Chapter 29

926 37 6
                                    

Alam kong medyo paikot-ikot na yung story. Don't worry, konting ikot na lang! Anyways, gagawin ko na 'tong 40 chapters 'to dahil pinahaba ko yung transition papuntang climax HAHAHAHA. Happy almost 8K reads. Thank you.

***

"The best way to find out if you can trust somebody is to trust them."

***

Chapter 29

Ang sarap pala sa feeling ng nararamdaman mong mahal ka ng taong mahal mo. Sa tingin ko ay mas lalo kaming nagkalapit dahil dun sa nangyari. Halos tumatalon talon iyong puso ko dahil nararamdaman ko pa rin yung labi niya sa kin. First kiss ko iyon at masaya akong sa isang espesyal na tao ko iyon inilaan.

Parating na ang finals kaya naman medyo naging busy din kaming dalawa. Maaga akong umuuwi para mag-aral. Alam kong kailangan muna naming pagtuunan ng pansin iyong edukasyon bago iyong ibang bagay. There is a time for everything.

"Natapos mo iyong unang exam?" tumango ako sa tanong ni Alexa at nagpout siya dahil hindi niya daw natapos iyong huling part.

Napag-alaman kong si Alexa rin iyong mastermind nung ginawa ni Nash. Kaya pala pumunta siya ng restroom ay para maiwan akong mag-isa dun sa boutique! Nagkunwaring nagtampo nga ako sa kanya dahil talagang kinabahan ako ng mga oras na iyon! Pero hindi naman nagtagal iyong tampo ko lalo na ng tinanong niya kung  gaano ba kasaya yung date namin.

"Kinakabahan tuloy ako sa magiging score ko! Sana naman hindi ako bumagsak!" aniya at kunwaring naiiyak-iyak. Tinawanan ko lamang siya.

Napatingin ako kay Nash sa di kalayuan at nakita ko kung paano siya nakasilip doon sa bintana. Mukhang malalim ang iniisip. Lately ay hindi na kami nakakapag-usap at siguro dahil na rin busy sa pag-aaral.

"Hay naku! Kaya naman pala hindi nakikinig sa kwento ko, tinititigan si Aguas!" puna ni Alexa at napaayos ako ng upo. Inismaran ko siya dahil ang lakas ng boses niya!

"Hindi kasi kami nagkakausap lately..." sabi ko at napalumbaba. I kind of miss him.

"Baka nagfofocus din talaga sa Finals." sabi naman niya at tumango tango na lang. Napagpasiyahan ko na kausapin siya mamaya. Kakamustahin ko lang.

Nang matapos ang exams ay inayos ko ang mga gamit ko at dumiretso sa upuan ni Nash.

"Kamusta naman exam?" tanong ko pero napansin kong may kausap pala siya phone. Sino naman kaya yun? Mukhang hindi niya rin napansin iyong sinabi ko dahil nakatalikod siya mula sa kin.

"Ngayon na?...Sige suduin kita diyan, hintayin mo ko." sabi niya sa kausap niya sa phone at nang ibaba niya iyong tawag ay nagulat siya sa king presensiya.

Ngumiti ako sa kanya at nakita ko kung paano unti-unting nagkaroon ng pagtataka sa kanyang mukha.

"Oh? Bakit? Anong meron?" natatawa niyang sabi at inayos na iyong bag niya. Mukhang aalis na siya agad at base sa narinig ko ay may pupuntahan siya. Saan naman kaya yun?

"Wala naman, medyo nawawalan kasi tayo ng time para mag-usap. Busy ka talaga?" tanong ko tumango siya

"Oo eh, Shar? Kailangan ko ng umalis kasi may susunduin pa ko." aniya at dinuro pa ang pintuan palabas.

Once A Stranger (Nashlene)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora