Chapter 12

926 46 15
                                    

Chapter 12

Kakatapos lang ng meeting at kahit minsan ay hindi ko tinapunan ng tingin si Nash. I hate him and I hate myself even more! Bakit kasi nagkagusto pa ko sa kanya!

"Goodluck to the both parties." huling sabi ni Ma'am Zaira sa amin at pinaalis na kami. I am powered by my determination to win this student council election. Mananalo ako and I will make sure of that.

Mabilis kong kinawayan ang mga kapartido ko para magpaalam.

"Aalis ka na agad?" napalingon ako kay Nash. Argh! Bakit ko ba siya nilingon?

Tumango lang ako at agad siyang tinalikuran. Kapag nakikita ko ang mukha niya ay naaalala ko ang mga salitang binitawan niya. I am just a stranger to him. Nothing more, nothing less.

Makakalabas na sana ako ng room nang hatakin ako ni Nash. Tila nagslow motion ang paghila niya sa kin.

"M-may problema ka ba? You look like you're not in the mood..." nauutal niyang sabi at kumunot ang aking noo dahil hindi niya ko matignan sa mata.

Gusto ko sana siyang batiin pero may parte sa akin na ayaw gawin iyon. Maybe it's my pride.

"Okay lang ako, Kailangan ko lang talagang umuwi." sabi ko at aalis na sana kaya lang naestatwa ako dahil bakas sa mga mata niya ang lungkot.

Tumango siya sa kin at kumaway na rin. Agad akong tumalikod...dman those eyes! Napakagat ako ng labi, I badly want to greet him but I think it's better this way. We'll remain strangers and in that way I can protect my heart from any pain.

Buti na lang ay agad akong nagising sa katotohanan. Katotohanang walang patutunguhan itong feelings ko.

Nang maggabi ay naghanda na ako ng mga campaign materials na gagamitin ko. I prepared everything including my speech. I need to win this. Hindi dahil gusto ko pero dahil gusto ng aking mga magulang. Sana naman ay mapansin nila itong effort ko para maging mas angat sa iba.

***

Kinabukasan ay ganun pa rin. Iniwasan ko ng isipin si Nash kahit na madalas ay hindi ko magawa. Kaklase ko siya at sa ayaw at sa gusto ko ay makakasalubong ko siya.

"Let's all give a round of applause for Sharlene for being the highest scorer in our unit test!" itinuro ako ng aming guro kaya naman tumayo ako. Hilaw na ngisi ang ipinakita ko sa kanila.

Nagtawanan ang lahat dahil nagstanding ovation pa si Jairus. Malaki ang kanyang ngiti sa akin at kino-congrats ako. Kantyaw ang inabot namin.

"Supportive ni Team Cap! Goals talaga sila!" ani ng isa naming kaklase

"Quiet class!" pagsisita naman ng aming guro at nagpaalam pagkatapos.

Lunch na namin at mabilis na lumabas sina Jairus pati iyong mga kateam mate niya. Para silang nagmamadali na ewan. May practice ba sila ngayon?

Umiling na lang ako para alisin ang mga iniisip ko. Inaayos ko ang aking gamit nang magdilim ang paligid ko.

Someone blindfolded me!

"Sorry bes, ginawa niya kong kasabwat eh!" narinig ko ang boses ni Alexa habang tinatali iyong panyong ipinipiring sa akin.

Once A Stranger (Nashlene)Where stories live. Discover now