41 - Dustin Rodriguez

3.1K 88 3
                                    

"Huwag na huwag mong kalimutan ang Panginoon
Dahil siya'y patuloy na nagmamahal sa'tin hanggang ngayon."
- Dustin Rodriguez

Tama si Ayra, how will I know if I let her go? Sabi nga sa isang kanta you only know you love her when you let her go...

So ano? Tatantanan ko na ba siya sa pang-aasar at sabihin ang totoo'ng may pagtingin ako sa kanya o i-keep ko nalang sa sarili ko para di ma basted?

I'm too shy to ask; I'm too proud to lose.

"Hey Nicatrix, pwede ba kitang ayaing kumain mamaya after class?" text ko sa kanya. Kaso mga 10 minutes na akong naghintay, wala pa rin siyang reply. Hmm ano ba dapat kong gawin? Magpatulong kay Ayra? Nako nakakahiya. Hmm kung ako si Nicatrix, ano ba gagawin ko para mag reply yung crush ko?

...

Papaloadan ko siya!

Kaya ayun ginawa ko nga kaso 20 minutes na akong naghintay, wala pa rin. Ay, baka tulog na siya.

Kaya kinabukasan, maaga akong gumising at nagprepare para sa school. Nakaplantsa yung uniform, nakagel ang buhok, tatlong beses nag facial wash, at naligo ng pabango. Inspired akong pumasok, pero at the same time, kinakabahan. Baka hindi siya pumayag.

Kuya Krimson, tulungan mo ako. Paano ba toh?

Sa school, hinintay ko siya sa may gate kung saan lagi siyang dumadaan. At ayun nga, not long, nakita ko siya.

"Nicatrix." tawag ko sa kanya. Tinignan niya ako na para bang may malaki akong kasalanan sa kanya tas yumuko. Tinignan ako ulit at sinabing, "Yes? What do you need?" "Yung about sa text ko... Yung... Yung ano... Yung... Lunch date... Kung di ka busy." sagot ko. Di niya na ako tinignan ulit at nagpatuloy sa paglalakad. "Ano? Is it a yes or a no?" tanong ko. "No Dustin. Ayoko. Baka iiwan mo lang ako ulit gaya ng ginawa mo the last time na nagdate tayo." sagot niya. Tumigil ang mundo ko at na realize kong galit pala siya sa'kin dahil iniwan ko siya. "Nicatrix naman eh, it was an emergency, sorry. Sorry na." paki-usap ko. "Pag-iisipan ko." sagot niya with taas kilay effect. "Sige... Salamat... Hihintayin kita... Sana pumunta ka." sabi ko pero di niya pinansin.

Tumigil na ako sa kakasunod sa kanya. Bigla kong naalala, tatlong subject lang pala ang class ko today at mamayang hapon pa yun. Ang aga ko sa school, anong gagawin ko dito?

Dahil ayokong magstand-by sa school dahil madami na naman magpapicture, lumabas ako at pumunta sa pinakapaborito kong bisitahing bahay — ang simbahan.

Pumasok ako, at sa loob, nakaluhod na nagdasal:

Diyos ko na nag-iisa lang at bukud-tangi, sorry sa mga nagawa ko. Sa mga taong nasaktan ko dahil sa galit. Sorry naging sakim ako sa aking mga ginawa. At sorry din na dahil sa galit nakalimutan kong may Diyos pala na laging nagmamahal sa'kin. Miss ko na po magserve sa simbahang ito. Salamat po pala at despite sa mga nagawa ko, mahal Niyo pa rin ako. Salamat at ligtas ako, si Nanay at pati na ang mga kaibigan ko. Salamat din po pala sa mga kaibigang nakilala ko. Ngayon, wish ko pong sana'y nasa mabuting kalagayan si Kuya sa mga kamay Mo. At sana, maayos kong masabi kay Nicatrix na... Mahal ko siya.

Pagkatapos magdasal, bumalik muna ako sa bahay. Wala si Nanay, nasa palengke. Binuksan ko ang luma naming computer at doon dinelete ang hinack kong files sa school na may kinalaman kay Ivan. Kinailangan ko lang naman yung mga files na yun para malaman yung mukha at pangngalan ng taong bumaril sa kuya ko.

Kriminal Pala Ang Crush KoWhere stories live. Discover now