Chapter 14

1.1K 52 8
                                    

Everything happens for a reason

***

Chapter 14

Sa bawat laro, sinisigurado kong ako ang mananalo. That is what my life experiences taught me, to be strong in every problem it throws at me. Hindi ako magpapatinag kahit kanino kahit sa mga threat ni Mika. Alam kong ginagawa niya iyon para takutin ako and I will never give her the satisfaction she wants.

Sa sumunod na araw ay hati iyong schedule ko. Busy ako sa pagmemeeting kasama ng mga kapartido ko para sa nalalapit na Meeting de Avance at busy rin ako para sa debate namin bukas kaya naman todo ang aking pagreresearch at paghahanda para doon.

"Paul! Submit mo sa kin iyong draft mo mamaya ha?" pagpapaalala ko at tumango naman siya at nagthumbs up pa.

Uwian na at nagkasundo kami ni Alexa na kumain sa labas at manghang-out dahil marami daw siyang ikekwento. Buti na lang at tapos na ko sa draft ko para sa debate.

"Team Cap! Hiramin ko muna yung bestfriend ko! Magbobonding kami eh!" sigaw ni Alexa at kumapit sa king braso. She's on her clingy mode.

"Alagaan mo yan ha!" sagot ni Jairus at dinanggil ako ni Alexa sa balikat. Taas baba ang kanyang kilay at nakangiting kinikilig.

"Siyempre!" natutuwang pahayag ni Alexa.

"Wala man lang ba kong goodluck kiss galing sa girlfriend ko?" lumapit si Jairus sa amin at itinulak naman ako ni Alexa palapit rin sa kanya. Napakasupportive talaga nitong bestfriend ko!

"Anong kiss ka diyan! Tumigil ka nga!" sabi ko at nagpout pa ang loko! Hindi naman siya mapilit dahil aniya rinerespeto niya ko. Agad din siyang umalis dahil may practice pa siya sa basketball.

Pang-aasar ang sinabi ni Alexa sa akin habang pumupunta kami sa Pizza Hut. Ngayon lang ata kami nakakain ulit ng kami lang dalawa.

"Ang sweet talaga sayo ni Team Cap! Hindi ko alam kung sino ang mas swerte sa inyo!" natatawa niyang sabi pagkatapos namin sabihin ang aming mga orders.

Sa tingin ko ay mas swerte ako dahil kay Jairus. He is one of a kind and a really persistent and caring guy. Bukod pa doon ay napaka-happy-go-lucky niya! He's an ideal guy pero hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit hindi ko siya magawang mahalin katulad ng ipinaparamdam niya sa kin. Sa totoo lang ay nakokonsensiya ako dahil hindi ko maibalik iyong pagmamahal na binibigay niya. This relationship is not real like what others think.

Sana talaga ay magwork itong effort ko na matutunan siyang mahalin. A guy like him deserves a girl who can love him and treat him right.

"Tse! Kanina mo pa ko inaasar! Ano ba kasi iyong ikekwento mo?" pag-iiba ko sa usapan at para siya kiti-kiti gumalaw dahil hindi mapakali sa kinauupuan.

"Si Nash kasi! I think I am falling for him! For real! As in talagang akala ko happy crush lang pero nang magtagal ay narealize ko na naaattract na ko sa kanya!" para siyang nagdedaydream sa harap ko, hilaw na ngisi ang pinakawalan ko. Ito na naman ako at nagiguilty ako. I already said to her na wala akong gusto kay Nash but until now hindi pa rin mawala-wala ito. I should keep this to myself because I don't want to hurt her lalo na at mukhang lumalalim na iyong feelings niya.

"His eyes! His nose! His lips! Everything about him perfect!" pagpapatuloy niya at napalunok ako ng sarili kong laway dahil naiimagine at navivisualize ko iyong mga sinasabi ni Alexa. Damn!

"Patay na patay ka talaga sa kanya noh?" sabi ko at agad niya kong tinanguan. Hindi ko naman siya masisisi kasi iyong pagiging masungit at snob ni Nash ang nagugustuhan ng mga kababaihan ngayon. Dagdag angas points kasi iyon.

Once A Stranger (Nashlene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon