26 - Pag-ibig Nga Naman

2.7K 74 3
                                    

~ NICA ~

"Bestie!" tawag ko kay Ayra noong nakita ko siya na para bang sinasaktan ni Ivan. "Hoy Hapon! Bitawan mo yung bestfriend ko!" utos ko tas tumakbo ako papunta sa kanya. Sinuntuk siya ng napakalakas at ayun natumba. Nagyakapan kami ni Ayra, "Miss na kita Bestie." sabi namin sa isa't isa.

"Officer, medyo mabuti buti na ang kalagayan ng biktima, maari niyo na siyang bisitahin sa loob." rinig kong boses ewan saan galing. "Nic, Nic! Gising, may magandang balita ang doktor." rinig kong gising sa'kin ni Ramon.

Tekaaaaaa panaginip lang pala yun? Ay nako...

TEKAAAA BAT NAKATULOG AKO... AT NAKASANDAL PA ANG ULO KO SA BALIKA'T NG PULIS NATOOOO

"Hoy! Chancing ka!" sigaw ko kay Ramon. "Ano ba pinagsasabi mo, e ikaw lang naman yung biglang nakatulog. Ginawa mo pa ngang unan yung malalaki kong braso eh." sabi niya. "How dare yo—" sabi ko sana pero napansin kong may tao pala kaming kasama — ang doktor. "Ay Dok, sorry po. Nga pala, kamusta na yung futur— yung kaibigan ko?" tanong ko. "Nawalan siya ng malay dahil sa gutom at uhaw, pero huwag kang mag-alala iha, okay na siya. In fact pwede mo na siyang kamustahin sa loob pero..." sabi ng doktor pero di ko na pinakinggan yung iba niyang sinabi, agad akong pumasok sa room.

Teka, may kasamang ale si Dustin...

"Nak, kamusta ka na? Ano ba nangyari sa'yo?" tanong ng ale na mama niya yata. "Okay na ako Nay, sorry." sabi ni Dustin. Hay ang sarap sa feeling madinig ang tinig niya ulit. "Nak naman eh, sabi ko sa'yo mag-iingat ka lagi. Kinuwento sa'kin ng pulis kung napaano ka." sabi ng Mama niya. "Sorry talaga Nay, huwag ka na umiyak please." paki-usap ni Dustin. Ay umiiyak pala yung Nanay niya, kawawa naman. Alam kong alang ala na yung Mama niya. "Siyempre Nak, Nanay mo ako, natural lang na mag-alala ako." sabi ng Mama niya.

Di na ako nag-atubiling distorbohin sila, moment nila yun, kaya lumabas nalang ako. Hmm nasan kaya yung manyak?

Chineck ko sa alley, wala naman, kaya pumunta nalang ako sa canteen ng ospital para kumain.

Pagdating ko don, tsamba andun siya, nasa isang mesa humihigop ng sabaw.

"Oy manyak, nagugutom ako. Ilibre mo nga ako." sabi ko pang-asar. "Bat naman kita ililibre? Utos ng Papa mo, bantayan ka, hindi naman niya sinabing pakainin ka." pang-asar na sagot ni Ramon. UGHH. "Di ba crush mo ko? Bat di mo ako at least man lang pakainin?" sabi ko, natapon niya ang sabaw na hihigupin niya sana. "Anong crush? Kapal muks mo din noh? Hahaha." sabi niya. OUCH HA NASAKTAN AKO DUN. "Stage 1: Denial." sabi ko. "Ayan na yung Papa mo oh, sa kanya ka magpabili." sabi niya nang nakita niyang papalapit si Papa.

"Kamusta Pa, nakita niyo ba si Ayra? Nahuli niyo ba si Ivan?" tanong ko na may kasamang pag-alala. "No at No anak. Pero huwag kang mag-alala, di kami titigil sa paghahanap sa kanila." sagot ni Papa.

Nako naman. Okay lang kaya si Ayra?

"Nga pala, kamusta na si Dustin?" kamusta ni Papa sa future son-in-law niya wahahawahahawahaha. "Okay lang siya Pa, kausap niya Nanay niya right now." sagot ko. "Nakuwento ko na po sa Nanay ni Dustin ang nangyari sa anak niya." rinig kong sipsip ni Officer Manyak. "Mabuti naman kung ganun. Papunta na dito si Detective Edward para mag-imbistiga sa nangyari. Anak, Nicatrix, gusto ko maging honest ka sa kanya." utos ni Papa. Naku naman, ayoko rin sa detective na yun, medyo spooky na para bang may tinatagong di namin alam ni Papa. "Sige po." sagot ko, at nagsi-alisan sina Papa at Ramon. Ako naman, kumain nalang.

At di nga nag tagal dumating si detective Edward. "Nica." tawag niya sa'kin na para bang tatay ko siya. "I know what you need. San mo ba ako iinterviewhin?" tanong ko. "Sa bahay niyo nalang kung pwede?" sagot niya. Wow ha siya pa nag-aya sa bahay namin. "So, sa bahay nalang namin?" tanong niya. Wow talaga isa pa tong manyak, grabe ang daming may gusto sa'kin. Di ba pwede sa police station nalang? "Oh sige, sa bahay ko nalang." sagot ko para naman mapuntahan ko na si Mama.

Di pa nga kami nakarating sa pinto ng bahay ay nakita ko na si Mama, tinakbuhan niya agad ako at niyakap. Hay ang sarap ng may taong nag-aalala para sa'yo. Ibinalita ko sa kanya yung nangyari at na dapat akong interviewhin ni detective manyak. Pumayag naman siya at nagsimula na nga interview.

"Paano mo nakilala si Dustin?" tanong ni detective.
Ewan destiny yata yun na makita ko si Mr. Right.
"Sa school. Schoolmates kami in short." sagot ko.
"Close ba kayo nun?" second question.
We're still getting to know each other kasi sabi nga di ba marry your bestfriend.
"Hindi masyado." sagot ko.
Question number three, "idescribe mo nga si Dustin."
Ang future ko!
"Ano siya... Pogi..." sagot ko kaso parang na iba yung mukha ni Detective na para bang di naniniwala. "Bakit ang sama ng tingin mo, pogi kaya siya. At yung tanong mo, sinagot ko lang with all honesty." explain ko. "Sige, please proceed." sabi niya. "Mysterious siya and I kindda like him." dagdag ko. "Like lang?" tanong ni Detective. TEKA, OBVIOUS BANG MAHAL KO SIYA? "Excuse me?" papormal kong tanong. "Ah wala, nga pala bat mo nasabing mysterious siya?" tanong niya. "Kasi di ko siya kilala. Oh di ba? Makes sense." sagot ko.

Ewan parang ayoko siyang sagutin ng maayos. May hinala ako sa kanya. "Sige na, may gagawin pa ako. Pwede ka nang lumayas... Este lumabas." sabi ko. Pero di ko na siya hinintay na pumalag, pumasok nalang ako sa kwarto ko.

Bat ko nga ba nasabing mysterious si Dustin?

Lahat ng ginawa niya para sa kuya niya, hindi naman yata siya kriminal.

O baka talaga totoong kriminal siya?

Kriminal Pala Ang Crush KoWhere stories live. Discover now