Chapter 17

1K 46 6
                                    

"One boy. Thousand Feelings."

***

Chapter 17

Sa bawat segundong dumadaan ay gusto ko na lamang na lamunin ako ng lupa at huwag ng ibalik muli sa mundong ibabaw. Pagkatapos ng insidenteng iyon ay saktong dumating ang aming guro. Nakatungo lamang ako para hindi mapansin ang aking mga luha. Hindi na bumalik si Jairus, ang sabi nila ay umuwi na. Unang laro pa naman nila dapat ngayon pero hindi siya maglalaro.

Kanina pang bumabagabag sa aking isipan iyong nalaman ni Mika. May nagsabi kaya sa kanya? Lihim kong sinulyapan ang bakanteng upuan ni Nash. Absent siya ngayon. Did he plan all of these? Para makaganti? Siya lang naman ang iyong may alam nung buong pangyayari! Paano iyon nakaabot kay Mika? Sa kabila ng pagdududa ko kay Nash ay hindi ko maiwasan ang mag-alala kung bakit kaya siya absent...

Mabilis ang pagkalat ng balita. Iba't ibang version akong narinig noong magpunta ako sa restroom.

Mukhang kalat na kalat na talaga. This indeed is my downfall. Ayoko na. Pwede bang mawala na lang ako na parang bula?

Nang maglunch ay wala ni isang lumapit o kumausap sa kin. Puro parinig lamang ang kanilang ginawa. Habang tinatahak ko ang papuntang canteen ay naririnig ko ang pagpaparinig at pang-aasar nila sa kin. I've never been humiliated this way before!

"Yan na pala yung manggagamit eh! Tsk!"
"Ang ganda niya sana kaya lang plastik! Nasa loob ang kulo!"
"Sinaktan niya si Team Cap! Ang kapal ng mukha niya mangtwo timing!"

Aaminin kong labis ako naaapektuhan ng dahil sa mga opinyon nila sa kin. Kung dati ay papuri iyong natatanggap ko, ngayon ay pangungutya na. The table turned and I am the bottom of everything.

Umorder ako at umupo sa upuan. Mag-isa lamang ako at ramdam kong iyong iba ay bulungan ng iba. Wala talaga silang balak tumigil.

Habang nginunguya ko ang aking pagkain ay ipinapanalangin ko na isa lamang itong bangungot...na magigising rin ako at hindi totoo ang lahat ng ito. Pinunasan ko ang luhang tumulo. Nagulat ako at napatayo nang maramdaman kong may likidong na natapon sa aking uniform.

"Oopppss. Sorry" nakangiti si Mika habang sinasabi iyon. Basang basa na ang aking blouse at wala akong magawa kundi ang tignan siya ng masama. Sinadya niyang ibuhos sa akin iyong inumin niya!

"Sorry lang ba katapat nun?" nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses. Nilingon ko siya at tama ako ng hinala. Si Nash nga iyon.

"E-eh hindi ko naman talaga sinasadya eh! Bakit ba ipinagtatanggol mo ang malandi at manggagamit na yan? Hindi mo ba alam na pati ikaw ginamit na rin niya!" pumukaw ng atensyon ang malakas na sigaw ni Mika.

"So what is it to you? Ano bang napapala mo sa paninira mo kay Sharlene?" ganting sigaw ni Nash at ngayon ko lang siya nakitang ganito...nanggigigil sa galit.

"I never thought na napaikot ka na ng babaeng iyan!" tinuro ako ni Mika at umirap lamang, pagkatapos ay linagpasan at dinanggil ako sa balikat, muntik na kong ma-out balance kung kaya naman agad akong nilingon ni Nash. Ang kaninang galit niyang ekspresyon ay napalitan ng pag-aalala.

"Okay ka lang?" inalalayan niya ko at tinignan niya ko sa king mga maya

Pinunasan niya iyong mga luha ko sa pisngi. Wala akong naging reaksyon sa ginawa niya. Natulala lang ako sa mga mata niya. Puno ng pag-aalala at pagmamalasakit.

Ilang sandali pa ay nilingon niya iyong mga nakatingin sa amin at nakikinig sa usapan nila kanina ni Mika.

"Sa lahat ng mga nandito at walang magawa kundi ang pag-usapan si Sharlene. Gusto ko lang iparating sa inyo na hindi totoo ang tsismis. Wala kaming lihim na relasyon ni Sharlene. Iyong mga pictures ay binigyan niyo lamang ng labis na malisya." pagkatapos ng sinabi niya ay hinila niya ko palabas ng canteen.

Once A Stranger (Nashlene)Where stories live. Discover now