31 - Patawad, Ayra

2.7K 74 1
                                    

~ IVAN ~

"Pusasan mo na ako." utos ko sa police. "Mabuti naman at di mo na ako pahihirapan pa." sabi niya. "I give up. Kailangan kong pagbayaran ang mga nagawa ko. Nga pala, sorry binaril kita." sabi ko sa tono na kalmado, dahil alam kong kahit konti'y mababawasan ang galit nila sa'kin. "Kung pwede nga lang eh barilin mo na ako, baka may reward ka pa kay Duterte." suggest ko sa kanya. "Haha, huwag ka ngang magbiro ng ganyan, bat mo naman gusto mamatay eh mismong taong galit sayo'y di ka tinuluyang patayin?" tanong ng pulis. "Kasi—" reply ko sana kaso pinutol niya ako at pabirong sinabi, "Sa pulisya ka na magpaliwanag. Hahaha."

"Kuya." rinig kong sabi sa'kin ni Yvonne nang lumapit siya. "I'll be fine my dear sister." sabi ko. Di naman siya nagreply pero sure akong nalulungkot siya. I hope she will still accept me as a brother despite what I've done.

Sa police car, habang minamasdan ang view ng kalsadang madilim na tanging street lights lang ang nakakabigay liwanag, napag-isipan ko ang mga nagawa ko.

Nagmahal ako ng isang babaeng akala ko kaya kong gawin lahat para sa kanya pero noong hiniling niya na pakawalan ko siya, di ko nagawa.

Naging selfish ako, akala ko makukuha ko lahat ng gusto ko, pero noong nalaman kong hindi, naging masamang tao ako. Para bang spoiled brat na hindi binilhan ng laruan ng kanyang mga magulang kaya naglayas.

Sa galit ko sa ibang tao, nagawa kong pumatay ng inosente. Pinatay ko ang isang lalaking tanging ginawa ay mahalin ang mahal ko.

Di ako nag-isip kung ano ang mararamdaman ng mga nagmamahal sa taong 'yon.

Akala ko simpleng pagtatago ay okay na, kaso may nakakaalam pala at imbes na humingi ako ng sorry, dinagdagan ko pa ang kasalanan ko.

Kasalanang di ko na mabubura sa isip ng mga mahal ko sa buhay. Kasalanang habang buhay kong pagsisisihan. Kasalanang kulang ang isang 'sorry'.

"Nandito na tayo." sabi ng pulis kaya binaba niya ako at sa loob ng pulisya, doon nga ako nagpaliwanag.

"Guilty po ako sa lahat. Sa pagbaril kay Krimson Rodriguez; sa aksidenteng pagpatay ng inosenteng babae sa PTY Hotel; sa pagsaksak ng isang babae sa tapat ng Indigo Coffee Shop; pati na yung nagpaputok sa isang bahay; dagdag niyo na rin ho yung binaril ko tong pulis na dumakip sa'kin; tsaka yung gumulo sa Indigo Coffee shop; huwag  niyo rin pong kalimutan yung nagkidnap kay Dustin Rodriguez at dun sa Nicatrix... At kay Ayra Villion." paliwanag ko sa isang pulis na kumausap sa'kin sa loob. Sa dami kong kasalanan pwede na akong iGuiness. "So, alam mo na san ka pupunta?" tanong ng pulis. "Yes. I'm going to hell." sagot ko. "Anong hell pinagsasabi mo? Hello, sa kulungan ka pupunta." correction ng pulis. Oo nga naman, bat ko pinangungunahan ang judgement day ko.

"Shall we?" aya ng pulis. I don't know what's with him and why he acts like this.

Sa loob ng kulungan, may kasama akong dalawang lalaki. Yung isa malaki ang katawan at maraming tattoo parang nang rape ito tas pinatay ang biktima. Yung isa naman payat pero mataas ang buhok, feel ko ang kasalanan nito nag hit and run.

"Oh, anong ginagawa ng isang binatilyong may itsura dito?" tanong ng kasama kong malaking katawan. "Sorry, I don't talk to strangers, plus, it's none of your business." sagot ko. Naamoy ko na ang baho sa paligid, ang dumi pa ng walls. "Sa tingin ko napagkamalan lang yan. Hoy kung ayaw mo kaming kausap, magdusa ka. Eh tayong tatlo lang naman magdadamay damay dito." sabi ng isang nakakulong. Tama nga naman siya  kaya I decided to talk to them nalang. "Kayo, ano ba mga kasalanan niyo?" tanong ko. "Ha? It's none of your business." sagot ng malaking katawan at tinawanan nila ako. "Pre naman, maawa ka dito. Fresh pa. Kaibiganin na natin bago pa siya makalabas." sabi naman ng payatot.

"Well, ako, nalasing ako isang gabi at napagbuhatan ko ng kamay ang misis ko. Kaya nandito ako, nakakulong ng isang buwan." sabi ng malaking katawan. "Ako naman, isa akong driver na pinaghinalaang nakabundol sa isang mamahaling sasakyan na naka park. Kakakulung ko lang kaninang umaga, baka bukas lalaya na ako pagnacheck na nila yung CCTV sa labas at na prove na wala talaga akong kasalanan." sabi naman ng payat. "Ikaw ba, anong kasalanan mo? Aksidente mong hinalikan ang nobya mo?" tanong ng malaking katawan na tumawa pa.

"Ako?" tanong ko. "Ano lang... May dalawa akong napatay, isang nasaksak, tatlong nakidnap..." sagot ko. Dadagdagan ko pa sana kaso parang nasira yung mukha nila dahil sa sinabi ko. "Ano, shall I continue?" tanong ko. "Huwag na." sabi ng payatot na nanginginig yata sa takot.

"Mr. Kurishima, may gusto kumausap sa'yo." sabi ng isang pulis na lumapit sa cell namin. Nako baka sa Yvonne kaya nagdalidali akong lumabas.

"Ayra!" gulat kong bati. "Hi Ivan." bati niya. Umupo ako at nag-usap kami. "Bat mo ako binisita?" gulat kong tanong. "Wala, gusto ko lang kitang kamustahin." sagot niya. Kamustahin? Pagkatapos ng mga nagawa ko... Nandito siya para kamustahin ako?

"Okay lang naman, nagsisisi." sagot ko tas yumuko. "Alam mo, yun lang naman ang dapat mong maramdaman eh, no need na yung mahiya ka, kailangan mo lang magsisi." sabi ni Ayra. "Pumunta ka ba dito para pagsabihan ako?" tanong ko. "Hindi, sabi ko nga, kakamustahin kita. Alam mo kasi, di rin biro yung mga magagandang at sweet na bagay na ginawa mo para sa'kin. Salamat nga pala dun. Pati na rin sa mga masasama, salamat na din, at mas nakilala ko ang sarili ko." sagot niya. "Ayra, you don't have to thank me. Sa dinami dami ng gulong nagawa ko sa'yo, wala na akong karapatang tumanggap ng pasasalamat." sabi ko. "Meron. Alam ko masama kang tao. Pero alam ko din na may mabuti pa rin parte sa puso mo. Nakita ko paano ka nag alala para sa kapatid mo, isa kang mabuti kuya. Kaya, wish ko sa'yo, sana mapatawad mo ang sarili mo. Magsisi ka, at pagkatapos, magdasal ka sa Panginoon. Sa kanya, humingi ka ng patawad, pati na rin pasasalamat." sabi niya.

Sa pagyuko ko, di ko pansin na tumutulo na pala ang luha ko. Grabe, despite what I've done, nandito pa rin si Ayra. Di ako nagkamaling siya ang minahal, mabait siyang tao.

Tumayo ako, lumapit sa gilid niya at lumuhod. Nakaduko, umiiyak, nanghihingi ng patawad. "Sorry, sa lahat ng nagawa ko. Sorry... Patawad, Ayra."

Tumayo siya, "Sige na, gabi na, mauna na ako." paalam niya.

Ang sarap magmahal ng isang taong may mabuting puso.

Kamusta na kaya yung nagconfess kanina?

Kriminal Pala Ang Crush KoWhere stories live. Discover now