Chapter 11 • 3/3 : The hand sign message

243 23 3
                                    

Moises

I-I love A-Austin . . . I'm sorry M-Moi.

That was the last words from Emma that she said to me. That he loves Austin and not me. Yes, it breaks my heart kahit na alam ko na noon pa na 'yon talaga ang totoo. Pero hindi ko inaakalang ganito pala kasakit kapag siya na 'yung nagsabi.

Pinilit kong maging malakas sa paningin ni Austin at ng sarili ko kahit na ang totoo'y gusto ko nalang bumigay. I loved her the most. Pinaramdam niya sa akin na mahal niya ako at ako lang. Pero, hindi. Nahulog ako sa bitag niya.

I don't hate her. I'm just hurt by her.

But I need to let go.

I need to survive in this hell of a trip. Kailangan naming makauwi para sa mga magulang namin. I hoped na sana ma-track kami ng mama ni Austin by his phone na ginamit namin kanina noong kinontak namin siya. 'Yun nalang ang nakikita kong paraan para makaligtas kami—para makauwi.

This time, ang pagligtas ng magandang babaeng Seira raw ang pangalan sa amin, ay hindi ko ina-adapt na isang tulong. Malakas ang kutob ko na ang babaeng kasa-kasama namin ngayon ay hindi dapat pagkatiwalaan. I don't know. I'm not convinced by her excuses.

"W-We need to pro-proceed . . ."

Naputol ang namamayaning katahimikan sa aming apat—hindi ko na ibinilang pa si Emma—rito sa loob ng pickup na sasakyan nang magsalita si Ralph. Yeah, he's right. Baka kapag tumagal pa kami ng tuluyan dito sa kalsada na nakatigil lang, hindi imposibleng mapagaya kami sa naging kalagayan ni Emma. Dead and cold.

Ibinaba ko ang paningin ko at tiningnan ang katawan ni Emma at mukha niyang tinakluban ko ng panyong pagmamay-ari ko. Naalala ko ang sinabi ni Ralph kanina. He did that thing to my love. Muntik muntikanan na niyang mapatay si Emma by slitting her throat doon sa parang. Hindi ko inaasahang kaya niya 'yong gawin. Pero wala na nga palang imposible sa panahon ngayon. Ang hindi mo inaasahan, nangyayari. At ang inaasahan mo, hindi mangyayari.

"Kaya mo bang magmaneho? I didn't drive before but I assure you na marunong ako." Austin said in assuring voice. Magaling si Aus sa pagtatago ng totoo niyang emosyon. Magaling din siyang mag-bago ng tono ng boses niya. Siguro'y 'yun ang nagustuhan ni Emma sa kaniya. I looked away.

"Go-Good. Y-You can drive Austin." nahihirapang sagot ni Seira. Narinig ko ang pagbaba ni Austin mula sa pintuan niya at paika-ika siyang naglakad papunta sa unahan—sa driver's seat. Inalalayan niya muna si Seira na makalabas bago niya ito inihatid papunta sa iniupuan niya kanina which is sa tabi namin ni Emma. Nakaramdam ako ng kakaibang aura rito sa likuran. I don't really like her presence.

Pero wala na kaming choice. Kahit na hindi ko naiisip na isang ‘tulong’ ang ibinigay niya sa amin ngayon, wala kaming magagawa kung 'di tanggapin nalang ang inialok niya. Kung isasama niya nga kami sa area niya o bahay niya, that's good. Sana wala nang dumagdag pang isang bangkay bago kami makarating sa bahay ni Seira.

I feel the engine start kaya napatingin kaagad ako sa likuran ni Austin. I know that he knew how to drive way back noong mga fifteen years old palang kami. But when his father died in a car accident, nagbago ang lahat sa kaniya. Not totally all pero ibinaon na niya sa limot na kaya niyang magmaneho. That's his phobia.

Kaya hindi ko rin maiwasang hindi mapabilid sa courage niya ngayon para lang makaalis kami rito at makapunta sa area ni Seira. Nararamdaman ko ang pagkadesedido niyang makaligtas kaming lahat.

Lahat kami'y napa-abante ng malakas at nakita ko pang napauntog ang ulo ni Ralph sa unahan ng sasakyan nang paandarin ni Austin ang pick up. Nanggagalaiti ang mga mata ni Ralph sa direksyon ni Austin dahil sa nangyari.

"I'm sorry. I'm trying . . ." sabi ni Austin.

"Dapat ikaw nalang ang nasaksak ni bitch at ako nalang ang nagmamaneho." Ralph said. Napansin ko ang body language ni Seira. Agad na umakto ng mabilis ang mga mata niya patungo sa likuran ni Ralph and her shoulder tensed up. Is she hiding somethi—wait.

H-Hell no.

Nagulat ako sa biglaang pagtingin ni Ralph sa akin. It's just a one to two seconds pero parang may kakaiba sa tingin niyang 'yon. May mensahe ba siyang gustong iparating sa akin?

And then I saw his right hand below his lap. Hindi ang panginginig noon ang napansin ko kung 'di ang pagturo ng thumb niya sa kaniya. And then it hit me. Hindi niya itinuturo ang thumb niya sa sarili niya kung 'di ang nasa likuran niya na si Seira. Sunod na nag-form ang kamay niya nang biglaan na parang may isinaksak siyang invisible na kutsilyo sa tagiliran niya—na kasalukuyang may saksak. Wait. Nanlaki ang mga mata ko pero hindi ko iyon pinahalata.

Yes. Ralph giving me message. At alam ko na kung ano 'yon.

Seira stab me.

Road KillWhere stories live. Discover now