Chapter 21

1K 48 12
                                    

"When someone else's happiness is your happiness. That is love."

***

Chapter 21

Para akong nabubuhay sa panaginip. Everything is well and perfect. Kinabukasan na ang election at sa ngayon ay hindi na ko kinakabahan at nababahala. Okay lang kung matalo ako. Tatanggapin ko kung anuman ang magiging resulta.

Simula ng nagkaayos kami ni Alexa ay  bumalik na siya sa dati niyang sigla.

"Sharlene!!!" tawag niya nang makita akong papasok ng classroom. Agad niya kong dinaluhan para kausapin ako. Marami siyang ikinwento sa kin lalo na sa mga nangyari noong nakaraang linggo.

"Hinarang kasi ako ni Mika tapos sinabi niya na lihim daw kayong nagkikita ni Nash. Talagang binebrainwash niya ko! Sorry bes kung nagpadala ako! Nahihiya na nga ako sayo pero kasi miss na talaga kita at narealize kong infatuation lang itong nararamdaman ko para kay Nash." kwento niya at hindi ko maiwasan kung bakit ganun na lang ang galit sa kin ni Mika.

Nang magrecess ay itinutulak tulak ako ni Alexa palapit kay Nash na mukhang palapit na rin sa kinatatayuan ko.

"Lapitan mo na kasi..." sabi pa niya at itinaas baba iyong kilay niya at saka nagpaalam para sumama kina Zonia papuntang canteen.

Natatawa pa ko sa inasal niya at pagkatapos ay napatingin sa lalaking nasa tabi ko.

"You seems to be really happy." aniya at sabay namin nilakad ang patungong canteen. Nakangiti akong tumango tango sa kanya.

"Ang saya pala ng ganito, iyong wala kang masyadong iniisip at pinoproblema." sambit ko sa kanya. Hindi naman ako nagiging pabaya sa aking pag-aaral pero hindi din ako ganoong kafocus tulad ng dati. Mas dinaramdam ko iyong mga kaganapan sa buhay ko at mas pinagtutuunan ko ng pansin iyong mga taong nakapaligid sa kin.

"Wag ka nga masyadong ngumiti, lalo kang gumagwapo eh!" bulong ko sa sarili nang makita iyong nakakasilaw niyang smile. Perpekto at mapuputi ang kanyang ngipin at nakita ko pang lumitaw iyong munti niyang dimples! Damn! Kailan ba ko naattract sa pisikal na kaanyuan ng isang lalaki?

"Ano yun?" tanong niya at namula ako dahil ayokong sabihin sa kanya ang iniisip ko! Para akong may pagnanasa sa kanya!

"W-wala." sabi ko pero itinaas niya ang isa niyang kilay. Mukhang alam niya talaga kung kelan ako nagsisinungaling at hindi.

"Nakakahiya! Wag mo ng alamin." sabi ko at natawa siya.

"Ano nga iyon?" nakangising pangungulit niya. Napamura ako sa aking isip. Bakit ba kasi ibinulong ko pa iyon at hindi na lang nanatili sa king utak?

"Basta wag ka masyado ngumiti." hindi ako makatingin sa kanya dahil nahihiya ako sa king sasabihin. "lalo ka kasing gumagwapo."

Ayokong makita iyong reaksyon niya baka asarin niya lang ako.

"Sige. Ngingiti na ko lagi." humalakhak siya at agad namang nalipat ang aking tingin mula sa aking linalakaran patungo sa kanyang mukha.

"Sabi ng wag kang ngumiti eh! Pag ako lang kasama mo saka ka ngumiti! Wag kang ngingiti kapag may ibang tao sa paligid! Baka mainlove sayo!" teka--tunog possessive yata iyong sinabi ko! Bago pa man siya makapag-react ay umuna na ko sa paglakad patungong counter. Ang init ng mukha ko at paniguradong namumula na naman ako nito!

"Bahala ka na nga sa sarili mo!" sabi ko bago pumila para makabili.

***

Once A Stranger (Nashlene)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz