Chapter 10: Pa-fall

Start from the beginning
                                    

* DING DONG DING DONG DING DONG DING DONG *

Anak ng tupa. Balak ata nilang sirain yung doorbell ah? Tumayo ako at nagmamadaling tumakbo palabas para buksan ang gate dahil walang habas na nilang pinipindot yung doorbell. Grrr. Istorbo sa pagkain tong mga toh eh

Pagbukas ko ng gate ay itinigil na rin nila ang pagpindot sa doorbell

"MGA HIJO! HINDI LARUAN ANG DOORBELL" bulyaw sa kanila ni Mang Poncio na kapitbahay namin. Siguro ay miski siya ay naingayan sa ginawang pagpindot ng mga lalaking toh sa doorbell ng bahay namin.

"Lyoneil, balak mo bang sirain ang doorbell ng bahay namin?" sita ko sa kaniya

Tsk. Siya pala yun? Kaya naman pala 'payatot' ang tawag saken.

"Ang tagal mo kasi kaming pagbuksan ng gate eh" mayabang na sabi niya.

Errr. Sarap talaga kutusan ng lalaking toh eh. Yabang yabang

"Duh! Nakain kaya kami ng tanghalian! Mga istorbo kayo eh"

"Talaga? Sakto!! Hindi pa kami nakain. Pakain ah?" sabi ni Lyoneil at nauna pang pumasok ng bahay kesa saken.

Aba't!! Loko talaga toh! Anong tingin niya samen? Restaurant? At talagang dito pa sila makikikain?

"Hoy! Lyoneil! Kapal ng mukha mo ah?" sita ko sa kaniya

"Eh? Anong ginagawa niyo rito?" nagtatakang tanong ni Aina sabay turo kay Lyoneil at sa mga lalaking nasa likuran ko.

"Ewan ko sa mga adik na yan. Restaurant ata ang tingin nila rito sa bahay natin kaya dumayo pa sila dito para kumain" sabi ko sabay irap  kay Lyoneil.

"Grabe. Pero-- sakto lang kasi yung kanin para saming lima eh" sabi ni Jas

Like what the hell.!? Don't tell me ipagsasaing pa nila tong apat na toh? Ang hirap talaga kapag mababait mga kaibigan mo eh. Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ang naudlot kong pagkain. Mga istorbo kasi eh. Talagang dito pa nila napili manggulo!?

"Oy payatot. Galit ka saken?" tanong niya pero hindi ko siya pinapansin

"Oy payat"

"Psst"

"Galit ka talaga?"

"Sexy! Uy papansinin na ako niyan"

Hindi ko pinapansin ang pangungulit niya hanggang matapos akong kumain. Tumayo ako at pumunta sa may salas kung saan nandun sila Anjo at Athena na nanonood ng t.v. Tumabi ako sa kanila at pinatong sa balikat ni Athena ang ulo ko.

"Problema mo ate ?" tanong niya sa akin

Tss. Tignan niyo toh? Para konting paglalambing ko lang sa kaniya may problema na daw ako. Tch.

"Naglalambing lang. Masama na ba? Edi wag" sabi ko at lumayo sa kaniya. Tumawa naman siya at may ibinulong kay Anjo.

Napakunot naman noo ko. Aba. Ano bang meron sa dalawang toh? Bakit parang ang clingy ni Athena sa kaniya ? O.O hindi kaya tama sinabi ni Jas kanina? Na mag boyfriend-girlfriend sila ?

"Hoy Ate. Yang muka mong yan ah? No. Okey? Alam mong friends lang kami ni Anjo" sabi ni Athena kaya tumango na lang ako at itinuon sa panonood ng t.v ang atensiyon ko..

Ano na kayang ginagawa ng mga tukmol na yun sa kusina? Teka--- bakit ba iniisip ko yung mga yun?

BRENDA AINA SOO POV

"Bakit bigla kayong sumugod dito? Ni hindi man lang kayo nagpasabi? Edi sana dinagdagan na namin yung sinaing kanina" tanong ko sa kanila habang pinapatong ang rice cooker sa lamesa. Mga baliw kasi. Bigla bigla na lang banaman nasulpot.

"Huh? Nag text si Lyoneil kay Aphro eh" sabi ni Brandon kaya tumingin ako kay Aphro na nasa salas. Luka talaga yun. Hindi man lang sinabi samen?

"Ah. Haha ano kasi.. Nakalimutan kong magpakilala sa kaniya kanina. Basta na lang ako nagtext" sabi ni Lyoneil habang nagkakamot ng batok kaya napatawa na lang ako. Sira ulo din naman pala kasi eh.

"Kumain na nga lang kayo diyan"- Jas

"Uhm. Dito rin ba nakatira yung lalaking yun?" tanong ni Anthony kaya nagkatinginan kami ni Jas. Nagseselos ba siya kay Anjo?

"Huh? ah hin--"

"Oo eh. Binabantayan niya kami"- Jas

Nagtatakang tinugnan ko siya. Hala. Anong trip ng babaeng toh?

Hindi naman sumagot si Anthony at kumain sila. Pumunta naman kami sa may salas ni Jas at sinamahan sila sa panonood ng t.v.

"Bakit iniwan niyo yung nga yun dun? Baka mamaya kung ano pang gawin nun sa kusina naten. Hala kayo" sabi ni Aphro

Napaka O.A naman ata neto? Haha

"Osige, babantayan ko po" natatawang sabi ko sa kaniya pagkatapos ay tumayo na ako at naglakad para pumunta sa kusina.

"Sinong nagluto neto? Masarap ah" sabi ni Noxx kaya kinilig naman ako kahit papano. Ahe ~ ako kaya nagluto niyang kinakain nila.

"Ako nagluto niyan" sabi ko kaya napatingin siya saken

"Aba. Akalain mo yun? Akala ko puro lamon lang alam mo eh!"- Noxx

-___- Ang lakas talaga mang asar eh.

"Ha.ha. Nakakatawa grabe" sabi ko sabay irap

"Ang sabihin mo Noxx nasasarapan ka sa luto niya"- pang aasar ni Lyoneil sa kaniya. Ayie, kinilig naman ako dun

"Oo nga, diba sabi mo maiinlove ka sa babae kapag masarap silang magluto?" sabi pa ni Brandon kaya feeling ko namumula na ako dahil sa kilig.

So, may pag-asa palang ma-inlove siya saken?

"Crush ako niyan eh" pa cool na sabi ko sa kanila. Nasamid naman si Noxx kaya natatawa ako habang pinapagmasdan ko siya. Haha

"Sino may sabi? As if namang crush kita" sabi niya ng makainom siya ng tubig.

Ouch </3 . Sa bibig niya pa talaga nanggaling yun eh noh? Ang sheket. Tumawa na lang ako at nilikom ang mga pinagkainan nila since tapos na rin naman silang kumain.

"Uy ang tahimik mo bigla ah? Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" sunod sunod na tanong ni Noxx na bigla na lang sumulpot sa gilid ko.

Nakakabadtrip ka kasi. Sinabi mo pa kasi yun! Bwisit eh. Sa pagkakasabi niya kasi kanina parang wala talaga siyang balak na ma-inlove saken. Tapos tatanong tanong ka saken ngayon kung okey lang ba ako? Aba! Anak ka talaga ng pating! Napaka pa-fall mong Noxx Jimuel ka.

"Bakit? Kailangan bang gumamit ng bibig kapag nagliligpit?" pagtataray ko sa kaniya.

"Sungit. tss" sabi niya atsaka iniwan na ako. Hay naku -__- sabi ko nga diba? Wag ng umasa.

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Where stories live. Discover now