34 - And The Reason Is You

2.5K 76 1
                                    

~ AYRA ~

Umaga na pala, rinig ko na ang tiktilaok ng manok sa kapit bahay. Eh paanong di ko maririnig eh sira pa yung bintana namin dahil kay Ivan.

Hay Ivan, sa dinami dami ng ginawa mo, akalain mong napatawad pa kita. Sino naman kasi ako para di ka patawarin e ang Diyos mismo nagpapatawad sa mga nakakasala.

Kung lubos na iisipin, lahat naman tayo may kasalanan. Hindi lang pisikal na kasalanan kung di pati na yung mga masasamang iniisip natin sa kapwa. Sabi nga, wala sa panlabas na anyo ang tunay na kalinisan kung di nasa loob. Malinis ba ang puso mo? E yung nasa isip mo malinis ba? Sabihin na natin maganda at sexy ka, e pano naman yung koneksyon mo sa Panginoon, matatag ba?

Yun ang dahilan kung bakit ko siya pinatawad. Nakakapagod kasing mabuhay sa mundong ito na may dalang galit sa ibang tao. Once in a while patawarin natin yung mga nakasala sa'tin, sabi nga, lahat ng bagay may dahilan.

Heto ako sa kwarto, nakahiga, nag-iisa, walang kausap. Sana man lang buhay pa si Krimson. Ilang buwan na rin ang nakalipas e hindi pa ako nakakamove-on sa kanya. Ni hindi ko pa nga nabibista ang puntod niya. Hindi ko kasi matanggap ang mga nangyari. Hindi pa rin nawawala sa isip ko na isa ako sa dahilan kung bakit nawala siya. Pero kahit anong iyak at pagsisisi pa ang gagawin ko, hindi ko na maibabalik ang dati. What's done is done.

Pero ewan ko ba, dapat siguro tanggapin ko na ang mga nangyari. Na everything has a reason. Na what's meant to be will always find a way. At na may destiny.

Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa kwarto. "Yaya, mamaya na ako kakain." sabi ko, kaso katok pa rin ng katok. "Yaya, mamaya na nga ako kakain." sabi ko ulit, pero makulit yung kumakatok at di tumitigil kaya binuksan ko ang pinto. At nagulat ako sa nakita ko.

"Mommy! Daddy!" pagulat kong sigaw. Hindi ko napigilan ang saya na makalipas ang halos isang taon ay nakita ko ulit ang parents ko, kaya jump for joy, sabay ko silang niyakap at di napigilang tumulo ang aking mga luha. "Baby, kamusta ka na? May masakit ba sa'yo?" tanong ni Mommy habang hinahawakan ang mukha ko't pinapahiran ang luha. "Okay lang po ako, lalong lalo na ngayong kompleto na ang family ko." sagot ko. "Sabi naman sa'yo Loves e, matatag tong baby girl natin." sabi ni Daddy. "Na miss ko po kayong dalawa." sabi ko. "Mas namiss ka namin Ayra." sabi naman ni Mommy. "Tara Loves, kumain na tayo." sabi ni Daddy kay Mommy. "Ay, hindi ako kasama?" lambing ko. "Sabi mo hindi ka pa gutom." pabiro sabi ni Daddy, pero nevertheless kumain kami. Best breakfast ever.

Nagkuwentuhan kami. Umuwi daw sila para sa'kin and for good na. Kinuwento ko naman sa kanila lahat ng nangyari sa buhay ko. Nagulat nga sila na niranasan ko lahat ng yun. Sabi naman ni Daddy, mana daw ako sa kanya, matapang, pero si Mommy naman, mana daw ako sa kanya dahil maganda, pinagtatalunan ng mga lalaki.

"Pero Ayra, eto ha seryosong tanong: naka move-on ka na ba?" tanong ni Mommy. "My, sa katunayan, hindi pa. Halos hindi ko pa tanggap yung nangyari kay Krimson." sagot ko. "Normal lang yan, kahit nga kung ako ang nasa pwesto mo hindi ko alam ang gagawin. Pero Nak, sometimes you have to let go of people you can't have. Lalong lalo na kung nasasaktan ka sa kakaisip sa kanila. Alam mo na nga na hindi na siya babalik, e nag iimagine ka pa ng mga bagay kasama siya." sabi ni Daddy. "Pray ka lang Nak, nandiyan lagi si Papa God para tulungan ka." dagdag ni Mommy.

Ewan ko ba, pero ngayon na nandito na ang mga magulang ko, mas naging okay ako. Iba talaga pag ang payo galing sa mga magulang mo, totoo and at the same time may halong pagmamahal.

"Kamusta nga pala studies mo?" tanong ni Daddy. Nako hindi ko kinuwentong hindi ako pumasok ng dalawang linggo. "Ah, yun. Okay lang naman." sagot ko. "Mabuti naman kung ganun." sagot ni Daddy. "Mommy, Daddy, pwede po ba akong magpaalam? May pupuntahan lang sana akong taong dapat noong ko pa binisita." paalam ko. "Sige." sang-ayon ni Mommy, parang gets nila kung saan ako pupunta. "Gusto mo samahan ka namin?" tanong ni Daddy. "Huwag na po, okay lang ako. Pero may hihingin po sana ako." sagot ko. "Oh, ano yun?" tanong ni Mommy. "Allowance po, hehehehe." sagot ko.

Binigyan naman ako, kaya nagpunta na ako sa puntod ni Krimson.

Nagdala ako ng bulaklak tsaka nagtirik ng kandila.

"Hi babe, sorry ha ngayon lang ako dumalaw. Alam mo, miss na kita, at alam kong mas miss mo ako. Grabe ang nangyari sa buhay ko babe noong nawala ka. Akala ko hindi ko makakaya kung mawawala, pero guess what, nakaya ko. Ang lakas ko pala noh?" sabi ko habang umiiyak. "Alam mo, nameet ko yung kapatid mo. Matapang siya katulad mo, no wonder in love na in love si Nica. Tsaka alam mo, pinatawad ko na yung pumatay sa 'yo. Dahil alam ko ring pinatawad na siya ng Nanay mo. Sayang noh, ang dami pa sana natin magagawa habang magkasama. Miss ko yung kamay mo, miss ko na rin yung mga text mo... Miss ko na rin yung... Yung pagmamahal mo." dagdag ko habang lalong umiiyak. "Babe, kung nasan ka man, sana masaya ka. Dahil ako, masaya na ako. Tanggap ko na nawala ka. Ipagpapatuloy ko ang buhay ko para sa'yo dahil alam kong may taong namatay dahil sa pagmamahal sa'kin. I was happy because of you. I was strong because of you. And now, I'm moving on because of you. You gave me a reason to be better... Krimson Rodriguez salamat sa pagmamahal sa'kin, paalam, mahal kita."

Tumayo ako at plano kong bisitahin si Dustin kaso baka paglabas niya nalang ng ospital.

Nga pala, di ko pa binalita kay Nica na umuwi na si Mommy at Daddy kaya tinext ko siya.

"BESTIEEEE!!!" una kong text

"Umuwi na sina Mommy at Daddy woooooo punta ka bahay bilis!!!" dagdag kong text.

"On my way!" reply ni Nica. Teka lang! Dapat ko pala siyang unahan sa bahay.

Nagtaxi nalang ako para unahan siya at timing na timing nagkita kami sa labas ng bahay.

"Bestie!" bati namin sa isa't isa habang nagyayakapan. "I have good news and bad news. Ano gusto mong unang marinig?" tanong ko. "Good news muna." sagot niya. "Naka let go na ako kay Krimson." balita ko. "Awee I'm happy for you bestie, kaso, ano yung bad news?" tanong niya. Sagot ko naman,

"Babalik na tayo sa school bukas."

Kriminal Pala Ang Crush KoWhere stories live. Discover now