Chapter XV - She who was kind

Start from the beginning
                                    

"Congrats, Brynn. You got what you wanted. Kasama ka na sa cheer squad." Regina said and walked out of the room. Sumunod naman sakanya ang R Squad palabas. What's that supposed to mean? She doesn't sound happy.



Regina's POV



"I HATE HER!!" Sigaw ko sa mga kaibigan ko. Andito kami ngayon sa kwarto ko. Nakahiga lang ako sa kama ko habang sila naman ay nakatayo sa harap ko. "I mean, why would she join the cheering squad!? At bakit s'ya natanggap!?"



"Regina, stop. You're the one who said Brianna is our friend. I mean, we never wanted her here in our squad in the first place pero pinagpilitan mo s'yang ipasok dito." Gretchen said. She's right. Nagsisisi ako na pinasok ko s'ya sa R Squad. Ngayon tuloy ay feeling maganda at sikat na s'ya.


Naalala ko dati nung una kong sinabi sakanila na kasama na si Brianna sa R Squad. Lahat silang apat ayaw sakanya. But I made them like her. I made everyone like her. She is nothing without me. I created her. Ang kapal ng mukha n'ya!


"Oh my God, Ms. George must be blind. Sakanya mismo nanggaling na ang kukunin n'ya ay magaganda at sexy at mga classy and confident girls. What happened? Bakit n'ya kinuha si Brynn? Obvious naman na trying hard lang yung babaeng yun eh. Dapat kasi pinabayaan ko nalanh s'ya nung tine na pinahiya natin s'ya eh. We don't need her anyways." Dagdag ko pa. Grabe. Nakakainis talaga s'ya! Nahahalata ko na eh. Sinusubukan n'ya akong talunin. Well guess what? Hindi ako papatalo.


"Why do you hate her so much? Sure, you made her popular and all, but it was all part of the deal you created." Nanliit ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Angel.


"The deal. Right. Alam n'yo ba na hindi sinunod ni Brianna ang deal namin?" I said and smirked. I hate that girl so much. Pagsisisihan n'yang sinubukan n'ya akong kalabanin ulit. Binigyan ko na s'ya ng chance pero hindi pa n'ya ako sinunod. Magsisisi s'ya.



"Really? Omg, no she did not!" Carylle squealed.



"Ako, sinunod ko lahat ng napag-usapan natin, eh s'ya ni isa dun wala s'yang sinunod! Baka nga ni hindi n'ya tinatry eh!" I said and faced Gretchen. "Ever wondered kung bakit hanggang ngayon hindi ka parin binabalikan ni Axl? That's right! Dahil hindi n'ya naman iniwasan si Axl. Kaya ikaw, wag ka ng umasa dun." Si Angelica naman ang hinarap ko, "At ikaw, hindi ka na rin babalikan ni Brix, and I'm happy that he wouldn't to be honest. Kahit isang beses lang, hindi ka binabanggit ni Brynn kay Brix."



Hinarap ko silang lahat at yumuko tsaka nagsalita ulit, "Never rin s'yang umiwas kay Caleb. Nung birthday mo, Gretch, I saw her with Axl and then the next minute si Caleb naman ang kasama n'ya. I saw her with him again the other day. Lagi silang magkasama. I mean sure, I like Brix and not him but that doesn't mean I am giving up Caleb. Hindi n'ya deserve si Caleb."



Napansin kong lahat sila ay nakayuko at tila ba hindi alam ang sasabihin. "Can't you see!? Dapat lahat kayo galit kay Brianna kasi ginagamit lang n'ya tayo. She never wanted to be friends with us if it wasn't for fame. I treated her like a real friend but all she did was try to beat me. And God knows na walang hilig sa pagsayaw si Brynn. She joined the cheering squad to beat me!"



"Why would she do that? I thought she's our friend?" Napairap ako sa sinabi ni Michelle.



"God, for the nth time sasabihin ko ulit 'to, Michelle. Ginagamit lang n'ya tayo! Don't be so stupid!" Sigaw ko sakanya. Napayuko naman s'ya. "Sorry. If only there's a way to kick Brianna out of R Squad and the Cheer Squad.." Sambit ko tsaka nag-isip sandali. Napangisi ako nang may naisip akong paraan, "Come here, girls..."



Brianna's POV


"Hi, this is Heartbreak Hotline how may I help you?" Bungad ko sa telepono habang nakangiti.

"Okay hi. Can I start talking?" Sagot naman n'ya.

"Sure, sir."

"Uhmm.. Yung babaeng sinabi ko dati. Yung babaeng gusti ko. Uhmm.. The thing is, nagbago na s'ya. Dati gusto ko s'ya dahil sa ugali n'ya. Simple lang s'ya at mahiyain at kahit maganda s'ya, hindi s'ya mayabang. Sobrang bait n'ya. She was my friend. Hindi kami laging magkasama pero tuwing nakakausap ko s'ya, ramdam ko na kaibigan ko talaga s'ya. Pero hindi na s'ya gano'n ngayon." Napalunok ako dahil sa sinabi n'yang yan. Oh my gosh...

Tanungin ko ba yung pangalan nung babae? Ay, ano ba yan, gusto kong tanungin kaso parang ang pangit naman nun pakinggan.


"Alam kong hindi naman s'ya ganito. Ngayon kasi.. Parang ang nawala na yung kabaitan n'ya eh. She's slowly becoming like my ex."

God, ako yata ang sinasabi n'ya. Waaaaahhhhh!!!

*dugdug* *dugdug* *dugdug*

Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ako makapag-salita! Anong sasabihin ko!?

"Hello? Heartbreak Hotline?" He said.

"Y-Yes, sir? C-Continue." Yan lang ang sinabi ko. Shocks, ang awkward hindi ko alam ang sasabihin ko!!!!!!!!

"Uhmm.. Even though I like that girl, tingin ko dapat ay umiwas ako sakanya. Bukod sa nagbago na yung ugali n'ya, kapatid s'ya ng isa sa mga kaibigan ko at ex naman nung isa pa. Dapat ko ba s'yang iwasan?"



And then, dahil sa sinabi n'ya, parang feeling ko nanghina ako bigla.



Confirmed. Ako nga yata yung babaeng yun.











End of Chapter XV...

Heartbreak Hotline [ON GOING]Where stories live. Discover now