Chapter 13 • 3/3: His fall

240 19 0
                                    

Picture of moises on the top

Austin

Dahan-dahan naming inalis ang malaking sangang nakalusot sa bubog ng wind shield sa tabi ni Siera. I feel so sorry for her, pero kapag nalaman ko na isa ngang lason ang gamot na ibinigay niya kay Emma kanina, tangina, baka mapagaya ako kina Ralph at Moises tungkol sa kakaibang tingin nila sa kaniya.

Nakapikit ako habang hinuhugot namin mula sa loob ang malaking sanga. Gumawa ng nakakadiring tunog ang paghugot namin ng sanga sa loob mismo ng pisngi ni Seira dahilan para maukab ng malaki ang pisngi niya. Hindi ko kayang mapatingin doon.

"Holy man!" sigaw ni Ralph sa loob. Binuksan niya ang pintuan sa tabi niya at malaya kong nakita ang mukha niyang nandidiri at takot. Nakatakip ang kamay niya sa ilong at doon ko lang nalaman na ang baho nga pala talaga ng amoy sa loob ng pick up. Amo'y laman ng tao na amoy sigarilyo na hindi ko na maintindihan ang iba pang amoy. Siguro'y nagsisimula nang lumambot ang bangkay ni Emma.

"Austin, help me."

Itinapon namin ang malaking sangang nahulog siguro dito sa puno nung mabangga siya nitong sasakyan sa may tabi ng kalsada. Iika-ika akong naglakad pabalik sa pick up.

"We can do it." napansin siguro ni Moises na kinakabahan ako sa pagbababa ng bangkay ni Seira kaya nasabi niya 'yon. Nakaisip ako ng ideya kaya agad akong lumapit sa nakabukas na pintuan ng side ni Ralph. Nagtanong siya kung bakit pero mas pinili kong hindi sumagot. Kinuha ko ang bag ko at kumuha ng isa pang t-shirt doon.

"You're the great." sabi ni Moises nang makabalik ako sa unahan. Binuksan namin ang basag na pintuan sa side ni Seira at saka ko sinuotan ng hawak kong t-shirt na yellow ang mukha niya. Nakita kong napakrus si Ralph kaya napa-krus nadin ako kasabay ng pagsasabi ng 'sumalangit nawa ang kaluluwa mo, Seira'.

"Well, her soul isn't going to heaven." bulong ni Moises sa likod ko. Magkatulong naming dahan-dahang ibinaba ang katawan ni Seira na may talukbong ang mukha. Iniiwasan kong mapahawak ako sa itaas na bahagi ng katawan niya.

Nang maibaba na namin siya sa damuhan, agad na kinapkapan ni Moises ang bulsa ng maong pants ni Seira. Wala siyang nakita roon kaya napatingin siya sa akin.

"Baka nasa likod ng bulsa ng pantalon niya."

"Ano bang hinahanap mo?" hindi ko parin talaga kasi alam kung anong gusto niyang hanapin kay Seira. Naalala ko 'yung sinabi ni Ralph tungkol 'dun sa gamot na lason daw.

"I wan't to see it for myself." sagot sa akin ni Moises. "Tulungan mo akong iangat siya." Iniangat namin ang katawan ni Seira sa may tabi niya at kinapa ang bulsa roon.

"Wala rito." sabi niya. Iniangat ko ang baywang ni Seira at isinuot ang kamay ko sa bulsa niya sa likuran. May nakapa akong parang plastic doon. Kinuha ko iyon at itinaas para makita naming dalawa ni Moises.

"Hey, what's that? Oh, 'yan siguro 'yung lasong ibinigay niya kay Emma. Natatandaan niyo? Ganyan din 'yung ibinigay ng babaeng 'yan na sabi niyang gamot. Puta talaga, hindi dapat natin pinagkatiwalaan ang babaeng 'yan!" hindi ko namalayang nandito na pala si Ralph sa likuran ko. Buo na ang boses niya at parang wala na siyang iniindang sakit. Parehas na umangat sandali ang tingin naming dalawa ni Moises sa kaniya at ibinalik ulit iyon sa hawak kong maliit na plastic na may dalawa gamot sa loob.

"Let me see." Ibinigay ko kay Moises ang plastic at kumuha naman siya ng isa sa dalawang gamot doon. Inamoy niya iyon at ineksamin.

"Walang duda. Lason nga 'to." nagulantang ako sa pagkumpirma niya. Matinding poot ang naramdaman ko sa puso't kaloob-looban ko. How dare he poisoned my love?! How?!

"Fuck you!" sinuntok ko nang malakas ang mukha niyang tinakluban ko ng t-shirt ko. Susuntukin ko sana ulit siya pero pinigilan na ako ni Moises. Umiling-iling siya.

"H'wag mo akong pigilan! Please! 'W-Wag!" nagmamakaawa ako habang pinipilit kong alisin ang pagkakakapit ni Moises sa kamay ko. Hinampas ng isa kong namamanhid na kamay ang mukha ni Seira pero pinigilan din iyon ni Ralph. Ano bang ginagawa nila? Hindi ba't dapat galit din sila sa babaeng 'to? Kailangan ko siyang patayin!

"Aus! Aus! Stop!" sigaw ni Ralph pero hindi ako natinag sa pagwawala. Napatumba nalang ako sa damuhan katabi ni bangkay ni Seira nang dumampi ang matigas na kamao ni Ralph sa mukha ko. Nararamdaman ko parin iyon sa kanan kong pisngi.

"Kahit pagsusuntukin mo pa siya, hindi niya rin 'yon mararamdaman! Patay na siya, Aus! Mapapagod ka lang!" sigaw ni Ralph. Napatingin nalang ako sa mga bituin sa langit habang nakasalampak sa damuhan. Buti pa ang mga lintik na mga bituin na 'yon, nasa taas lang at walang ginagawa. Buwisit.

"I hate you all." mahina kong bulong pero alam kong dinig nila. "I want to fucking go home. Ayoko na rito." dagdag ko pa.

"Moises?!"

Agad akong napabangon kahit na masakit ang katawan ko dahil sa biglaang pagsigaw ni Ralph. Napanganga ako ng makita si Moises na nakasalampak na sa lupa, walang malay.

Road KillWhere stories live. Discover now