Chapter 26

845 40 14
                                    

Dedicated to @LarisseYang, hindi ko alam kung magugustuhan mo 'tong role mo pero you asked for it (mabait lang ako). !!!Mema Chapter Alert!!!
ps. Gusto ko lang linawin na lalaki yung kapatid ni Nash.
pps. Short chapter lang 'to.
ppps. Pano magdedicate ng chapter through phone? Hehe.

***

"Broken trust and anger will close a heart until honesty and love is once again found."

***

Chapter 26

Naestatwa ako kakatingin sa kanilang dalawa. Ayokong magconclude pero hindi ko maipaliwanag iyong selos na naramdaman ko.

Wala sa sariling naglakad ako at hindi ko namalayang nabunggo ko iyong waiter.

"I'm sorry ma'am." sabi ng waiter at tumango saka humingi ng paumanhin.

Ayoko sanang lingunin ang gawi ni Nash pero pagkalingon ko muli sa mesa ni Nash ay nakatayo na siya at nakatingin sa kin.

I ignore his stare and walk to Alexa. Mabilis ang pintig ng puso at parang piniga ito dahil rumerehistro iyong mukha ni Nash na may kasamang babae.

"A-alis na tayo, bes." sabi ko at linabanan ang mga luhang nagbabadya na naman. What the hell did I just saw? May kasamang babae si Nash at ako naman 'tong si tanga nahihintay sa kanya. I was waiting if he already sorted his feelings for me pero ito lang pala yun.

"Oh? Bakit? Anong nangyari bes? Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong habang sinusuri ang mukha ko na hindi maipinta. Napatingin siya sa likod at naramdaman ko ang yabag ng isang tao.

"Sharlene--" tawag niya at boses pa lamang ay alam ko na, naramdaman ko ang paghawak ng isang tao sa kin braso at agad ko namang inalis iyon.

"Wag mo kong hawakan at kung pwede ba? Wag mo na rin akong kausapin!" nangingilati kong sabi at agad naman akong inalalayan ni Alexa, naguguluhan yata siya sa nangyayari. Kinain ako ng galit ko. I burst out because I was hurt. Ang sakit lang kasi nung nakita ko, kahit wala silang ginagawang mali dun ay nasasaktan ako. I feel betrayed even though I'm not.

"Anong nangyayari bes?" tanong ni Alexa sa kin at sakto namang pagdating ng isang babae na medyo maputi at may katangkaran rin. Siya iyong kasama ni Nash. Nang nasa harap na siya ay nakita ko kung paano niya ko tinignan mula sa paa hanggang sa mukha.

"Nash? Why did you left me there? Tara na!!! Nagugutom na ko!" hihilahin sana siya nung babae pero nanatili siya sa kanyang kinatatayuan.

"Larisse, bumalik ka muna doon." mariing usal ni Nash at agad na sumimangot iyong babae at hindi nakaligtas sa mga mata ko iyong pag-irap niya sa kin.

"No! Gusto ko kasabay kita kumain!" maarteng ani nung babae. Agad kong kinuha ang pagkakataon para umalis na sana kaya lang hinabol ako ni Nash at hinarang ang daan ko. Gusto ko sana siyang itulak ngunit talagang pinigilan niya ko.

"Ano ba? Aalis na ko!" nabasag ang boses ko at napakagat sa aking labi. You can't cry in front of him, Sharlene!

"It's not what you think it is--" agad kong pinutol ang sinabi niya. I leave us time and space at ganito ang kinahantungan, I can't blame him. I know that. I already said that I will accept what he feels. Kahit masakit ay tatanggapin ko, and if he finally realize that he doesn't really love me, pipilitin kong maging okay. I'll try not to break down even if it is close to impossible.

"Then ano? Ipaliwanag mo! Sino siya?" pasigaw kong tanong at diretso akong nakatingin sa kanya, bago pa man siya makasagot ay nabigla ako nang ipinulupot nung Larisse iyong braso niya kay Nash at pinagtaasan ako ng kilay.

Once A Stranger (Nashlene)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ