Chapter 33

863 36 11
                                    

Hindi ko alam kung may sense pa ba yung mga chapters na 'to pero sana naiintindihan niyo pa rin yung kwento.

***

"You don't drown by falling in the water, you drown by staying there."

***

Chapter 33

Naramdaman ko ang pagdistansya ni Jairus sa kin. It's been days noong huli kaming nagkausap. I understand him, alam kong masakit din para sa kanya but I made the right choice, did I? Mas mahirap naman iyong gagamitin ko siya para makapag-move on.

"Sa tingin mo tama ba yung ginawa ko?" tanong ko kay Alexa, I told her the whole story dahil alam kong maasahan ko siya.

"Hmmm...why don't you try to love Jairus? Malay mo may chance." aniya

"Nasubukan ko na dati pero wala, lagi na lang si Nash iyong naiisip ko." bumuntong hininga ako, I don't think I can forget Nash. Kahit pa sabihin nating sinaktan niya ko, He will always be the guy who changed me for the better and taught me to accept my flaws and imperfections.

"Are you planning to really move on?" naningkit pa ang mata ni Alexa,

Tumango ako sa kanyang tanong.

"Think of it...paano kung may dahilan si Nash kaya ka niya sinasaktan? Or paano kung ginayuma siya ni Larisse?" usal ni Alexa at natawa ako sa huli niyang sinabi. Pero napaisip din ako sa sinabi niya, paano nga kung dahilan si Nash? Ano namang dahilan niya kung sakali? Mas gumugulo lang iyong isip ko nang dahil doon.

"Umabsent siya ng dalawang araw para bantayan si Larisse tapos nakita ko pa silang magkasama one time. Sa tingin ko ay nafall out of love talaga siya sa kin at nabaling iyong pagmamahal niya kay Larisse." pagpapaliwanag ko pero nanatiling nakakunot ang noo niya.

"Hindi eh...the way he looks at you, iba...ramdam ko na mahal ka pa niya but he is stopping what he feels." aniya at tila nabuhay ang mga kulisap sa tiyan ko pero agad din iyong nawala. I don't want my hopes to get high dahil alam kong masasaktan lang ako.

Nakibitbalikat na lang ako at hinintay ang adviser namin na may iaannounce daw.

Nang matanaw ng buong klase ang adviser namin ay umayos na ang lahat sa kanilang upo at iyong iba ay nagpulot ng mga nakakalat na papel.

"Good morning class." bati ng aming guro at tumayo din kami para batiin siya.

"Okay sit down everyone, I am here for the announcement." aniya at linibot muna ang paningin sa buong klase para makuha ang atensyon ng lahat.

"The principal told me that bawat class ay magkakaroon ng representative para sa gaganaping Interpretative dance. Isang lalaki at isang babae." agad umugong ang bulungan, tinapik naman ng aming adviser iyong lamesa para tumahimik muli ang lahat.

"I have come up with the decision that Mr. Aguas and Ms. San Pedro will be our representative." agad akong napatayo sa sinabi ng aming adviser. Tama ba iyong pagkakaintindi ko? Kami ni Nash? Sa isang sayaw?

"But Ma'am, pwede po bang wag na lang ako?" tanong ko at pasimpleng tinignan si Nash na walang naging reaksyon. Bakit hindi nagrereklamo si Nash? Okay lang ba yun sa kanya? May kakayahan naman akong magsayaw pero hindi iyon ang punto ko. Ang hindi ko matanggap ay bakit si Nash pa ang partner ko? Is this some kind of sick joke?

Once A Stranger (Nashlene)Where stories live. Discover now