Chapter 32

773 36 4
                                    

"There is difference between giving up and knowing when you had enough."

***

Chapter 32

Kahit wala akong ganang gumayak ay pumasok pa rin ako nang dumating ang araw ng Lunes. I tried to shake away the pain that I am feeling right now pero ang hirap talaga.

Kakapit pa ba ko o bibitaw na?

Lalaban pa ba ko o susuko na?

Natawa ako sa king isipan, paano ko ipaglalaban ang taong hindi ako mahal at hindi ako kayang ipaglaban? Totoo pala talaga yung kasabihan, 'Promises are meant to be broken', he just broke his promise, just like my trust on him! Isa siyang dakilang paasa! At ako naman itong si tanga, umasa! Dapat ay hindi niya na lang sinabi iyong tatlong salitang nagpabaliw sa kin. Dapat hindi na lang siya nangako. Dapat hindi na lang siya ang pinili nung puso ko.

Kahit na labis ang pagkamuhi ko sa kanya ay may parte pa rin sa kin na umaasa na hahabulin ako ni Nash at sasabihin niya sa king mahal niya pa rin ako. But nothing came. It's just a normal day for him. Tipong parang walang nangyari kahapon. How can he be like that?

"Look girls! Kawawa naman si Miss Perfect." nakita ko si Mika at mga alagad niya. They're actually still on it? Bakit ba hindi nila ako tigilan?

"Oo nga Mika, balita ko wala na sila ni Nash." usal nung nasa tabi ni Mika, agad naman siyang nilingon nung isa pa.

"Eh hindi naman naging sila eh!" tawa pang sabi nung isa.

"Yan ang napapala ng isang assuming! Anong akala mo? May magmamahal sayo? No effin' way!" mataray na sigaw ni Mika sa kin at nakipag-apiran dun sa mga kasama niya. Hindi ko sila pinansin. I am too tired to care for them. Malamig ko silang tinignan at tinalikuran sila.

"Sige lang...umalis ka na. Besides, nobody here wants you." dagdag ni Mika at nagtawanan sila. Kahit pilitin kong wag isipin iyong sinabi ni Mika ay tumatak na iyon sa isipan ko.

Pababa na ko ng hagdan nang makasalubong ko si Nash. Pareho kaming napatigil at napatingin sa isa't isa.

Ako ang unang umiwas ng tingin at bumaba na ko saka linagpasan siya. I feel my heartbeat going faster. Shit. Bumabalik lahat nung nangyari noong mga nakaraang araw. Ano ba Sharlene! Bitaw na. Pumikit ako habang inuulit ulit iyon sa king isipan. Iyon na yata ang pinakamatagal na dalawang minuto ng buhay ko.

Dumiretso na ako papunta sa botanical garden. Sa totoo lang ay sa park ako dapat pupunta but I'll just hurt myself there. Maraming memories doon at hindi alam kung gusto ko pa ba maalala ang mga iyon.

Tahimik dito sa garden at mas malaya akong nakakapag-isip nang dahil sa payapang paligid nito. Linibot ko ang tingin ko sa mga puno at mga halaman at napatulala sa mga rosas na nandoon. It's beautiful yet the thorns make it so dangerous.

"Mukhang malalim yung iniisip mo ah." napalingon ako sa boses na iyon at nakita kong si Jairus iyon.

Binigyan ko ng hilaw na ngisi si Jairus. I didn't expect him to see here.

"Hindi naman." sagot ko sa kanya at nagbigay ng espasyo para makaupo siya sa tabi.

"I know that you have problem at masama kapag kinikimkim mo yan." aniya at nakatingin sa kawalan. Bumuntong hininga ako.

Once A Stranger (Nashlene)Where stories live. Discover now