6 - Lovelife Kasi Inaatupag

7.8K 165 9
                                    

~ NICA ~

Pagkatapos ng unang date namin ni Dustin, agad akong bumalik sa school at ibinalita kay Ayra lahat ng nangyari. "Bestie, alam mo, ang labo ng kwento mo. Pero malakas pa rin ang kutob ko na tama ang theory kong si Dustin yung lalaki kagabi na sinabi mong magnanakaw." komento ni Ayra. "Alam mo yung magandang gawin mo Best? IPAKULONG MO SIYA!!!" dagdag niya. "Ha? Baliw ka ba? Gusto ko nga siyang makasama araw-araw eh ipapakulong ko pa... Tas sa anong dahilan naman?" tanong ko. "Ayaw mo nun, pagnakulong siya, pwede mo siyang dalawin ARAW-ARAW. Nga lang... sa kulungan." sagot ni Ayra tas tumawa nalang ng tumawa.

"Teka, may free FB ka ba diyan sa cellphone mo? Paki log in naman ng Facebook ko oh, baka chinat na niya yung cellphone number niya." tanong ko kay Ayra. "Oo meron, maya nalang kaya pag-uwi mo, grabe yung lag eh. Parang wala na ngang signal." sabi niya. "Sige na nga, tara na sa next class, baka malate tayo." sabi ko. "May 10 minutes pa naman. Kinakabahan na nga ako sa long test ni Prof ngayon." sabi ni Ayra. ... ... ... ANO? MAY EXAM?

"Mukha mo pa lang, alam ko ng di ka nag-aral kagabi. Tas ayun, sinabihan mo pa si Dustin. Hahaha. Ugok ka rin minsan." sabi ni Ayra. "Naku Best!!! Tara na sa classroom, para makapagscan ako at least." sabi ko sabay hila sa kanya papunta ng classroom.

Ganun talaga pag inspired, minsan nakakalimutan mong mag-aral.
Pero kaya nga tinawag itong inspiration para makatulong sa pagpoporsige, di para maging sagabal.

Ughh Nica, ano na ba nangyayari sayo??? Matalino ka naman diba? Third honor ka pa nga noong grade two.

Ayan na si Prof. Rodrigo!!!

"Listen. Before I start my exam, LET ME JUST REMIND YOU." sigaw ni Prof. "Mabilis ang karma, KUNG SINO MAN, kung sino man ang naghack ng database ng school registrar, MAG-INGAT NA KAYO. Dahil sa oras na malaman ko kung sino ang gumawa nun, LAGOT KAYO SA'KIN." dagdag niya.

Ha? May naghack sa system ng school database? Paano nangyari yun? May CCTV cameras naman... Hindi ba nakita? ...

"NUMBER ONE!" sigaw ni Prof Rodrigo.

...

"Ayan kasi... Crush crush pa more!" sabi sakin ni Ayra. "Oo na, oo na, bagsak na ako." sabi ko. "Kasalanan bang mainlove?" tanong ko tas binatukan ako ni Ayra. "Oy ugok! Ang OA mo rin mo? In love ka diyan.ang sabihin mo, tinatamad ka lang mag-aral. Ginagawa mo pang excuse yang love life mo. "Pero sa tingin mo Best, bat kaya hinack yung database ng school?"

"Ewan. Pake ko ba? Baka may mga fans lang gustong magsave ng pictures kong nakasave dun." sabi ko. Wala naman talaga akong ganun care sa school namin, let it be. Ang ganda kaya nun, may action na nangyayari sa school kahit di ka absent.

Kasi nga di ba, pag present ka, normal na normal lang yung araw sa school pero pag absent ka naman, may concert, rambulan, iyakan, sunog at kung anu-ano pang mga trahedyang pwedeng mangyari.

"Best nga pala, babalita ko sa'yo." sabi ni Ayra. "Nalulungkot ako at di makakauwi dito sa Pilipinas sina Mommy at Daddy sa birthday ko. Kaya pambawi nila, nagpadala sila ng pera para makapag birthday party ako." dagdag niya. "Wow. Oy Best ako yung clown, pleaaaaase." sabi ko. "Hindi kasi ganun yung plano ko Best. Hindi children's party. 18 na ako, kaya gusto ko naman formal party. Yung mga naka gown ang babae tas yung lalaki —" sabi ni Ayra kaso pinutol ko, "tas yung mga lalaki mapopogi? Nako! Game ako diyan!" sabi ko. Sa sabik, sinuggest ko rin sa kanya na dapat may date at masquerade-style, parang prom lang. Pero ewan ko ba kung sang-ayon siya, sabi niya lang bahala na daw ako.

Hmm... Sino kaya pwede kong ka date?

Tinatanong pa ba yun?

Siyempre, si Dustin.

"Best, mauna na ako, magpapaload pa ako. Baka kasi nagchat na si Dustin. Excited na akong makuha yung number niya at makipagkuwentuhan ALL NIGHT LONG as in ALL NIGHT LONG. Habang nag-aaral ako, ka-text ko yung inspiration ko. Oh diba, best combination!?" sabi ko. "Ewan ko talaga sayo. Ayan ka na naman sa 'all night long' mo tas di naman pala tatagal ng limang minuto. Sorry to say this pero yan ineexpect ko." sabi ni Ayra. "Grabe ka." react ko. "Ano, pustahan tayo?" tanong ni Ayra. "Sige ba, pag di siya nag chat, aayaw na ako sa kanya. Pero pag chinat niya yung number niya at papayag siya na maging date ko sa birthday mo, support ka na sa'min. Deal?" plano ko. "Sus, ang dali. Sige deal." sang-ayon ni Ayra.

Sure ako na papayag si Dustin.

Di ako feeler

But I can feel it.

Kriminal Pala Ang Crush KoWhere stories live. Discover now