14 - Indigo Coffee Shop

3.2K 90 2
                                    

~ AYRA ~

"YouTube channel?" gulat ko. "Check mo, baka may mga guitar covers siya ron at maharana ka pa." dagdag ko. "Best, may dinosaur." sabi ni Nica. "Anong dinosaur ang pinagsasabi mo? Pumapatay siya ng dinosaur?" tanong ko. "Hindi. Yung internet nawala, nagdinosaur." sagot niya. Ahh yun palang dinosaur na lumalabas at nagsasabing "unable to connect to the internet" "Ewan ko sayo Best." sabi ko.

"Alam mo may ideya ako, punta kaya tayo sa coffee shop? Dun na tayo mag research para makapag chill rin." suggest ni Nica. "Chill? Kape? Ano yun? Pero sige, game ako. Tara, dalhin mo yung laptop." approve ko.

Kaya, pumunta na kami sa coffee shop at sa labas na kami pumwesto para fresh air. "Miss, ano po ba password ng WiFi niyo?" tanong ni Nica sa waitress. "Indigo po. Capital yung I." sagot ng waitress. "Sige salamat." sabi ni Nica.

"Ano, may internet ka na? Wala na yung dinosaur?" tanong ko. "Wala na, check ko ulit yung YouTube channel niya." sagot ni Nica.

Habang hinihintay yung order namin, nag sight-seeing muna ako paligid. May petshop sa tapat, may fastfood chains naman sa gilid, at sa unahan, may clothing shop.

Ang nakahuli sa tingin ko ay yung magkasintahan na kakalabas lang sa clothing shop. Grabe sila. Nakaka-ingit. Parang anniversary yata nila (o di kaya monthsary o mas grabe weeksary since uso naman yan ngayon) at ang sweet. Niregalohan yata ng lalaki si babae ng damit. At may dala pa siyang tatlong bulaklak.

Tatlo dahil "I love you." o may ibang meaning? Tulad ng... "Mamamatay na ako." o di kaya "Iiwanan na kita." o di kaya "May iba ako." hahaha grabe, ano ba iniisip ko.

"Nica, tignan mo nga yung dalang bulaklak ng babaeng naka white, ang ganda oh." sabi ko. "Teka lang Best, nagloload na yung videos niya." sabi naman ni Nica. "Awee ang sweet nila oh, naka HHWW." sabi ko. "HHWW? Ha Ha Work Work?" tanong ni Nica. "Hindi, Holding Hands While Walking." sabi ko.

"Best!!! Tama ka, may song covers nga siya." balita ni Nica. "Eto oh, may Love Yourself, Perfect at marami pang iba." dagdag niya. "Walang bang weird diyan?" tanong ko. "Hmm, song covers, mga balita tungkol sa isang lalaki, animal feeding, anti-malnutrition campaign, tsaka isang new video na walang title, AVI blahblahblah lang." sabi ni Nica.

Pero di ko na mind yung mga sinasabi niya nang may napansin akong lalaking nakatingin sa mag jowa. Binitawan ng lalaki yung babae, at lumayo ng ilang metro, kumuha ng cellphone at nilitratuhan. Sa mabilis na pangyayari habang chinicheck ng lalaki yung kuha niyang litrato sa phone, nilapitan ng lalaking nakakatakot yung babae... At sa likuran nito... Sinaksak.

"AHHHHHHHHH!" sigaw ko at bilis na tumakbo ang lalaking naka maskara palayo. Nakuha ko naman ang atensyon ng mga tao at agad-agad nilang nalaman kung ano ang dahilan ng sigaw ko nang tinuro ko ang babaeng... Duguan.

Agad nilapitan ng mga tao ang biktima, at yung boyfriend niya naman, hindi na nag-atubiling hanapin yung sumaksak dahil ramdam kong nag-aalala siya.

"Best, umalis na tayo dito! Delikado!" sabi ni Nica. Sinara niya yung laptop, tumayo, at hinila niya ako. "Teka lang Best!" sabi ko. "Yung kape natin." dagdag ko. Tumakbo na kami papasok sa shop at mabuti naman at papunta na yung kape namin pero yun nga, natulala ang waitress sa nakita niya kaya kinuha nalang namin sa tray na dala niya.

Sa opposite side na kami dumaan para di kami makita ng kriminal. Sa gitna ng takbuhan namin ay huminto si Nica, tatawagan daw niya yung tatay niya para rumisponde.

Habang tinatawagan ni Nica si Tito, may napansin ako sa unahan — isang lakaking parang pamilyar sa'kin... Sino yun?

Parang si...

Ivan.

CTTO of the dandelion photo above

Kriminal Pala Ang Crush KoWhere stories live. Discover now