Chapter 13

1K 42 7
                                    

The worst is yet to come.

***

Chapter 13

Agad na kumalat ang balita na kami na ni Jairus. Halos lahat na yata ng post na nakikita ko sa Facebook ay may kinalaman sa ginawa ni Jairus kanina. I should be happy...because the spotlight is on me...

Napatulala ako sa kaiisip ng kung anu-anong bagay.

Now that I am in relationship with the team captain, mas mapapadali ang pangangampanya ko dahil mainit na pinag-uusapan ang pangalan ko.

"Hay ano ba itong pinasok ko?" nasapo ko ang aking noo. I don't know why the hell am I desperate to be popular in school. I feel like a social climber.

Kinabukasan ay kami pa rin ni Jairus ang center of attraction. Bawat estudyante sa hallway ay pinag-uusapan at nakatingin sa amin habang tinatahak namin ang daan patungong class room.

Inabangan kasi ako ni Jairus kaya naman sabay kaming pumasok. Dinala niya rin iyong bitbit kong mga libro kaya naman hindi maitago ng mga tao iyong bulungan nila.

"Ang sweet ni Jairus kay Sharlene!" kinikilig na sabi ng dati kong kaklase. Napailing ako sa mga reaksyon nila.

"Grabe yung ginawa ni Jairus!" pati si Alexa ay hindi makamove on sa mga nangyari kahapon. Hindi ko talaga inasahan iyong nangyari kahapon. Everything felt surreal. Hindi ko alam kung tama ba iyong desisyon ko o hindi.

"Sabi ko na nga ba at magiging kayo rin eh! Kami kaya ni Nash? Kelan?" kinikilig na dagdag ni Alexa at tumingin sa gawi ni Nash. I guess that everything is according to what it is supposed to be.

Malayo ang tingin ni Nash at mukhang malalim ang iniisip. Inalis ko ang tingin ko sa kanya. I need to focus on important matters.

Nagkaroon ako ng oras para maglibot kasama ng aking mga kapartido sa bawat classroom.

Minsan ay hindi maiwasan ang makasalubong ko sina Nash at iba pa niyang kasama. Wala namang tensyon sa pagitan namin pero ginagawa ko ang lahat para tuluyan ng iwasan si Nash.

I am hoping this feelings will just fade away.

Nakakapagod iyong pagsasalita sa harap ng bawat klase. Mainit ang kanilang pagtanggap pero alam kong walang kasiguraduhan ang lahat. Napawi iyong pagod nang makita ko ang nakangiting lalaki sa harap ko.

"Tara lunch na tayo?" malambing ang kanyang boses. I smiled at him. I need to open my heart for others. I will do my best to learn to love him. Paunti-unti ay susubukan ko kahit na mahirap. Jairus is a good guy that he waited 3 years for me to be ready. Bilib din ako dahil tinanong niya ang aking mga magulang para sa kamay ko. He really cares for me at lahat ng ginagawa niya ay naaappreciate ko.

"I am really happy na sinagot mo na ko." aniya habang naglalakad kami patungong canteen

"Baliw ka kasi! Pero infairness maganda iyong boses mo kahapon!" natatawa kong sabi.

"Inaasar mo ba ko?" sumilay ang nakakalokong ngiti niya. Tumango ako bilang sagot at napatalon ako nang kilitiin niya ko sa aking bewang.

Hinampas ko ang kamay niya para tumigil pero mukhang wala siyang balak gawin iyong sinasabi ko.

"Isa! Tumigil ka na! Haha" hindi mapigilan ang tawa ko pero nang makita ko si Nash at Alexa ay bigla akong napatigil. Napansin naman ito ni Jairus kaya tumigil na rin siya.

Once A Stranger (Nashlene)Where stories live. Discover now