16 - Puso Ng Kriminal

3.2K 85 0
                                    

~ DUSTIN ~

Mag-iisang araw na ako dito sa liblib na lugar na ito. Mahirap. Para bang pinagbabayaran ko ang isang malaking kasalanan na hindi naman ako ang gumawa. Paano kaya nakakatulog si Ivan sa gabi gayung alam niyang may tao siyang pinapahirapan? Mabuti na nga lang at mabait tong si Yvonne na pinapakain ako at pinapa-upo kapag wala si Ivan.

Kawawa naman talaga si Kuya Krimson, pinatay na walang kamalaymalay. Ni sa pagkaka-alam ko ay di pa siya sinasagot ng nililigawan niya noon. At yung babae namang 'yon, walang hiya. Di man lang nagpakita noong pinaglalamayan namin si Kuya.

Bakit ba ganito ang buhay? Bakit may mga taong sadyang sakim at walang konsensya? Bakit kung sino pa yung mabait, sila pa yung pinapahirapan.

Aba ewan, kung anu-ano nalang napapag-isipan ko dito. Hay, kamusta na kaya si Nanay...

Naputol yung pagninilaynilay ko nang napansin kong may taong pumasok sa bodega.

"Hoy Ivan! Ilabas mo ko dito!" sigaw ko noong nakitang ko siyang pumasok. "Dustin, kita mo ba tong kutsilyong dala ko?" tanong niya.

Lumakas ang tibok ng puso ko... May... May dugo sa kutsilyo. "Ano na naman ba ginawa mo Kuya!?" rinig kong tanong na sinigaw ni Yvonne. "None of your business." sabi ni Ivan. "Kuya, tao ka pa ba!?" tanong ni Yvonne at nagsimula ng tumulo ang kanyang mga luha. "Ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Ganyan ba turo sa'tin nina Mommy at Daddy? Hindi naman di ba?" dagdag niya. "Hindi nga, at huwag na huwag mo akong tularan. Alam mo Yvonne, kung ako sa'yo, huwag ka ng maki-alam. Mag-aral ka nalang kung ayaw mong madamay ka sa gulong 'to." sabi ni Ivan. "Ipasok niyo nga si Yvonne sa kwarto niya." utos ni Ivan sa mga tauhan niya.

"Alam mo Dustin," sabi ni Ivan. "May sinaksak akong babae kanina. Sa pagsaksak ko sa kanya para bang nabawasan ang galit ko sa mga bagay-bagay." dagdag niya. "Ano bang kasalanan ng sinaksak mo?" tanong ko. "Wala. Eh di ko nga siya kilala eh." sagot niya. "Hayop ka! Wala kang puso!" sigaw ko. "Hep, hep, hep, bago ka mag react diyan, may tanong muna ako sa'yo." sabi niya, at palakad-lakad na nagtanong, "Bakit ka pala napunta sa party noong isang araw? Nalaman mo bang pupunta ako ron?" "None of your business." sagot ko pang-asar. Yung tipong sinunod ko yung lagi niyang sinasabi. "Inuulit ko Dustin, bakit nasa party ka!?" pasigaw niyang tanong. At hindi ako umimik.

Pag sinabi ko, baka mapahamak pa si Nica kaya mas mabuti pang wala ng ibang tao ang madadamay dito.

"Ginagalit mo ako! Wala akong panahon para maghintay." sabi ni Ivan at sinuntok niya ako sa tiyan.

Araaaay... Ang sakit.
Kaso di ko pwede isali si Nicatrix dito, mabuti pa naman siyang babae... Yata.

"Ah, at talagang ayaw mong magsalita." sabi niya, at sa pagkakataong ito, yung mukha ko naman ang sinuntok. Napasigaw ako sa sakit, nakita ko nalang na tumutulo ang dugo galing sa ilong at bibig ko.

"Sige, di bali na. Yung nanay mo nalang ang tatanungin ko." sabi niya. "Huwag! Huwag mong idamay si Nanay dito! Wala siyang alam sa nangyayari! Parang awa mo na." sabi ko. "Eh di kung ganun, magsalita ka!" sigaw niya.

"Si..." sabi ko.

Patawad Nicatrix.

"Inimbita kasi ako ng kaibigan kong si Nicatrix dahil birthday party ng bestfriend niyang si..." sabi ko.

Pinutol niya ako at tinapos ang sagot ko sa pagsabing,

"Si Ayra."

Kriminal Pala Ang Crush KoWhere stories live. Discover now