Chapter 18 • 1/2: Dedication and bravery.

183 19 0
                                    

Moises

Hindi dahil ng ipis, daga, aso o ano pang nakakatakot na hayop o bagay ang dahilan kung bakit ako natatakot ngayon. 'Yun ay dahil sa kung nasasaan kami ngayon. I'm with Aus, Ralph at Ms. Adjieda—ang police officer sa station ng Sterling kung saan kami naroroon kanina at tumakas.

Hindi ko alam kung mapapagkatiwalaan ko - o namin - ba siya. Napakamisteryoso niya para sa akin. Hindi ko alam kung saan o kung papaanong paraan. Basta, mayroon sa kaniya na hindi ko lang malaman kung ano. Hindi ko parin alam kung papaano niya kami nasundan dito ng hindi namin siya namamalayan pero hindi ito ang oras para itanong sa kaniya 'yon.

Tulad ng ibang mga plano, galing sa iba't-ibang tao, mayro'n rin kaming Plan A at Plan B, tulad nila.

PLAN A: Si Bella lang ang priority at kukuhanin namin sa loob ng building (kung nandoon nga siya) at wala ng iba pa. Wala kaming planong dumakip ng mga wanted peoples at patayin o saktan man sila. I don't know what's the plan of the police girl that still with us.

PLAN B: If we cannot find Bella, or we found her but she's in a bad condition or worse than that, may isa sa amin (maybe 'yung nakakita kay Bella) ang maglalayo sa kaniya mula rito. 'Yung mga natira, ay responsible for taking care of those wanted peoples.

Masama ang kutob ko sa Plan B. Hindi ko alam kung magiging successful ba ang planong gagawin namin lalo na't hindi ganoong kaayos ang pagkakaplano nito pero nakasisiguro akong si Bella ang prayoridad namin at siya lang ang ipinunta namin dito.

I glanced at my wristwatch, and I saw a red line blinking there encrypting a numbers of 2:47AM. Wala pa kaming kain, pahinga, at higit sa lahat, tulog.

Parang gusto ko nalang biglang pumikit at bahala na kung anong mangyaring sunod. Pero, alam ko na hindi talaga ako ganoon kaya ipinagpatuloy ko ang tahimik na paghakbang papalapit sa malaking entrance nitong building na hindi na napinturahan noong ginawa. May mga dim lights na lumalabas sa mga walang sanggang mga bintana kaya nakasisiguro kaming may tao nga sa loob. Tao nga ba? Mas nakumpirma naming may tao sa second floor ng building dahil may aninong bigla nalang lumabas sa isa sa mga bintana roon. Agad akong napayuko at napatago sa isang luma at medyo kinakalawang na oner. Napansin din 'yon nina Ralph at Austin kaya agad nila akong ginaya at nagtago rin sa mga sasakyan na malapit sa kanila. Hindi kami pupwedeng makita ng mga taong 'yon.

Agad na nawala ang anino sa bintanang 'yon kaya agad akong nakahinga nang maluwag. Hindi ko iyon ipinakita sa mga kasamahan ko.

“Itutuloy pa ba natin 'to? Ugh, of course we do.” bulong ni Ralph sa likuran ko habang hawak ang tiyan niyang may tama parin ng saksak. Hindi pa iyon lubos na nagagamot kaya hindi ko mapigilang hindi mag-alala at maawa sa kaniya. Oo nga't siya ang nagpasimula ng road trip na 'to, pero hindi naman ganito ang in-expect naming mangyari. Dumaan kami sa matitinding aksidente at pagkalito. Hanggang ngayon, nalilito parin ako.

“We're not going back. Ako muna ang papasok sa building na 'yan. Sumunod ka sa 'kin and give them signal to go on later.” pagtutukoy ko kina Austin at Ms. Adjieda. Halata ang takot at kaba sa mukha ni Ralph pero mariin padin siyang tumango sa sinabi ko. He's brave enough. Much braver than me though. Hindi ko nga alam na mangyayari 'to e. All of this. Ngayon lang ako naging matapang.

I glanced back at Austin and all I can see is his dedication to live and to see again our friend, Bella. He's strong kahit na payatin siya. Pero kahit na ganoon, siya 'yung pinakamalakas sa aming lahat. Not by force or by how strong he is pero sa loob. Malakas ang loob niya. Naalala ko tuloy 'yung mga araw na kasama ko siya—isinasama ko siya—sa mga ginagawa naming kalokohan noon. Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala at ma-realize ko na baka hindi na kami makagawa pa ng mga kalokohan sa school at baka ito na at dito na ang last na gagawa kami ng pinakamagandang kalokohan. Ngayon, susugal na ako sa kalokohang 'to. This is maybe the last, and I want it to lasts.

Bumalik ako sa masamang reyalidad na pinasukan namin nang maramdaman ko ang pagkapit ng kamay ni Ralph sa kanan kong balikat.

“Ano?” pabulong kong tanong. Nilingon ko siya at nakita ko ang mga nanlalaki noyang mga mata. Ganon din sina Austin at si Ms. Adjieda nang tingnan ko sila. May tinitingnan sila sa ibang direksiyon kaya nilingon ko kung saan sila nakatingin. Otomatikong nanlaki ang mga mata ko at napabuka ang aking bibig nang makita ko ang bagay—ang malaking bagay na hindi ko naisip na makikita ko pang muli sa lugar na 'to.

Sa di-kalayuan kasama ng iba pang mga abandunadong sasakyan, nandoon ang bagay na 'yon.

No. This can't be real.

Road KillWhere stories live. Discover now