42 - Nicatrix Dimanakawan

7.1K 138 22
                                    

"Mas masarap ang pagmamahal kung hinintay ito,
Mas malalaman mo kasi kung gaano ito ka seryoso."
- Nicatrix Dimanakawan

Nagkagusto ako sa isang taong akala kong di mapapa sa'kin. Maraming tao at karanasan ang nagsasabi sa'king hindi kami pwede kasi anghel ako, siya ewan. Pero, I always kept my hopes high. Na sana, one day, there will be an us.

Sa parte na toh ng buhay ko, I'm stuck with choosing kung magiging dalagang Filipina ako na magpapahard to get, o kung magpapakatotoo ako at sabihin sa kanyang mahal na mahal ko siya.

Bata pa ako. Bata pa kami. There's still a lot of time to think, baka kasi one day magising akong di ko na siya mahal. Pero kung sasayangin ko ang oras, baka there will never be an us.


"Sorry, it's a no. Uuwi na ako sa bahay." text ko kay Dustin. Kainis bat kasi nagpadalagang Pilipina pa ako, yan tuloy kahit gusto ko siyang kasama mauudlot tuloy.

"Tara Bes, sa bahay na tayo kumain. Nakakabadtrip yung advise mo." aya ko kay Ayra na tumatawa habang tinitext ko si Dustin. "Ayaw mo nun? Hard to get ka." sabi niya. "Gusto pero hindi." sagot ko. "Ay ewan, heto na sana oh sinusubo na ng mundo yung pagkakataon, niluluwa ko pa." dagdag ko. Wala lang sinabi si Ayra except sa tawa siya ng tawa.

Pag-uwi sa bahay, nandun si Mama at Papa. Dumeretso ako sa kwarto dahil na badtrip. "Anong nangyari dun?" rinig kong tanong ni Mama kay Ayra na nasa baba. Sinarado ko ang pintuan para di ko talaga sila marinig; gusto kong mapag-isa.

Sana naman totoo ang deja vu. Yung tipong aakyat na naman siya sa bubong namin, tas susundan ko siya sa taas at dun magmomoment. Hays ang saya kaya nun.

"Day after day..." rinig kong kanta ng isang lalaki sa labas... Matignan nga sino yung nagcacarolling kahit malayo pa ang pasko.

"But if I let you go..." SI... SI... DUSTIN!!!!!!

Di ko alam anong nangyari, para ba akong nanalo sa lotto, yung tipong nabunot sa sugod bahay, yung tipong nakahula sa tamang trabahador, yung tipong pinili ang tamang kahon at nanalo. OMG!!!

Agad akong bumaba at binuksan ang pinto... SIYA NGA!!!

"Dustin, anong ginagawa mo?" "Hinaharana ka, para ipakita sa'yong sincere ako." sagot niya. "Sincere saan?" rinig kong tanong ni Papa na nasa likod ko lang. "Ahh ano Pa... Ma." explain ko. Ughh pano ba humanap ng palusot?

"Mahal ko po siya." sagot niya.

Tinignan ko siya ng mabuti, kitang kita kong namumula yung mukha niya.

Grabe ang lakas ng heart beat ko. Siya naman, grabe ang pawis, pero di nakakabawas pogi.

"Mahal mo yung anak ko?" tanong ni Papa. "Mahal mo yung anak namin?" tanong naman ni Mama. "Mahal mo ako?" tanong ko.

"Opo, at hindi po ako mahihiyang sabihin yun." sabi ko.

Tama ba yung narinig ko? Mahal ako ng crush ko!?

Best feeling in the world.

Hindi na siya imagination <3

"Halika, dito ka sa loob manligaw." aya ni Papa. "Manligaw?" gulat ko with matching innocent reaction. "Sus, hindi pa ba yan obvious?" sabi ni Mama. "Trix, alam namin all along sino yung crush mo." sabi naman ni Papa. "Huh? Paano?" tanong ko. "SORRRRY BESTIEEEEE!!!" rinig kong sigaw ni Ayra. "BESTIE NAKAKAINIS KAAAA!!!" sigaw ko tas pumasok sa loob at binugbog ko siya, dahil... Dahil KINIKILIG AKO!!!. "Hoy! Dustin, tignan mo nga si Nica, kinikilig. Hinahampas ako." sabi ni Ayra na pilit ko pa ring hinahampas.

Kriminal Pala Ang Crush KoWhere stories live. Discover now