33 - The Notebook

2.4K 61 1
                                    

~ NICA ~

Madaling-araw na nga akong naka-uwi sa bahay. Inaantok pero di pa rin nawawala sa isip ko yung feeling na para ko siyang boyfriend. Nag-aawayan, nag-aasaran pero at the end of the day nagmamahalan. Pero yun nga, dahil lang yun sa pagiging feeler ko, sana man lang maging totoo.

"Ma, Pa, nandito na po ako." bati ko pagkarating sa bahay, kaso tulog na pala silang dalawa. Grabe pa kung makatext na nag-aalala daw at di makatulog, e grabe nga yung hilik nilang dalawa. Pumunta agad ako sa kwarto at pagkakita na pagkakita ko pa lang sa kama ay na in-love na ako. Humiga akong padapa at.... Mahimbing na natulog <3

Kinaumagahan... O sabihin na nating kinahapunan ay nagising ako. Nagising akong uhaw, gutom at parang naligo ng pawis. Di ko yata na ON yung electric fan o sadyang brown out lang?

Bumaba ako at nakita kong nag-uusap sina Mama at Papa. "Good morning Trix." pang-asar na bati ni Mama na obvious namang tanghali na. "Good noon din po." bati ko. "Maligo ka na Nak, parang ilang araw ka ng di naliligo, kahiya sa crush mo." sabi ni Papa. Huh? Ano raw? "Anong crush pinagsasabi mo Pa? Bata pa po ako, wala pa po akong alam tungkol sa crush crush na yan." sagot ko na klarong klarong denial. "Sige na maligo ka na at kuwentohan mo ako tungkol sa nangyari kagabi." sabi ni Papa. Huh? Hindi niya alam anong nangyari kagabi maliban sa nabaril si Dustin? I wonder...

Pagkatapos kong maligo, nagpaganda at nag-ayos, bigla akong nakatanggap ng text galing kay officer Manyak. "Trix, kung gising ka na, tawagan mo ko." sabi sa text. Wow ha ako pa tong babae, ako pa tong tatawag. Nireplyan ko naman, "Hindi ako nagpapaligaw Manyak." Sagot niya, "Ano ka ba, tawagan mo nga ako tungkol ito kagabi, wala akong load pang tawag kasi." Kaya tinawagan ko nga siya.

"Trix, tayo-tayo lang nakakaalam sa nangyari kagabi. Wala kasing CCTV sa rooftop." sabi niya. "Tapos?" tanong ko. "Hindi ko sinama sa report na tinangkang barilin ni Dustin si Ivan, baka kasi makulong siya." sagot niya. Ahh ganun pala yun. "So?" tanong ko ulit. "So pag may magtatanong sa 'yo, sabihin mong binaril lang ni Edward si Dustin tas binaril ni Ivan si Edward." sagot niya. "Eh pano tayo nakarating sa rooftop?" tanong ko."Yun pa rin, kaso huwag mo nalang sabihin na tinutukan ni Dustin si Ivan ng baril." sagot niya ulit. "Oh, sige. Salamat Ramon ha." sabi ko. "Huwag ka sa'kin magpasalamat." sabi niya. "Eh kanino?" tanong ko. "Kay Ivan." sagot niya tas binabaan ako.

Kay Ivan? Bakit sa kanya?

"Trix!" tawag sa'kin ni Papa. At yun nga, bumaba ako at as planned, edited yung sinabi kong story kay Papa. Nagpasalamat siya pero titignan niya raw yung police report para makasigurado. Si Mama naman gusto akong igrounded. "Ma naman, paano ako makakapag-aral nito? Miss ko pa naman yung school." excuse ko kahit hindi. "Hon, huwag mo na parusahan yung anak mo. May lakad pa yata yan eh. Tignan mo oh, nagpaganda, at ang bango bango pa." protekta sa'kin ni Papa. Ewan ko ba kay Papa at tinutukso niya ako, may alam kaya siya? Pero nonetheless, nag work yung sabi ni Papa kaya I'm still free!

Umalis si Papa papunta sa trabaho at magpapa-alam sana ako kay Mama para bisitahin si Dustin kaso...

"Trix, magkita tayo. May ibibigay ako sa 'yo." text ni officer Manyak. "Ano ka ba, sabi ko nga, hindi ako nagpapaligaw. May mahal na ako." reply ko. "Ano ka ba, wala nga akong planong mangligaw, may ibibigay lang ako sa 'yo tungkol rin kagabi." reply niya.

"Ano yan?" tanong ko noong nagkita kami. Binigyan kasi niya ako ng, "Notebook toh." sabi niya. "Obvious ba?" pang-asar ko. "Ang ibig kong sabihin, anong meron sa black notebook na yan? Parang mamahalin pa yung design." tanong ko. Nakita ko ito sa bag ni Detective Edward, binuksan at binasa ko yung mga nakasulat, and guess what." sagot niya. "Mga tungkol kay Dustin. Mga dahilan yata toh kung bakit binaril niya yung crush mo." sagot niya na may halong pang-asar. Tinignan ko yung mga mata niya kung seryoso ba, at, serioso nga siya kaya kinuha ko yung notebook. Nagpaalam siyang iwan ako kasi babalik pa siya sa trabaho, kaya naiwan akong mag-isa.

Sa front page ng notebook, nakasulat ang buong pangngalan ni Mahal. At may malaking X. Sa mga susunod na pahina, eto ang mga nabasa ko: "Bugbugan sa Quota Street: Unknown reason." , "School Hacked System: Unknown reason." at marami pang mga krimen na nakalista at may unknown reason na nakasulat. Halos lahat dito, may pangngalan ni Dustin. Hmmm, di kaya binaril ni Detective Edward si Dustin dahil naiinis na siyang hindi niya mabigyan ng tunay na dahilan ang mga ginawa nito? Ibig sabihin masyadong mysterious yung mga ginawa ni Dustin na kahit isang magaling na Detective ay hindi ito ma solve? O sadyang hindi lang magaling si Detective Edward kaya hindi nakakasagot? Hmmm.

Mas mabuti na yatang isoli ko tong notebook kay Ramon.

Pero mamaya na, pupuntahan ko pa ulit si Dustin.

Papunta sa room niya, nakasalubong ko si Tita. "Nako, ang ganda ganda ng dalagang ito." sabi niya. "Hahaha Tita naman comedienne, woke up like this kaya." sabi ko. "Puntahan mo muna si Dustin, aalis lang ako saglit bibili ng pagkain." sabi niya. "Sige ho." sabi ko naman.

Bat nga pala niya sinabing maganda ako? Uhmm kasi, naka lip gloss ako, konting make up, nakakulot ng slight ang buhok tsaka suot ang paborito kong dress. Hay woke up like this.

Pagpasok ko sa room ni Dustin tulog siya, kaya umupo lang ako sa isang banda at binasa ulit ang notebook.

Tinitigan ko siya, at tinanong sa sarili: Paano mo ba nagagawa lahat ng toh Dustin? Talaga bang mabait ka o krimnal ka pala?

Kung pwede lang sana tanungin ko siya ng deretso, kaso, ayoko.

Naputol ang deep thinking ko nang may nagtext. Sabi,

"Ayra: BESTIEEEEEEEEE!!!"

Kriminal Pala Ang Crush KoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora