Pinasadahan ko ang kabuuan ng tower na ito.Mula taas hanggang baba.Pabalik-balik ang ginagawa ko.Siguro mas ma-e-enjoy ko ito kapag si Kuya VJ ang kasama ko dito.Pati paligid kasi ang ganda.

“Hey Bhessy!” nagulat ako ng nilapitan ako ni Khate.Hindi na pala ako naka-focus sa pagkuha ng litrato niya.Bagkus ay napatulala na lang ako habang nakatitig sa mataas na tore. “Akala ko ba magsasaya tayo dito?” inis na puna niya sa akin at saka hinablot ang hawak kong camera. “Tapos ngayon,para kang namatayan ng kuko este ng minamahal sa buhay.” dugtong pa niya.

Tama ka Bhessy.Namatayan nga talaga ako.Patay na kasi ang puso ko.Patay na patay kay kuya VJ.

Maalala ko kasi ang ginawa niya kahapon sa akin ay nasasaktan pa rin ako.Maliit na bagay pero malaki ang epekto niyon sa akin.Gusto ko lang kasi na marinig mula sa kanya ang mga salitang 'ingat ka Princess.' Kahit minsan lang ako tinawag ni Kuya ng princess pero hindi ko iyon malilimutan.

“Hoy!” untag niya sa akin at saka marahan na niyugyog pa ako.

“I'm sorry bhessy.” hinging paumanhin ko ng bumalik na ang diwa ko.

“I'm sorry bhessy ka diyan...” nasa himig niya pa rin ang irita. “Ano,ang kuya VJ mo na naman 'no?Bah,akala ko ba'y naka-move-on ka na d'on.Eh kung alam ko lang sana na magpapaka-lungkot ka dito,eh de sana sinama na natin si Alden.” inis na panenermon niya.Napasuklay pa siya sa kanyang buhok.

“H-hindi naman sa gan'on bhessy.Ano kasi...” nag-isip ako ng ipapalusot ko.Dahil alam kong alam na alam na niya ang takbo ng isipan ko.

“Sus.Magpapalusot ka pa.” supalpal niya sa akin. “Alam mo bhessy...” hinawakan niya ang mga kamay ko. “Hindi naman sa ayaw ko dyan sa Kuya VJ mo para sa iyo.Concern lang talaga ako sa iyo.Ilang beses ko na bang sinabi sa iyo na,ibaling mo sa iba 'yang pagmamahal mo.Bata ka pa.Marami pa dyan oh.May minamahal na kasi ang taong iyon.Kaya matauhan ka na bhessy.Huwag ka ng umasa,okay.” mahabang payo niya sa akin. “Tara na nga.Kaysa mag-e-emo ka diyan.” at saka hinila na ako.

Nilibot namin ang kabuuan ng lugar na ito.Picture dito,picture doon.Iba't-ibang lahi ang nakaka-salamuha namin.

“Eunice...” mahina kong sambit nang mamataan ang isang babaing familiar sa akin.Agad kong hinila si Khate upang puntahan ang kinaroroonan ng sinasabi kong babae.

Bhessy,ano ba?Dahan-dahan naman oh.” himutok ni Khate dahil halos kaladkarin ko na siya. “Kanina,si VJ ang iniisip mo.Ngayon,ay si Eunice naman?Nababaliw ka na ba?” talak niya habang hila-hila ko pa rin siya.

Hindi ako umimik sa pagtatalak ni Khate.Hanggang sa marating namin ang isang puno na kung saan ay may bench dito.At sa nasabing upuan,may isang babae at lalaki na nakaupo dito.

Naka-winter coat ang babae pero sigurado akong siya ito—si Eunice.

Binalingan ko si Khate na ngayon at napaawang na lang ang mga labi ng makita ang binanggit kong pangalan.Marahan pa niyang pinisil ang palad ko na tila bang nagsasabi na tama nga ako kanina.Kahit kasi nakatalikod ang babaing ito ay halata pa rin na siya ito.

Nainis ako bigla rito dahil may kasama siyang ibang lalaki.Ibig sabihin, niloloko niya lang si Kuya VJ.

“Eunice!” inis na tawag ko sa pangalan niya.Na siya namang ikinagulat niya nang lumingon sa akin—sa amin ni Khate.Bakas sa mukha niya ang pamumutla.Parang bigla siyang natakasan ng dugo dahil nakita kami.Iyon bang parang nahuli ng asawa na may kalokohan itong ginagawa.

“Oh Bernice...” sa wakas ay nagawa niyang banggitin ang pangalan ko.

“Mabuti dahil kilala mo pa ako.” sarkastiko kong saad.

“Oo naman.” ngumiti siya ng tipid.

“Wala ka talagang kwentang babae ano?Taksil ka!” sigaw ko sa kanya.Galit kasi ako.Galit ako dahil mahal na mahal siya ni Kuya VJ tapos heto siya,naglalandi sa iba. “Ang landi-landi mo!” dugtong ko pa.

Bhessy,huwag kang mag-eskandalo dito.” pag-pigil ni Khate sa akin.

Bitawan mo ako Khate ha.” babala ko dito. “Kita mo 'to kung paano kumiringking sa iba?!” halos iduro ko pa siya.At pagkatapos niyon ay tiningnan ko ang lalaki.Naka-kunot-noo lang ito sa akin.

“Tama na miss.Wala kang alam kaya huwag ka nang magsalita pa.” biglang nagsalita ang lalaki ng magtugma ang mga mata namin.

“Anong walang alam?!Kitang-kita ko na magkasama kayo dito, samantalang si Kuya VJ na boyfriend nito ay nandon sa Pilipinas.Nagpapakasakit!Pero kayo!” gigil na saad ko.

“Tama na sabi!” tumaas ang boses ng kasama niyang lalaki kaya lalo pang diniinan ni Khate ang pagpisil sa kamay ko.

“Let her.” agad na saway ni Eunice sa lalaki. “Ah Bernice...” tiningnan niya ako sa mga mata. “....pwede ka bang makausap?” tipid siyang ngumiti sa akin.Pero hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.Bakit ba sa tono niya ay parang nakikiusap siya sa akin.

“At ano ang pag-uusapan natin?” umarko ang kilay ko.

“Basta,gusto ko 'yong tayong dalawa lang.” anito at saka ibinato ang paningin sa malayo.Parang ang lalim ng problema ng babaing ito ah. “Pwede ba?” ulit pa niya.

“S-sige...” kahit nag-aalangan ako pero pumayag pa rin ako.

“Pwede bang,iwan niyo muna kami?” nilingon niya si Khate at ang kasama niyang lalaki.

“Okay.Basta mag-ingat ka.” tinapunan pa ako ng lalaki ng babalang tingin bago umalis.

Si Khate ay umalis din.

Maupo ka dito sa tabi ko.” itinuro pa niya kung saan ako u-upo.Matamlay ang tono niya.

Kaya kahit labag sa kalooban ko ay sinunod ko naman siya.

Ano kaya ang pag-uusapan namin?Bakit kinakabahan ako ng ganito?

**********************

A: Sorry kung now lang naka-update nito.Babawi ako dito.Thank you

Unedited
No Reviews






Unlucky PrincessWhere stories live. Discover now