Chapter 19

1K 59 12
                                    

"The truth may hurt for a little while, but a lie hurts forever."

***

Chapter 19

Sa dami ng nangyari ay nawala na sa king isipan na Meeting De Avance na pala ngayon. Napuyat ako para lang matapos iyong speech ko. Hindi kasi ako sanay na unprepared. Alam kong wala ng pag-asa pang manalo pa ko sa Student Council pero I'll just do my best and be myself.

"Sharlene..." kilala ko iyong boses pero nag-aalinlangan ako kung lilingunin ko ba o hindi.

Hinila niya ko upang mapaharap sa kanya. Nakita kong mapupungay ang kanyang mga mata. Kahapon ay bumalik sila ni Alexa pero hindi ko sila tinapunan ng tingin. Maybe I am better off this way. Siguro ay nakatadhana ako na maging mag-isa lang at siguro sila talagang dalawa ang nakatadhana.

"Are you ignoring me?" tanong ni Nash at napalunok naman ako.

"Yes." matapang kong sagot. He knows when I am lying and when I am not so what's the point of lying?

Umawang ang kanyang labi at nag-iwas naman ako ng tingin.

"Bakit? Ano bang nagawa ko?" nafufrustrate niyang tanong. Gusto kong kalmahin ang loob niya at magsinungaling na lang. It's hard to see him frustrated.

"Wala. It's just me...Wag mo na lang akong pansinin. We're better off as strangers. Okay lang naman sayo di ba?" pinilit ko ang sarili kong ngumiti matapos kong sabihin iyon. Agad namang kumunot ang noo niya.

"Why are you pushing me away? Hindi mo kailangang pansinin iyong mga sinasabi ng iba." aniya at hinawakan iyong braso ko nang mas mahigpit.

"Tama na Nash. They will not stop unless malayo tayo sa isa't isa." pagkatapos nun ay kinalas ko na iyong pagkakahawak niya sa kin at saka tinalikuran siya.

I don't care about the issue. Iyon ang totoo. Ang tanging nababahala ako ay itong nararamdaman ko kay Nash. Walang kasiguraduhan kung ako din ba yung laman ng puso niya. Maaaring gusto niya si Alexa and that will just break my heart. Kung sila man ang para sa isa't isa, wala na kong magagawa. I just hope that I am ready at that time...

"Sharlene, pagkatapos kayo ng party ni Nash. Hintayin niyo yung cue ko bago kayo pumunta sa stage." sabi sa amin ng floor director nang makasalubong ko. Tumango naman ako at pinuntahan iyong mga kapartido ko.

Natahimik sila at alam ko naman na sa mga issue ko ngayon ay imposibleng hindi sila madamay. Bakit ba sa pagbagsak ko ay dapat may madamay pang ibang tao?

Lumipas ang halos kalahating oras ay tinawag na kami ng floor director. Kung kanina ay kalmado ako ngayon ay namamanhid na ako dahil sa kabang bumabalot sa king sistema. I heard the crowd roared.

I looked at the whole auditorium at saka bumati kaming sabay-sabay gaya ng aming practice noon. Isa-isa kong pinakilala iyong mga kapartido ko, bawat isa sa kanila ay naglatag ng plataporma at mga pangakong tungkulin. Malakas ang kabog sa aking dibdib nang matapos sila at ako na ang huling magsasalita. I step in the podium at kinalma ang sarili ko.

"I am Sharlene San Pedro, your former vice president and now running for higher position as your president." binasa ko lamang iyong speech na hinanda ko. Ayokong mag-eye contact sa kanila dahil natatakot akong makakita ng panghuhusga sa mga iyon.

Once A Stranger (Nashlene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon