Chapter 14 • 1/3: The red and blue light

211 20 3
                                    

Ralph Mateo
1:49AM

Kung hindi ko lang sinend 'yung group message kagabi sa mga kaibigan ko, wala sana kami rito. Tang'na. Kung hindi lang sana ako gago, hindi mawawala sa akin si Bella. Hanggang ngayon palaisipan padin ang lahat ng nangyayari ngayon sa amin. Sabik na sabik na akong umuwi pero paano kami uuwi kung hindi namin alam kung nasaan kami?

Bangag, mga sawing palad, gusgusin, at masasama na ang amoy naming lahat. Well, hindi naman talaga kaming lahat dahil ang dalawang babaeng kasama namin ngayon ay patay na. And the worst is, parehas silang nasa tabi ko. Nagsama-sama na ang masasangsang na amoy dito sa loob ng pick up ni Seira.

Tinitigan ko ang likurang buhok ni Austin sa unahan ko na parang bagong ligo dahil sa pinaghalong pawis, dumi at grasa. Itinaas ko ng marahan ang kanan kong kamay papunta sa aking ulo dahil natatakot akong baka masanggi ko ang braso ni Emma sa kabila kong tabi. Nang maramdamang malagkit ang buhok na dati'y alagang-alaga ko, hindi nalang ako umimik.

"You sure you'll be okay there?" pagtatanong ko kay Austin na patuloy pading nagda-drive. Hindi ko alam kung drive pa bang matatawag ang ginagawa niya dahil pahinto-hinto kami. Hindi dahil sa malubak na daan, kung 'di dahil hindi pa siya ganoong bihasang magmaneho. At oo, may nakaraan siyang matagal na niyang kinalimutan kasama ng pagpapatakbo ng mga sasakyan.

Sandaling lumingon sa akin si Austin at binigyan ako ng isang tipid na tango. Katabi niya si Moises na nasa passenger's seat na wala paring malay. Hindi pa siya nagigising magmula ng mahimatay siya sa ginawan namin ng . . . aksidente para kay Seira. Napapikit ako ng madiin. Mamamatay tao kami.

No, no. We are not murderers. No.

After being an asshole kanina, ngayon ko lang na-realize ang lahat ng kagaguhan ko. Kapag sinabi kong lahat, lahat talaga ng nangyari na ako ang may kagagawan. Hindi ko inaasahan at hindi ko talaga inasahan na mangyayari 'tong mga bagay na 'to sa'min. All I wish is a safe-and-sound trip sa buong pagro-roadtrip namin pero nauwi lahat ng iyon sa ganito. Hindi safe kung 'di grave at hindi sound kundi itong ground ng kalsada na 'to ang nasagupa namin. Wala nga akong kaide-ideya kung nasaang lupalop na kami ng Batangas.

"Hey, you okay there?"

Napaismid ako sa itinanong ni Austin, "Of course I'm not fucking okay, men! Two dead bodies are in each side of me so anong okay 'run?" sarkastiko kong sabi kay Austin. Mahina siyang napatawa dahil sa sinabi ko.

"Oo nga pala, why're we heading at this way?" I said when I recognized na papunta pala kami sa daan na papalayo hindi pabalik.

"We can't go home right now. Kapag ginawa natin 'yun, baka hindi natin kayanin ang pagod at mga pinsala natin at baka sa daan pa tayo mamatay." sagot sa akin ni Austin. Pansin kong naiigalaw nadin niya nang maayos ang kaliwa niyang binting mayroong bali. Siguro'y nasanay nadin siya.

"Maybe we can get some help 'dun sa bar!" I immediately replied. Tumawa muna siya ng mahina bago sumagot, "Nope. Hindi sila magbibigay ng tulong. See Seira at your side? Dun siya galing, hindi mo ba natatandaan? She's the bar girl back there. If we go and get some help in that pub, we will end up dying."

Kinilabutan ako sa sinabi ni Austin. Kaya pala mukhang pamilyar ang mukha nitong si Seira nung nagbigay siya ng tulong sa amin kanina. That's why.

Earlier at the bar, we met an old man—a psycho exactly, questioning if we are yummy. Then it hit me.

"Austin!" sigaw ko, pagtawag ko sa pangalan niya.

"Bakit ka ba sumisigaw? Kapag nabangga tayo, ikaw ang sisisihin ko." matigas niyang sabi. Akala naman niya ang bilis ng takbo namin. E, halos katumbas lang ng takbo ng isang bata ang andar nitong pick up na siya ang nagpapatakbo. Tiyaka, para namang may mababangga kaming ibang sasakyan kung kami lang ang nandito sa mahabang kalsada.

"Natatandaan mo ba 'yung matanda 'dun sa bar? Yung nagtanong sa amin kung masarap ba daw kami? Natatandaan mo?" Nakita ko siyang napakunot ang noo, bahagyang bumuka nag bibig niya. Siguro'y alam nadin niya ang gusto kong sabihin.

"Paano kung ang lahat ng tao rito ay mga serial killers? Mga cannibals? Mga wrong turns?"

"Wrong turns?" Austin asked.1

"Yung mga pangit sa wrong turn na movie! Grabe ka, hindi mo pa napapanuod 'yon? Psh!"sabi ko.

"Malay ko ba." mahina niyang sagot "Maybe your right and maybe your wrong. Sa tingin ko, hindi sila mga cannibals at hindi rin sila mga . . . what did you say? Wrong turns?"

Humalukipkip ako at niyapos ang bag ko na nasa aking hita. Naramdaman ko ang braso ni Seira sa kabila kong tabi kaya naman agad akong napaurong kung kaya't ang braso naman ni Emma ang dumampi sa braso ko. Umayos ako ng upo at nanatili sa gitna. "Kung gayon, ano sila?"

"Mga baliw." sagot ni Austin.

"Sa tingin mo, may mahihingan tayo ng tulong kapag dumiretso pa tayo diyan? Safe pa ba riyan?Puwede namang umuwi nalang tayo, Aus!" hindi ko mapigilang hindi sabihin sa kaniya. Mas mabuti kasing magdrive nalang kami pauwi at 'dun, mapapanatag na talaga ang loob ko.

"Malakas ang kutob ko na may mahihingan tayo ng tulong. Konting tiis nalang." sabi niya. Wala tayong mahihita kung sa kutob tayo kakapit! Gusto kong sabihin kay Austin pero tumahimik nalang ako.

"At papaano naman itong mga bangkay na katabi ko?" parehas kong tiningnan ang parehas kong tabi, "Let's say, nakakita tayo ng mahihingian ng tulong, ano namang sasabihin natin sa kanila kung sakaling makita nila 'to? Baka akalain nilang pinatay natin sila at makasuhan pa tayo!"

"H'wag ka ngang sumigaw Ralph! Nag-iisip din ako, okay?" pabalik niyang sigaw sa akin. Nanahimik ako at pinabayaan ko nalang siya. He never shout at me before pero kapag pinairal ko na naman ang pride ko, baka may mangyari na namang masama.

About my girl, Bella, halos apat na taon nadin kami. Nagaaway kami, nagkakahiwalay din pero sa huli, pinipili naming parehas na bumalik sa isa't-isa. I think that's the true meaning of love. Kahit na anong mangyari, hangga't may nararamdaman pa kayo sa isa't-isa, kayo't kayo parin sa sa ending. Kaya kailangan namin siyang mahanap. Tama si Austin, we should go this way.

"Ralph! Ralph!"

Mabilis akong napatingin kay Austin sa pagtawag niya sa pangalan ko. Itinuro niya ang nasa unahan namin at sa kalsada sa malayo ay may natanaw kaming pula at asul na ilaw.

"What . . . the . . . hell is . . that?"  mabagal niyang tanong.

Nanlaki ang mga mata ko, "Alien?"

Road KillWhere stories live. Discover now