5 - Manhid

7.6K 210 17
                                    

~ DUSTIN ~

Yung tibok ng puso ko, grabe ang lakas. Paano nalang kung kakasuhan niya ako tas makukulong? Nako, kawawa naman si Nanay kung ganun ang mangyayari. Ayoko siyang mag-alala. Sobra-sobra na kasi yung sakit ng ulong nabigay ko sa kanya. Pero de bale na, para sa kanya naman lahat ng yun, para matahimik kami. Haharapin ko nalang ng maayos tong babaeng ito.

"Oh sige. Nicatrix... May importante sana akong gustong itanong sa'yo." sabi ko. "Sige, ano ba yun?" tanong niya. Nako, namumula, feel ko galit siya sa kalooblooban niya. "Bago yan, nga pala, ako si Dustin, na—" Sabi ko kaso pinutol niya ulit ako. "No need na na magpakilala ka, I know you already, just go straight to your question kasi." sabi niya.

Pinagpapawisan ako. Paano ko ba siya tatanungin? Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya kung bakit ko yun nagawa? Hay, buhay. Teka lang! Bat kilala niya na ako!? Nakapagresearch na ba siya? O baka sinabihan siya ng tatay niyang pulis... O di kaya kinasuhan na niya ako kaya alam na niya ang pangngalan ko.

Nako Dustin, lokoloko ka kasi, tignan mo buhay mo...

"Ano ba kasi yung itatanong mo? Daliiii na naeexcite ako." sabi niya. Huh? "Eto na... Please lang huwag mo akong kasuhan, huwag mo akong ipakulong, hindi naman talaga ako nagnakaw. Oo pumasok ako sa isang bahay pero di ako nagnakaw; nagtago lang sa mga kalaban. Pramis! Mabait akong tao. Kaya please huwag mo akong isumbong sa tatay mo o sa kahit sinong pulis." ang bilis kong sabi habang nakahawak ang dalawang kamay na para bang nagdadasal ako sa harap niya, nakapikit ang mata at grabe ang pawis.

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo Dustin? Di yata kita maintindihan. Anong nangyari? Bakit kita kakasuhan? Bat kita ipapakulong? Bat alam mong pulis ang tatay ko? Bat parang santo ako at pinagdadasalan mo?" tanong niya.

Ha? Ibig sabihin di niya namalayan na akong yung dumaan sa bahay nila kagabi?

Di ako sigurado kung manhid siya o talagang bulag lang.

"Pasensya ka na, sobrang aral ko kasi kagabi. Bakit, nagkita mo ba ako kagabi? O di kaya'y kahapon? O... O di kaya'y MAY NANGYARI BA SA TIN?" tanong niya.

"Haaaaa? Anong pinagsasabi mo! Anong nangyari? Wala noh." sabi ko naman habang gulat na gulat. "Hehehehe joke lang! Kaw naman, bat ang serioso mo? Tignan mo oh, pinagpapawisan ka." sabi niya sabay pahid ng pawis sa mukha ko gamit ang kanyang dilaw na panyo.

Ngumiti siya at sinabing "Nako, lasing ka ba? Anong pinagsasabi mo? Hehehe. Alam kong nagbibiro ka, di siya nakakatawa ha, nakakagulat nga. Pero in fairness ang cute mo. Hihihihi." Ay nako, ganun nalang ba talaga ako ka cute? "Sure ka bang di ka galit sa kin?" tanong ko ulit. Panigurado.

"Hindi nga. Bat ba naman ako magagalit sayo? Sa katunayan nga, ano..." sabi niya. "Ano?" tanong ko. "Wala, hihihihi next time nalang. Di ba hindi ito ang huling date natin? Di baaaaaa?" tanong niya. "Ha? Anong date?" tanong ko. "Ito. Hindi ba ito date? Hehehe huwag kang mag-alala, simple lang naman akong tao, di ko na kailangan ng mga kandila o di kaya'y flowers. Makasama ka lang at maka-usap ng maayos. Solve na ako." sagot niya.

Di rin naman pala madaldal tong babaeng ito. Ewan ko sa kanya, wala akong panahon para isipin at hulaan ang mga sinasabi niya. May marami pa akong problemang iisipin. "Nicatrix, mauna na ako ha? May gagawin pa kasi ako." paalam ko. "Ha? Okay. Huwag mo na akong ihatid, kaya ko na mag-isa. At alam ko naman na sooner or later di na ako uuwing mag-isa." sabi niya sabay kindat. "Bye!" sabi ko. Grabe, ang saya ko at hindi niya napansin yung ginawa ko kahapon. "Sayang, may marami pa sana akong itatanong sayo." sabi niya. "Text mo nalang ako, ichachat ko sa'yo cellphone number ko. Sige, paalam na." sabi ko sabay alis bago pa makapagsalita tong babaeng ito.

Grabe ang saya ko. Manhid pala siya. O malabo lang ang paningin. O madilim lang talaga... O sadyang bulag lang siya? Hahahaha.

Ibibigay ko ang cellphone number ko... Sakaling kailangan ko ng pulis. Hahaha.

Hay Dustin, di ka lang pala pogi, ninja pa.

Back to the crime.

Back to the problem.

Back to the tragedy.

Hay.

Welcome to my life.

Kriminal Pala Ang Crush KoDär berättelser lever. Upptäck nu