Chapter XVII - Bluer than blue

Comincia dall'inizio
                                    

Naitaas ko ang isa kong kilay sa sinabi ni Regina. Ayaw palang sabihin sakin eh ba't kailangan n'ya pang ipaaalam? Wala naman akong pake.



Umuwi na ako ng bahay. Crap. Nakalock. Chineck ko ang phone ko para tignan kung mag text ba ako galing kay mommy or kay kuya. Meron nga. Bakit hindi ko naramdaman ang pagvibrate nito?



From: Kuya Brix

Hoy asan ka daw umuwi ka na daw.



Wow ang sweet. Maka-hoy ah. Tss.



From: Mommy

Brianna sa'n ka nanaman ba nagpupunta?? Diba sinabi naman ng lola mo na aalis tayo ngayon???? Bahala ka may susi ka naman diba? Galit na naman ang lola mo sa'yo puro ka na daw barkada at gala ngayon



Crap oo nga pala. Sinabi nga pala ni lola kahalon na may pupuntahan daw kami ngayon kaya 'wag daw kaming gumala muna. Pa'no nangyaring nakalimutan ko yun? T-Talaga bang nawawalan na ako ng time sa family ko?



Kahit may susi naman akong dala, hindi ko binuksan ang bahay. Instead, pumunta ako sa lugar na dati ay madalas kong pinupuntahan pero hindi ko na pinupuntahan ngayon.



Ang una kong pinuntahan ay ang Bread n Brew. Dati ay madalas akong andito. Ngayon kasi lagi na akong sa mall kumakain and such.



Papasok sana ako sa loob kaso nakita kong andun pala sina Harmony at Mary. Nagtatawanan silang dalawa at ngiting-ngiti sila. Nakakamiss tuloy. Dati kasama ako dun sakanila. Ngayon ko tuloy narerealize. They're the best friends I ever had.



Naglakad na ako palayo. Hindi ko alam kung sa'n ako pupunta. All I know is I need to think. Maybe I did changed a lot. Maybe it was too much. Siguro kaya parang nawawalan na ng gana sa'kin ang mga tao'ng malapit sakin dati.



Siguro nga nagustuhan ako ng mga tao pero yung nga kaibigan ko talaga nawawalan na ng gana sakin. Pati na rin si Kuya Brix. Dati naging close na s'ya sakin. Bumalik nanaman tuloy sa parang hangin lang ako.



Sa kakalakad ko, nadaanan ko yung lumang park. Naalala ko.. Dito ako dinala ni Caleb dati. It was the perfect place if you want to be alone and if you need a time to think. Kaya naisipan kong pumasok.



Nangangati pa ang legs ko dahil sa haba ng mga damo habang naglalakad ako papunta sa isang swing.



Nakaupo lang ako dun habang dahan-dahang tinutulak ang sarili ko gamit ang mga paa ko.



I never felt alone before. Well, except nung time na pinahiya ako nila Regina. But I wasn't completely alone that time. I was with Caleb and Kuya Brix. But now... I have no one. I'm feeling.. So lonely. I'm feeling blue. Bluer than blue...



Napatayo ako sa swing na 'to nang may marinig akong kaluskos sa mahahabang damo na'to.



Mabilis na iginala ko ang mga mata ko sa paligid para tignan kung may kasama ba ako dito.



"Boo!"




"Crap!" Sigaw ko nang biglang may naggulat saakin mula sa likod ko.


Nakita ko si Caleb na nakahawak sa t'yan n'ya at halos lumupasay na sa kakatawa. "You loom so scared, scaredy-cat!" He said and laughed some more.



I just rolled my eyes and said, "Stop laughing. Nothing's funny." Sambit ko tsaka ako umupo ulit sa duyan na inuupuan ko kanina. Umupo naman s'ya sa katabing duyan.



"Yung mukha mo nakakatawa." Pangongontra n'ya sa sinabi kong 'nothing's funny'.



"What are you doing here?" Tanong ko sakanya habanh nakakunot ang noo. I was serious nung sinabi kong gusto kong mapag-isa but kung si Caleb naman ang kasama ko, okay rin ako dun.



"Diba dapat ikaw ang tinatanong ko n'yan? What are you doing here? Sinisira mo ang pagrerelax ko." Ay oo nga pala. Sakanya nga palang relax place 'to.



"Well, share your relax place with me." Simpleng tugon ko at pinikit ang mga mata ko. Haaaaaayyy ang sarap ng simoy ng hangin!



"Of course. I'll share everything with you." Mahina n'yang sinabi yan. Mahina pero narinig ko naman. Napadilat ako only to see him staring straight at my eyes. Umiba naman ako ng direksyon ng tingin. God, this is awkward.



"Have you ever felt the feeling of people slowly getting sick and tired of you?" I said, diretso lang ang tingin. Sinusubukan kong hindi mapatingin sa direksyon n'ya or else baka mawala ako sa konsentrasyon ko. "Actually, no. Hindi mo na kailangan sagutin yan."



"Brianna.." Yan lang naisagot n'ya.



"I feel like maybe I changed too much and people don't like it. Pero kung ibabalik ko ang dating ako.. Magugustuhan kaya nila ulit ako? I don't know. My friends... Will they accept me kung babalik ako sakanila? Probably not. After all the mean things I've done.. God, why am I so mean? Hindi naman ako pinalaking masama ng mga magulang ko. Why am I so---"




"Stop, Brianna." Napahinto nga ako sa pagsasalita ng pigilan n'ya ako. "You.. You sound so familiar. Parang feeling ko may kaboses ka. Parang.. Narinig ko na yang boses mo sa ibang tao... Hindi ko lang maisip kung sino ba yung kaboses mo..."




Oh, God. He recognized Heartbreak Hotline's voice.


















End of Chapter XVII...

Heartbreak Hotline [ON GOING]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora