32 - Ang Sekretong Nararamdaman

2.6K 68 0
                                    

~ NICA ~

Touch down ospital. Parang deja vu lang, nandito ako the other day para puntahan si Dustin at ngayon, nandito ulit ako. Mag-eexpect nalang akong andun na yung Mama niya.

Dumating ako sa labas ng room kung saan sinasabing na-admit si Dustin at may nakita akong aléng naka-upo at umiiyak. Teka... Parang Nanay niya yata yun kaya nilapitan ko si future mother-in-law.

Teka, ano ba dapat kong tawag sa kanya? Madam? Para naman siyang principal. Ma'am? Para naman siyang guro. Manang? Parang hindi bagay. Ate? Parang kapatid lang. Alé? Aba ewan!

"Tita?" tawag ko sa tonong malambing. Pabebe lang ang peg ko. "Ining? Ikaw ba yung kaibigan ni Dustin?" tanong ni Tita. "Opo. Kamusta na po siya?" tanong ko. "Nasa loob pa siya, kinukuha pa raw yung bala sa katawan niya." sagot ni Tita. "Ay naku Tita, no need na pong umiyak, sa braso lang po siya tinamaan tas napatigil naman po namin yung pagdugo, nurse po kasi ako." sabi ko habang nagfefeeler mode. Eh hindi pa naman ako nurse tas hindi rin ako yung nagtigil sa pagdugo kun'di si Ayra. "Salamat Ining, salamat sa Diyos at naging kaibigan ka ni Dustin." pasalamat ni Tita. God Gave Me You lang ang soundtrack ni Tita? Hahaha.

Nakita kong may dalang rosary beads si Tita. Nagdadasal pala siya kanina habang umiiyak.

"Sana isang katulad mo na mabait, maganda at maaalalahanin ang magiging girlfriend ni Dustin." sabi ni Tita.

ANO DAW!? Sana sinabi nalang niyang 'IKAW NALANG SANA ANG GIRLFRIEND NI DUSTIN' waaaaaa

Teka, dapat ko bang sabihin kay Tita na mahal ko yung anak niya? Ayts huwag na! Nakakahiya!

Makalipas ang ilang minutong pag-uusap namin ni Tita tungkol kay Dustin, lumabas ang doktor at ibinalitang ligtas na ang pasyente. "Dok, hindi ba na-amnesia si Dustin?" tanong ko. "Ah grabe ka, hindi naman. Konting galos lang sa braso niya." sagot ng doktor. "Salamat naman sa Diyos." sabi ni Tita tas umalis ang doktor. "Tita, sige na ho, puntahan niyo na po si Dustin." sabi ko. Bigla nalang hinawakan ni Tita ang kamay ko at hinila sa loob sabay sabi, "Tara, samahan mo ako."

Ayoko sana kasi awkward... Feel ko kasi alam na ni Dustin na may feelings ako sa kanya... Sana na amnesia nalang siya... Pero huwag makakalimutan niya ang pinagsamahan namin.

Sa loob, sinalubong kami ng isang nakangiting Dustin. "Ma... Nicatrix." bati niya. Agad siyang niyakap ni Tita. Aweee happy hugs, tas hinalikan ng hinalikan ang pisngi nito. Klarong klarong mahal na mahal ni Tita si Dustin. Di ko rin siya masisi dahil nawalan na siya ng anak dati.

"May masakit ba sa'yo anak?" tanong ng Mama niya. Ngumiti lang si Dustin, ang cute ng smile niya. Nakakaheart sa mata ko. "Wala naman Ma, okay lang ako, huwag ka na pong umiyak." sabi ni Dustin at pinunasan ang luha ng Mama niya. "Nak, sure ka bang okay ka lang?" panigurado ng Mama niya. "Oo nga Ma." sagot ni Dustin. "Oh sige dahil sabi mong okay ka lang, pupunta muna ako sa chapel para magpasalamat, tas bukas magoffer ng thanksgiving mass sa paborito nating simbahan." sabi ni Tita. "Ma naman eh, huwag mo akong iwan." palambing na sabi ni Dustin.

Ang sweet ng mag-ina.

"Dalawang beses na kitang tinanong kung okay ka lang ba, at dalawang beses mo akong sinagot ng oo. So ngayon huwag mo akong pigilang pumunta sa hospital chapel at bukas sa simbahan dahil magpapasalamat ako sa Panginoon at ligtas ka." sabi ni Tita. "Nandito naman si Nica para alagaan ka." dagdag niya.

Ano raw!? Shipper pala si Tita. WAAAAAA <3

Yumuko ako para di halatang kinilig sa sinabi ni Tita kaso lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko't sinabing' "Nak, paki-bantayan nalang si Dustin ha." tas kumindat.

OBVIOUS BA TALAGA!? O sadyang mapang-tukso lang si Tita?

Paglabas na paglabas ni Tita, dito nagsimula ang awkwardness sa room.

Sino ba dapat ang unang magsalita... Ako o siya?

"Kamusta ka na Nicatrix?" tanong ni Dustin. Yumuko ako ulit at sinabing, "Bat ako tinatanong mo eh ikaw nga yung nabaril di ba?" sabi ko. "Bat niyo pa ba kasi ako sinundan? Sabi ko naman sa inyo kaya ko na ang sarili ko." tanong niya. "Kasi ano... Kaibigan ka namin. At anong pinagsasabi mong kaya mo ang sarili mo eh nabaril ka nga kahit nandun kami." sagot ko. Para kaming mag-asawang nag-aaway. "Salamat ha." sabi niya. "Sagutin mo muna ako." dagdag niya. ANO RAW!? Sasagutin? "Paano kita sasagutin e di ka naman nanli—" sabi ko kaso naalala ko may tanong nga pala siya, "Ang ibig kong sabihin, ano... Okay lang ako. Ikaw ba kamusta ka na?" palusot ko. "Okay lang naman. Salamat sa inyo. Lalong lalo na sa'yo Nicatrix." sabi niya sa tonong parang nagpropropose.

Alam kong di ako mapapakali nito kung di ko malalaman kung narinig niya ba ang pagconfess ko. Kaya, "Dustin." tawag ko. Ughh pano ko ba toh itatanong? "May ano ka ba..." pabebe kong sabi. "Anong ano?" gulat niya. "May narinig ka bang kakaiba na galing sa bibig ko kagabi... Este kanina?" tanong ko. "Uhhh wala naman. Puno kasi ako ng galit kaya di ko na pinansin ang paligid, ni hindi ko nga namalayang dumating yung bumaril sa'kin. Bakit, may dapat ba akong malaman?" tanong niya. "Ah wala naman! Nagtatanong lang." sabi ko. "Weee, baka may gusto kang sabihin sa'kin?" tanong niya. "Wala nga." sabi ko. Kakainis inaasar niya ako. "Ano ba kasi yan? May ipagtatapat ka ba?" tanong niya ulit. "Wala ngaaa... Ewan ko sa'yo maiwan nga muna kita." sabi ko na para bang nagka-lq sa boyfriend. Feel na feel ko. "Oh, san ka pupunta?" tanong niya nang lumapit ako sa pinto. "Wala, nagugutom kasi ako kaya pupunta ako sa canteen." excuse ko. "Gabing gabi na ha, anong oras na nga ba?" tanong niya. "Ewan ko, never akong nagkarelo." sabi ko kahit kay cellphone naman akong dala. "Sige, pabili din ako ng biscuit. Hehehe nagugutom din kasi ako." sabi niya. "Sus kanina nandito yung mama mo di ka nanghingi." sabi ko. "Sige naaaa pleaaase." paki-usap niya. Pasalamat siya't mahal ko siya kaya pumayag ako.

Kaya pumunta ako sa canteen. Hmp inaantok na ako. Pero itetext ko pa pala si Mama at Papa na okay lang ako at mamayang midnight na ako uuwi... Bakit? Ha! Para excused ako bukas sa school.

Nga pala, ano na kaya nangyari kay detective Edward?

Kriminal Pala Ang Crush KoWhere stories live. Discover now