2 - Quota Street

14.6K 335 18
                                    

~ NICA ~

Kinabukasan sa school kinulit ko ulit si Ayra na mang stalk kay Dustin "Bestie sige na pleaaaase, pang early birthday gift mo nalang sa akin." "Anong early birthday gift? Eh pitong buwan pa ang dadaan bago ang birthday mo." sabi niya. "Sige na please, kahit super early birthday gift. Oh di kaya ganito: samahan mo ako tas ititreat kita ng lunch kinabukasan." sabi ko. "Eh yun ay buhay pa ako kinabukasan." sabi niya. "Ay nako! Bat ba ang nega mo? Malay mo mabait siya at nagkataon lang talagang nandun ang bahay nila." sabi ko nang bigla na nalang nag-ring ang bell, meaning, it's lunch time.

"Ngayon nalang kaya natin puntahan ang lugar na iyon? It's bright, it's sunny, I'm fresh!" suggest ko kay Ayra. "Ano naman kinalaman ng freshness mo?" tanong niya. "Wala lang, para kung sakaling magkita kami ni Dustin, I still look gorgeous... Oh diba? Wag kumontra." sagot ko. "Puntahan nalang muna kaya natin siya sa room, sigurado ako na may klase siya sa oras na ito, at alam ko kong sa'ng room." dagdag ko. "Pano mo naman nalaman?" tanong ni Ayra. "Hey, you don't underestimate my stalking powers." sagot ko.

Yun na nga... Wala siyang choice kun'di samahan ako. Nakita ko ang room ni Dustin at may on-going classes nga. Kaso... Parang wala yata siya. "Baka may pinatay kagabi tas nahuli, kaya ayun, nakakulong." pabulong na sabi sa akin Ayra. "Ano ka ba Ayra!? Ano ba yang iniisip mo!? Sinisiraan mo yata si babe." sabi ko. "Eto tuloy, worried ako. Hug mo nga ako." dagdag ko. "Alam mo, OA ka din noh? Tara na nga, puntahan na natin yung mystery iskinita." aya niya. "Mabuti pa nga." sabi ko sabay takbo palabas ng school. "Oy hintayin mo 'ko bestie!" rinig ko nalang na sigaw ni Ayra.

At nakarating nga kami sa mystery iskinita. Quota Street pala ang pangngalan ng lugar na ito. Diretso lang kaming naglalakad habang tumitingin sa paligid. "Parang safe naman yata tong lugar na toh bestie. Wala namang kaingay-ingay." sabi ko kay Ayra."Baka busy ang mga tao sa repacking... Alam mo na." sabi niya sabay kindat. "Alam mo, para kang ewan." sabi ko sa kanya. "Pero paano kung tama ako?" tanong niya. Sasagot na sana ako nang biglang may napansin ako sa unahan — mga taong nag-iingay, may inuusisa yata. "Tara best puntahan natin at para masali tayo sa gulo." aya ni Ayra na sa tono palang ng boses, alam ko ng nagjojoke. "Tara lets!" sabi ko naman sabay hila sa kanya. "Oy! Ano ba? May gulong nangyayari oh, gusto mo pang makiusisa!" sabi niya. "Halikana, baka may artista. Baka andun si Alden Richards o di kaya si James Reid!" sabi ko sa kanya para pumayag kaso alam ko sa sarili kong parang may di mabuting nangyayari nga sa unahan, pero ala eh, atapang atao ito. Kaya hinila ko si Ayra, kung pwede nga lang buhatin, hanggang sa nakarating kami sa gulo.

"Sige! Suntukin mo! Tapusin mo na!" sabi ng isang mamang napakalaki ng katawan. "Oy ano ka? Bakla!? Lumaban ka!" sabi naman ng isa pang mamang napakapayat. Curiousity kills the cat nga, kaya sumutsut ako at nakita ang gulo — may suntukan palang nangyayari. Isang lalaking payat at duguan ang nakahandusay sa kalye habang may isang pogi, matangkad, at pogi ulit ang nakatingin sa kanya. Kamukha niya si crush kung hindi lang siya pinagpapawisan. Yung kamao niya, nanginginig sa galit. Gusto yatang pumatay ng tao. 

Nagsi-alisan ang mga tao nang may siren ng pulis kaming narinig. Agad na tumakbo ang poging lalaki at naiwan sa gitna ng kalye ang kanyang kaaway. "Magsitigil kayo!" sigaw ni Papa. ... Teka lang!? Si Papa ang nagresponde?

Agad akong hinila ni Ayra palayo. "Huy! Nakita mo ba nakita ko?" tanong niya. "Oo, si Papa, buti nalang di niya tayo napansin." sabi ko. "Maliban dun." sabi ni Ayra. "Huh? Anong ibig mong sabihin." taka ko. "Si Dustin!" sabi niya. "HA? SI DUSTIN? ASAN!? ASAN!? ... Best maganda ba ako? Di ba akong mukhang haggard?" sabi ko. Sinampal lang ako ni Ayra ng slight. "Ano kaba? Hindi mo ba napansin? Si Dustin yung sumuntuk sa mamang kawawa at duguan!" sabi niya. "Haaa? Oo nga noh." sabi ko. "Tara alis na tayo dito." aya sakin ni Ayda habang hinihila ako palayo. Ako naman, walang malay na sumama at naging manhid, akalain mo, si babe ang gumawa nun. Kawawa yung mama.

"Alam mo, di pala miyembro ng gang yung crush mo." sabi ni Ayra. "Ano na naman ba ang iniisip mo?" tanong ko.

"Mamamatay tao yata." sagot niya.

Kriminal Pala Ang Crush KoWhere stories live. Discover now