Chapter 25: Hold on, we're going home.

214 19 1
                                    

Moises

Hindi ko alam kung kailan ako huling nagpasalamat sa Diyos. Nakakalimutan ko narin kasi. Pero, itong araw na 'to, itong mga pinagdaanan namin, sobrang nagpapasalamat ako sa Kaniya na ligtas na kami kahit na nabawasan kami ng isa.

Si Emma.

I feel so sorry for her. Lalo na kay Tita Fallar. Once na malaman niyang patay na ang pinakamamahal niyang anak, baka kamuhian niya kami—ako. Hindi pa pala rito natatapos 'tong takot na nararamdaman ko.

Sobra parin akong nasasaktan kapag naaalala ko na hindi naman ako minahal ni Emma, o minahal man niya ng kahit isang araw. Kay Aus siya may nararamdaman. Matagal na kasi kami e. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal namin sa isa't-isa. Tapos biglang ganoon. Bigla nalang niyang sasabihing ang mahal niya ay iba. At isa pa sa tropa.

Oo, nagalit ako kay Austin. Pero nang ma-realize kong wala namang kaalam-alam si Aus tungkol do'n, na-realize ko rin na hindi ko dapat siya kagalitan. Tsaka, wala naman akong magagawa kung hindi nia ako mahal 'di ba? Hindi ko na  naman siya maiipaglaban pa, kasi, wala na siya. Humigpit ang pagkakakapit ko sa manibela ng pick-up ni Daisy Macalalad.

Tungkol naman kay Ms. Adjieda—na hindi naman pala tunay na pulis—iniwan na namin ang bangkay niya roon. Kung saan siya na-dead on the spot. I shouldn't trust her. Dapat noong una palang, nalaman ko na ang masama niyang pakay. Na kasabwat pala siya ng mga mamamatay tao na mga 'yon. Pero, tapos na ang lahat. Ms. Adjieda's dead, thanks to our real superhero, Ms. Julia.

"Hey," napatingin ako kay Austin na nasa passenger's seat nang marinig ko siyang magsalita. "You okay? I can drive you know."

Napatawa ako sa sinabi niya. Baka kapag siya ang pinagdrive ko, kasing bagal ng lakad ang pagpapatakbo niya. Tsaka, hindi pa magaling iyong paa niya.

"Hindi pa magaling 'yang paa mo, baka mabangga pa tayo kapag ikaw ang pinag-drive ko." natatawa-tawa kong sabi sa kaniya. Narinig kong napatawa rin si Ralph sa likod namin. Magkakatabi sa likuran sina Ms. Julia, Bella at Ralph. Where's Emma? At the back trunk. Doon na muna namin siya inilagay ni Ralph kanina dahil natatakot nadin si Bella. Sinigurado naman naming hindi siya mahuhulog mula sa likod at nilagyan din namin ng tela ang pinaghigaan niya. Nandoon din ang mga bags namin kasama niya.

"Okay lang ba 'run si Emma? Kung dito nalang kaya siya sa passenger's seat at doon ako sa labas?"

Hindi ako kinilabutan sa sinabi ni Aus kahit na kakaiba ang sinabi niya. Siguro yung iba, magpi-freak out kapag may nakatabi silang patay na. Pero hindi iyon mangyayari sa akin. Hindi kay Emma.

"Okay lang si Emma run." sabi ko. Pero hindi parin nawala ang uneasiness sa mukha niya. Nag-aalala parin siya kahit na wala nang dapat pang ipag-alala.

"No."

Napatingin ulit ako sa kaniya na nasa tabi ko. Nakatingin siya sa akin pero nakakunot ang noo.

"Hey, Aus. Emma's gonna be okay there." nagsalita si Ralph mula sa likod.

"No. Moi, stop the car."

"What?" nagulat ako sa sinabi niya. Sigurado ba siyang magche-change position sila ni Emma? Pero...

Wala na akong ibang nagawa kung 'di itigil ang pick-up na minamaneho ko. Kagaya ko'y hindi rin pumayag sina Ralph at Bella pero kapag kasi Ausin na ang nagpumilit, wala na akong magagawa run. By the way, mahimbing nang natutulog si Ms. Julia.

"Thanks." sabi ni Austin bago siya lumabas ng pick-up. Napabuntong hininga nalang ako.

"Hindi kami magche-change position, Moi. Sasamahan ko siya run." Sabi niya sabay tap ng kamay niya sa pick-up. Hinintay ko siyang makaakyat sa trunk sa likod habang nakatingin ako sa side mirror, bago ko pinaandar ulit ang pick-up. Hindi ko namalayang may pumatak na palang luha sa mga mata ko.








Austin

Kagaya ni Emma, humiga rin ako sa tabi niya, sa lapag nitong trunk at tinabihan siya. God! I missed her! I miss her eyes, her smiles, her presence, her everything.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga susunod pang mga araw. Hindi ko alam kung magiging masaya pa ba kami nang nawalan kami ng isa. Pero, I really hope so. Sana, maging okay na talaga ang lahat. Kahit na hindi ko alam kung paano namin haharapin si Tita Fallar. Mama ni Emma.

"He-Hey, Emma." pagtawag ko sa kaniya. Magkalapit ang mga mukha namin pero may taklob na tela ang kaniya. Hinawakan ko ang telang 'yon at ibinaba papunta sa kaniyang leeg. Tumulo ang luha ko na kanina ko pang pinipigilang pumatak nang makita ko kung gaano nakakapanlumo ang mukha niyang wala ng buhay. She didn't deserve this. Sobrang putla na ng balat niya at nakakapaiyak talaga. Bakit humantong sa ganito ang lahat?

Niyakap ko siya at umiyak sa kaniyang balikat.

"E-Emma.. Pa-Patawarin mo 'ko h-ha? H-Hindi ki-kita nailigtas. H-Hindi tayo nakauwi k-kaagad." bulong ko sa pagitan ng aking mga paghikbi. Iniangat ko ang ulo ko sa pagkakaub-ob sa balikat ni Emma, at pinahid ang mga luha ko. Kitang-kita ko ang kalangitan dahil nakahiga rin ako. Ngayon ko lang na-appreciate ang ganda ng mga bituin at ng buwan. Pinahid ko ang tumulong luha sa kabila kong mata.

Kinapitan ko ang kamay ni Emma na malamig na. "Hold on, Emma. We're going home." bulong ko.

Road KillWhere stories live. Discover now