Chapter 11 • 1/3: Everything's done so fast

219 22 3
                                    

Austin

"Da-Damn it."

Isang boses ang nadinig ko. Mukha iyong nahihirapan sa kung ano mang kalagayan niya. Pinakiramdaman ko ang paligid.

"G-God! I ca-can't move. Guys?! Seira!"

Isa na namang boses ang narinig ko. Mukhang malapit lang siya sa akin. Doon ko lang naalala ang boses ni Ralph. Oo, boses 'yun ni Ralph. Bigla kong naalalang nakatulog nga pala ako kaya pinilit kong magmulat ng mga mata. Pero kahit anong pilit ko, hindi parin iyon tuluyang bumubukas ng malawak.

"Hmmp!" daing ko. Iginalaw ko ang mga kamay ko at naramdaman ako ang head board ng front seat na nakapitan ko.

"Austin!"

Tuluyang mumulat ang mga mata ko at agad akong napaayos ng tayo dahil sa nakita ko sa paligid. Napansin kong nakatigil na ang sinasakyan naming pickup truck. Una kong nakita si Moises na duguan ang mukha habang nakahiga parin sa hita niya si Emma. But . . there's something wrong with her. Pinagmasdan ko ang dibdib ni Emma at naihawak ko na lamang ang kamay ko papunta sa aking bibig nang makita kong hindi na tumataas-baba 'yon. She's . . she's dead.

Dead. Emma's already dead. Ang babaeng nakilala ko noon, ang sikreto kong minahal at minamahal padin hanggang ngayon . . .

Ibinulong ko ang pangalan niya pero hindi ko iyon mabigkas ng maayos. Tumalikod ako sa kaniya dahil hindi ko siya kayang tingnan habang nasa ganoong kalagayan.

Sobra siyang namayat at halos maging white-violet na ang balat niya. Pale white na, parang wala nang dugo. Patay na nga siya. And her shirt na nabahiran ng dugo niya, dun na 'yon mismo natuyo. Her eyes closed.

"A-Austin."

Narinig ko ang pagtawag ni Moises. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko bago ko sila lingunin.

"Haa . . Hah-Ha-Ha.." hindi ko na nakontrol ang sarili ko at napahagulhol na ako nang tuluyan. Hinawakan ni Moises ang balikat ko at siya na mismo ang nagpahid ng mga luha ko sa mukha.

"It's o-okay, Aus. It's fucking okay . . " sabi niya. "Look at me Austin. Hey, hey! Look at me!" pinilit kong tingnan siya pero kusang lumalayo ang mga mata ko. Nakakapanghina.

"D-Damn it! Look a-at me!"

Tinibayan ko ang loob ko at tumingin ako sa mga mata ni Moises. Kumawala ang paningin ko at sa mukha na ni Emma ako napatingin. Oh, God she's totally dead - with us. And her family didn't know. Napaiyak na lamang ako, hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari sa amin dito sa lintik na road trip na 'to. Akala ko, makakauwi pa kami ng sama-sama . . ng buo.

"Bakit? Bakit siya n-nagkaganyan?" tanong ko habang umiiyak padin. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko.

"I don't know! Pero mas mabuti na 'yung ganito. Hi-Hindi na siya mahihirapan pa." sabi ni Moises. "Are you gay? Don't fucking cry like a baby!" dagdag pa niya. Pinilit kong tumigil sa paghikbi kahit na ang hirap no'n sa dibdib. Naalala ko ang mga masasayang ala-ala namin ni Emma noong magkasama pa kaming dalawa-noong hindi ko pa siya naiipakilala sa barakda. Ni hindi ako nakapag confess ng totoong nararamdaman ko. Na hindi lang basta kaibigan ang turing ko sa kaniya simula pa noon. Na . . mahal ko siya.

"She's dead. She's dead. She's dead." bulong ko ng sunod-sunod habang nakatitig sa kawalan.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong 'yun lang ang ibinubulong. Literal na naubusan na ako ng luha para iiyak.

Napatingin ako sa unahan namin at ngayon ko lang naalalang kasama nga pala namin si Ralph at si Seira. Nakita kong nakaubob si Seira sa manibela ng sasakyan at si Ralph naman ay hindi mapakali. Base sa pagmumura niya, mukhang may nangyaring masama sa kaniya. And wait, bakit nga pala may bahid ng dugo ang mukha ni Moises? Kinapa-kapa ko ang sarili ko, at salamat naman dahil mukhang wala akong natamong sugat kung 'di 'yung bali lang ng binti ko kanina pa. We stop, Emma's dead and she never gave me a single goodbye-word, Ralph have this annoy-face in his face, what happened?

"M-Moises, your face have this blood on it and why do we stop? So we just sleep at pagkagising natin patay na si Emma?" sunod-sunod kong tanong. Napaismid si Moises. Nakita ko na lamang na may hawak na siyang brown na panyo in his free hand. Inalis niya ang isa niyang kamay sa pagkakapatong sa balikat ng patay nang si Emma at binuklat ang panyo sa pagkakatupi. Ipinahid niya iyon sa kaniyang mukha. Napasalin ang ibang dugo sa panyo pero marami paring natira sa mukha niya.

"Slow down, slow down. Hindi ko pa alam kung anong nangyari. Like you, I fell to sleep. Nagising nalang ako na ganito na ang nangyari. And . . and Emma's dead. Hindi ko manlang siya-"

"Don't blame it to yourself. Sa ating lahat, ikaw lang ang pinaka umalalay sa kaniya." sabat ko kaagad. Natahimik siya sa sinabi ko.

Sinilip ko si Ralph na nasa unahan namin at nakita ko siyang nanghihina. "What happened to you?" tanong ko. Tiningnan niya ako.

"You know, fuck you!" sigaw niya sa pagmumukha ko. Naiatras ko ang ulo ko.

"What the heck?" nagtatakang sabi ko. Nang bumaba ang paningin ko sa tagiliran niya, nakita kong may nakatarak nang kutsilyo ro'n. I think I saw that knife somewhere.

"Anong nangyari? Bakit ka may saksak sa tagiliran mo?!" naguguluhan kong tanong pero hindi niya ako sinagot. Nilingon ko si Seira at kinapitan ko ang ulo niya para maisandal 'yon sa head board ng upuan niya. Gayon nalang ang gulat ko nang makitang may dugo ang bandang tiyan niya.

"S-Seira?" pagtawag ko sa kaniya pero nanatili siyang nakapikit. Hinawakan ko ang leeg niya at nakahinga ako nang maluwag nang naramdaman kong may pulso pa naman siya ro'n.

Sinong may gawa ng lahat ng ito sa kanila?

"Agha!"

Nagulat ako sa biglaang pag-ubo ni Seira. Nagising siya at agad akong hinawakan sa leeg ng t-shirt ko kaya naman napaabante ako papalapit sa mukha niya. Bigla akong kinabahan. Iba na ang tingin ng mga mata niya ngayon. Parang papatayin niya ako anumang oras.

"S-Seira.. Le-Let . . . . g-go." nahihirapan kong pakiusap. Agad namang umakto si Moises at marahas niyang hinigit ang kamay ni Seira papalayo sa leeg ng shirt ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil do'n. Agad akong umatras para makalayo sa kaniya.

"What's happening to you, lady?!" malakas na sigaw ni Moises. Nakita ko ang mga mata ni Seira na mukhang bumalik na sa wisyo. Hinawakan niya ang tiyan niya at dumaing na siya nang dumaing ng sakit pagkatapos. Siguro'y ganon lang talaga siya kapag bagong gising. Ewan, hindi ko alam.

Namayani ang katahimikan sa loob ng pick-up truck. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras kaming nakatitig lang sa kawalan.

Maya maya'y gumalaw si Moises kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita kong nilagyan niya ng itim na tela ang mukha ni Emma. Kung saan galing ang tela ay hindi ko alam.

Tumingin nalang ako sa labas ng sasakyan. Masakit padin sa'kin na nawala nalang ng ganon si Emma. Ilang taon ko na siyang kaibigan. Kahit na minsan ay kakaiba ang ugali niya, siya parin naman si Emma na nakilala ko. Ako lang ang makakaintindi sa kaniya.

"I'm sorry for your lost." rinig ko ang boses ni Seira. Siguro'y nga-ngayon niya lang nalaman na wala na ang isa sa amin. Hindi na talaga siguro kinaya ni Emma ang natamo niyang saksak sa tiyan. I feel so sorry for her.

Hindi ko narinig na nagsalita si Moises tungkol sa sinabi ni Seira kaya nilingon ko siya. Nabato ako sa kinauupuan ko nang makita ang mga mata ni Moises na nanlilisik sa unahan niya - kay Seira.

Road KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon