Chapter 30

972 41 21
                                    

Inatake ako ng kadramahan. Pasensya.

***

"Sometimes we create our own heartbreaks through expectation."

***

Chapter 30

Hindi ko na pinalaki pa iyong usapan namin at malamig ko rin siyang pinakitunguhan. Damn! Bakit ba nagsisinungaling siya? Pwede namang sabihin na lang niya ang totoo dahil hindi naman ako magagalit eh. He just have to say that binilinan muli siya nung tatay ni Larisse! But instead he lied! It affects the trust I have in him. Hindi niya alam kung paano gumuho ang mundo ko nang piliin niyang magsinungaling.

I hate this feeling. I know that I have lied so many times in my life pero hindi ko alam na ganito pala kapag ginagago ka harapan. Iyong tipong alam mo yung katotohanan pero ayaw umamin nung kausap mo.

Nang matapos ang tatlong araw ng examinations ay inabala naman namin iyong mga requirements namin para mafinalize na iyong grades. Dahil tapos na naman ako sa lahat ay wala ako masyadong ginawa buong maghapon.

Maraming nagcramming na nagpapatulong sa kin at dahil wala na naman akong ginagawa ay tinutulungan ko sila.

"Thank you talaga Shar!" masayang sabi ni Cara at yinakap pa ko.

"No worries," sagot ko at napansin naman niya ang pagliligpit ko nang gamit. Uwian ay napagpasiyahan ko na umalis na agad.

"Alis ka agad?" tumango ako at kinawayan niya naman ako.

"Ingat pag-uwi." nakangiti niyang sabi at maglalakad na sana ako palabas ng room ay may kamay na pumigil sa kin.

Nilingon ko kung sino iyon at nagulat ako nang makita ko ang mukha ni Nash. Inayos ko ang aking sarili bago siya hinarap at pinakitaan ng pekeng ngiti. I'm still not over with what happened yesterday, I am upset with what he did.

But I still trust him, I still believe for the love he have on me though this time, there is big space of doubt in my heart. Ipinaglaban ko siya sa magulang ko at may tiwala akong iyon din ang gagawin niya. Sana nga...

"May gagawin ka ba mamaya?" tanong niya at hindi ko maiwasan ang maexcite. Siya lang talaga ang tanging lalaking nakakagawa sa kin nito. Iyong tipong, pinapalungkot ako pagkatapos ay papasiyahin ako ng todo.

"Wala naman, why?" I tried my best to remain calm and casual while talking to him. Good thing! I didn't stutter! Todong nerbyos ang nararamdaman ko nang dahil sa kanya!

"Can we meet in the park?" tanong niya na nagpangiti sa kin ng todo.

"Sure, anong oras?" pabalik kong tanong,

"Mga 7pm?" aniya at tumango ako at nakita kong umuna na siya palabas. Hindi ko maipaliwanag ang magkahalong saya at pag-asa sa puso ko. Sa pag-uusap namin iyon ay nawala iyong galit, selos at pagdududa ko aa kanya. I don't know how he can do all of these to me.

Dapat siguro ay kalimutan ko na iyong pagsisinungaling niya. Baka kasi mamaya ay ayaw niya lang talaga na magselos ako. I need to put my trust to Nash. He loves me at iyon ang panghahawakan ko.

Nang makauwi ako ng bahay ay nagpahinga muna sandali bago nag-ayos ng aking sarili. Pinili kong isuot iyong dress na kulay itim at kumikinang dahil sa mga kumikislap na mga palamuti sa mismong dress. Sleeveless ito, lampas tuhod ang haba at talagang maganda ang pagkakayari.

Once A Stranger (Nashlene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon