ulo ng matanda ng tubo hanggang sa magtalsikan ang mga dugo nito sa ere. Napaismid ako. Ganoon nalang siguro ang galit niya sa matandang 'to.

"Julia, tama na." sabi ko sa kaniya nang makita kong nakabaon na ang pinagpukpukan ng tubo sa kaniyang ulo. Butas na iyon at maraming dugo ang lumalabas. Nagulat nalang ako nang kunin ni Julia ang baril na pagmamay-ari ng matanda na nasa sahig at ipinutok iyon sa ulo ng matanda. Hindi tumunog ng BANG! ang baril kaya nalaman kong silencer iyon.

Dinuraan ni Julia ang bangkay ng matanda bago niya pahidan ang kaniyang mukhang natalsikan ng dugo. Napanganga nalang ako.

"Austin, we need to go."

"O-Oo." sagot ko na lamang.

I never saw a girl - a woman - like her before.

Road KillWhere stories live. Discover now