Chapter 10

1.2K 47 13
                                    

Chapter 10

Hindi ako mapakali habang pinapakinggan ang mga reminders ng aming adviser. I can't help thinking about dun sa pagpunta namin ni Nash mamaya sa park. Wala talaga ito sa plano pero talagang makulit itong bibig ko at gumagawa ng kanyang sariling desisyon.

"Aber Sharlene, wala kang balak tumayo?" ani Alexa kaya naman napatingin ako sa mga kaklase namin. Naghahanda na sila ng gamit nila upang makauwi.

Imbis na ma-excite ako ay mas kinabahan ako para mamaya. Why am I nervous?! I hate this feeling! Ayoko sa lahat ay ang kinakabahan!

"Tara Bes, kain tayo sa labas?" ani Alexa habang inaayos ang kanyang bag.

Liningon ko siya pero agad kong nakita si Nash na nakatingin sa amin. Is he waiting for me?

"May lakad kasi ako, bukas talaga kain tayo at ililibre pa kita!" sabi ko at nagpout naman siya.

"Kainis ka! Pero sige bukas ha!" pagpapaalala niya at umalis na. Marami na ang umaalis at nang medyo kakaunti na ang mga tao ay nabigla ako ng lapitan ako ni Nash. May ilang tumingin nang dahil doon.

"Let's go?" tanong niya at hindi ako agad nakasagot. I am bothered by the stares of our classmates. Ano na lang ang iisipin nila? Na binabalewala ko si Jai at nilalandi ko si Nash? Na two-timer ako? These thoughts are horryfying.

"Don't mind them." dagdag niya at tumango na ko. Kahit wala ang mga magulang ko rito ay tinext ko sila upang sabihing may pupuntahan ako.

Hindi ko alam kung ano ang sasakyan namin. I forgot to ask. Nang makalabas kami ng school ay nakita kong pumara siya sa tricycle.

Nanlaki ang mata ko. Tricycle? Don't tell me...Tila nagising ako sa panaginip nang hilahin ni Nash ang kamay ko.

"Pasok ka na sa loob" aniya at pinauna ako. Dali-dali akong pumasok, ayokong isipin niya na maarte ako. More than what others tell about me, his opinion of me is one of those which mattered most.

"Sa Frizeloa Park, manong" aniya bago tumabi sa kin.

"Okay ka lang?" tanong niya at tumango naman ako. Malubak ang biyahe kaya naman minsan ay hindi maiwasan ang magkatamaan ang mga balikat namin.

Napatitig ako sa seryoso niyang mukha. Bakit nga ba kita nagustuhan?

Nagulat ako ng tumigil ang tricycle at nahuli ako ni Nash na nakatingin sa kanya. Ngumisi siya.

"Wag mo kong titigan, matutunaw ako" presko ang pagkakasasabi niya. Agad akong namula at pabiro siyang hinampas.

"Hindi ikaw ang tinitignan ko! Iyong dinadaanan kasi nating lugar ako nakatingin." pagdedepensa ko pero mukhang wala siyang balak paniwalaan ako. Bumaba kami at nag-abot ng bayad kay manong.

First time ko tricycle at kasama ko pa si Nash nang sakyan ko iyon.

"Bakit ba ayaw mo maniwala na hindi ako sayo nakatingin? Napaka-feeler mo!" sabi ko at hinabol ang paglalakad niya. Hindi ko alam kung saan ang tungo namin.

"You don't to be ashamed, sanay na ko na may nakatingin sa kin." aniya at humalakhak nang mahina. Napakayabang nitong gorillang ito!

"Di ba balak mo talagang pumunta dito? Ano bang gagawin mo dapat?" tanong niya at nilingon niya ko. Agad akong nagpanic sa isipan ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin kong dahilan!

"W-wala naman, tatambay lang sana tulad kahapon." sagot ko at tumango tango siya

"Ikaw? Madalas ka dito?" tanong ko

Once A Stranger (Nashlene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon