Chapter 13 • 1/3: One to three seconds

215 16 2
                                    

Austin

Kanina pa ako nate-tempt kung aalisin ko ba ang telang nasa mukha ni Emma o hahayaan nalang iyon doon. Pero, gusto kong makita ang mukha niya. Kahit huling beses manlang. Kahit nasa gitna kami ng ganitong kalagayan, gusto kong makita ang mukha niya. Sa huli, hinayaan ko nalang ang telang iyon doon.

Kanina pang tahimik na natutulog si Ralph sa tabi ko samantalang gising padin si Seira at si Moises sa unahan. Wala pa kaming nadadaanang mapuno o magubat na madadaanan dito sa highway kaya nakakahinga pa ako nang maluwag. Kung totoo man ang sinabi sa akin ni Moises kanina, kailangan ko nang maghanda. Hindi siya basta-basta nag-iisip ng plano nang hindi siya sigurado. Gaya nang lagi niyang sinasabi sa akin, kailangan kong magtiwala sa kaniya.

Lagi niyang sinasabi iyon tuwing may pinaplano siyang alam niyang hindi namin magugustuhang magbabarkada. Naalala ko noon, siya ang nagplano na kuhanin mismo sa principal's office yung pinaka final exam namin sa Engineering 101 'nung first semester, noong first year pa kaming lahat. At oo. Dahil siya ang dakilang si Moises Arias, nagawa niyang kuhanin iyon ng walang kahirap-hirap at maibalik niya ang paper sa dati nitong tayo without any single marks of his finger prints. After the exam, lahat kaming magbabarkada na Engineering course ang kinukuha which is Isabella, Moises and me ay perfect sa finals.

"W-Why're you smilin' there? Na-Nabaliw ka na yata sa l-lahat ng mga pinagd-daanan natin kanina . . . well, hanggang ngayon." Kusa akong napalingon kay Ralph nang madinig ko siyang nagsalita. Napangiti na lamang ako ng tipid.

"Naalala ko lang 'yung mga time na gumagawa pa tayo ng mga kalokohan." sabi ko sa kaniya. Nakita ko siyang nag-iwas ng tingin at bigla nalang siyang nagpahid ng mukha. Is he crying?

Pasimple siyang suminghot pero hindi ko napalampas iyon. Kahit din pala ang mayayabang, walang kinatatakutan, at matatapang na tao ay sadyang umiiyak.

"Isang kalokohan din 'to, Aus. Pero hindi na 'to kailanman isang biro." Natigilan ako sa sinabing iyon ni Ralph. Ang mga katagang iyon . . parang . .parang hindi galing sa kaniya.

"Hey, Moi." Sandaling lumingon si Moises sa amin dito sa likod pero ibinalik niya rin kaagad ang mata niya sa daan. "I'm s-sorry for all the wrongs and stupidity that I have d-done now and earlier. Hindi ko na . . . hindi ko na kayang m-maging malakas. S-Shit." sunod sunod na paghagulhol ang pinakawalan niya na nakapagpatigil sa kabuuan ko. The Ralph that I'm seeing now, is the Ralph I've never seen before back when we are in school and in public places. Ibang-iba siya ngayon. Wala na siyang pakialam kung may nakakarinig na iba sa kaniya.

"Yu-Yung tungkol kay E-Emma . . . I-I'm sorry. Ako talaga 'yung gumawa 'nung bagay na 'yon sa kaniya." Napapikit ako nang madiin. Gustuhin ko mang sapakin o sumbatan siya ngayon tungkol sa ginawa niya kay Emma, hindi ko maigalaw ang kamay ko. Nagdadalawang-isip ako.

"I already forgive you. No need to tell that." tugon ni Moises. Tumingin ako sa labas nang bintana sa tabi ko. Tumaas ang paningin ko at dumako iyon sa kalangitan. Mas lalo yatang dumami ang mga bituin. 'Yang mga bituin din na 'yan at ang kani-kaniyang places ang nakikita ko sa amin kaya kahit papaano'y lagay padin ang loob ko na nasa realiyad padin kami at wala sa ibang mundo. Nakakabaliw isipin na kayang ibaligtad ng lugar na 'to ang isip mo.

Natigilan ako nang may makita akong unti-unting damo't halaman sa paligid. Hindi ko namalayang kaagad itong naging isang gubatan. Hindi ko alam kung mabilis lang ba ang takbo ng sasakyan namin o sadyang mapuno na talaga agad ang madadaanan namin. Parang ang bilis naman yatang magpalit ng anyo ang lugar na 'to?

Tiningnan ko si Ralph at agad kong pinilit na kinuha ang seatbelt na nasa gilid niya. Nagulat pa siya sa ginawa ko pero hindi na siya nagtanong pa kung bakit. Napansin kong natutulog naman si Seira habang walang seatbelt. Bakit nga ba 'to gagawin ni Moises?

Agad kong kinapa ang seatbelt ng inuupuan ko sa parehas na gilid pero wala akong nakita o nakapang kahit na ano. Isa hanggang tatlong segundo ang natira bago 'ko malaman na papabunggo na pala kami sa isang napakalaking puno. Nagising si Seira at agad siyang napatili ng malakas.

Road KillWhere stories live. Discover now