Game 36 - He would wait forever

5.4K 94 2
                                    

Game 36 - He would wait forever

Caleb sat on Ron's couch defeated. Nobody would really tell him. They all want him to be kept out of their past. He would always be the outisder even when he's Emma's boyfriend. 

Tinignan siya ni Ron bago ito lumapit sa kanya, he poured a glass of scotch and gave it to him. "Alam kong gusto mong malaman pero may mga bagay talaga Caleb na mas magandang ibaon nalang sa limot." sabi sa kanya ni Ron nang umupo ito sa tapat niya. 

Inangat ni Caleb ang ulo niya at tinignan si Ron. "Pero anong silbi ko kay Emma kung hindi ko man alam kung anong nangyari sa kanya?" 

"Why are you even here Caleb? Why are you so fixated in knowing the past when you should be at Emma's and comforting her right now." sabi sa kanya ni Ron. 

"Anong ibig mong sabihin?" 

"Caleb, simula nung nalaman mo kanina yung kay Emma at Andy mukhang nakallimutan mo na may pinagdadaanan ngayon si Emma. Anong bang mas mahalaga Caleb, ang nakaraan na hindi na naamn gugulo sainyo o ang ngayon na pwedeng magpabago ng relasyon niyo ni Emma?" tanong sa kanya ni Ron. 

Doon lang naalaa ni Caleb na nakalimutan nga niya ang lahat lahat. Nakalimutan niya yung nangyari pagka-uwi ni Emma sa bahay nito. Ron was right, he was fixated with the past that he forgot that Emma was hurting right now. 

What a foolish boyfriend he was. 

Naalala niya si Angelo na kayakap yakap si Emma. Dapat siya ang gumagawa nun at hindi si Angelo. Siya. 

Pero naalala rin niya ang sinabi ni Andy at ng ina ni Emma. Mas gusto ni Emma na mapag-isa. "She wants to be alone." he told Ron. 

Ron snorted. "When people say they want to be alone, that means they want you to stay." he said. "Hindi mo kailangan mag salita, ang kailangan mo lang gawin ay manatili sa tabi niya kahit anong mangyari." 

Agad naman napatayo si Caleb, tama si Ron. Walang tao ang gustong mag-isa. Emma would want a shoulder to lean on and he just gave that oppurtunity to Angelo. 

"Thank you Ron." sabi niya kahit pa hindi nito sinabi sa kanya ang nangyari dati kay Emma at Andy, tinulungan naman nito siya na maalala na mas mahalaga ang ngayon kaysa sa nakaraan. Ginising siya nito sa katotohanan. 

Ngumiti lang si Ron sa kanya. 

Binaba na niya yung baso niya sa lamesa at naglakad na papunta sa elevator. Pinindot niya ito at habang hinhintay niya ang elevator ay nilingon niya ulit si Ron na nasa may bintana na ulit. "Ron, why did Emma treat Shiloh as her own if Shiloh is the product of Andy's betrayal?" tanong niya dito. 

He did deduce it. Emma left Andy because he got someone pregnant. That was the reason of their break up. 

Let's Play Doctor!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon