Chapter 20

1.1K 56 8
                                    

"Being happy doesn't mean everything's perfect. It means you decided to look beyond the imperfections."

***

Chapter 20

"Maglalakad lang tayo?" tanong ko at tumango siya. Palihim akong ngumiti, ewan ko bakit nagwawala itong mga kulisap sa tiyan ko.

"Okay lang naman sayo di ba?" tanong niya at tumango naman ako. Sa totoo lang ay mas gusto kong maglakad kasi sa ganoong paraan mas mahaba iyong oras namin na magkasama. Mas magkakaroon kami ng oras para makapag-usap. Just knowing that he is in my side makes me feel happy and giddy. Kahit nga walang salita ay iba iyong pakiramdam kapag siya iyong kasama ko. His presence is really something that I can't get enough. Napailing ako sa aking iniisip, kung ano ano na itong pinag-iisip ko!

"Sabihin mo lang kapag masakit na iyang paa mo, bubuhatin kita." nilingon ko siya at mukhang seryoso siya sa kanyang sinabi. Naramdaman ko ang pagkabog ng aking dibdib. Saan kaya kami pupunta? Magdedate kami ibig sabihin ay kakain kami. Saan kaya iyon?

Dumiretso kami sa eskinita at nagulat ako nang hilahin niya palapit sa kanya habang naglalakad kami.

Tumigil siya at agad kong nakitang nasa harap kami ng isang karenderia. Nalaglag ang panga ko habang pinagmamasdan ang mga iyong mga ulam sa kaldero.

Teka--dito ba kami kakain? Hindi maipinta ang mukha ko nang iipod niya iyong upuan para maupo ako.

"Alam kong hindi ka sanay sa mga ganito pero wag ka mag-alala, hindi mo pagsisihan ang pagkain mo dito." aniya at tinawag iyong tindera.

"Dalawang order nga ng sinigang na baboy nga Aling Fe." ngumiti naman si manang at malawak ang ngiti habang linalapitan ang table namin.

"Oh hijo! Tagal mo ng hindi nakakakain dito! At nagsama ka pa ng magandang dalaga! Girlpren mo ba ito?" agad akong naestatwa sa tanong ni manang. Pilit akong ngumiti at napakamot sa batok.

"Hindi po manang." inunahan ko na si Nash sa pagsabi

"Balak ko pong ligawan, manang." Nanlaki ang mata ko at nilingon ko siya pero ngiti lang ang isinukli niya.

Balak niya kong ligawan? Totoo ba iyong narinig ko o nabingi lang ako? Sinundot ni Nash iyong pisngi ko at saka ko namalayan na wala na si manang.

"Oh ba't natulala ka diyan?" aniya at ngumiti. Ilang ngiti na ba ang naipakita sa akin ni Nash? Mahihimatay na yata ako dahil sa pinaggagawa niya sa kin.

"Wala, may naisip lang ako..." sagot ko at inilibot ang aking paningin sa paligid.

"First time mo sa ganitong klaseng lugar di ba?" tanong niya at tumango naman ako.

Unti-unti ay mas namulat ako sa simpleng pamumuhay. Si Nash ang naging daan para maranasan ko iyong pagtatricycle pati itong pagkain sa karenderia. Hindi ako sanay ngunit habang tumatagal ay unti-unti kong narerealize na ang gaan sa feeling...iyong simple lang ang lahat at walang arte. Dati rati ay wala akong pakealam sa mga bagay-bagay tulad nito pero ngayon ay hindi ko akalaing makakaramdam ako ng ganito. Iyong feeling na kontento ka komportable na sa lahat.

Napatingin ako kay Nash. Wala sa itsura niya na simple lang siya. He actually looks like a rich kid. A spoiled one. Well, hindi ko maitatangging hindi ako spoiled brat pero unti-unti ay susubukan kong magbago gaya ng pagbago niya sa aking mga pananaw sa buhat.

"Nash! Ito na iyong order mo, dahan dahan sa paghigop ng sabaw ha, mainit!" inilagay ni manang iyong isang malaking bowl sa gitna ng mesa. Sa bango ng amoy ay talagang nakakatakam na!

Once A Stranger (Nashlene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon