21 - Perfect Package

2.8K 71 0
                                    

~ AYRA ~

Ang pangngalan ng first boyfriend ko.
Ang gown ng high school friend ko.
Ang bulaklak ng babaeng inosente.
Ang TV series na pinanuod namin.
Ang police officer na ginawa lang ang kanyang trabaho.

Lahat ng buhay ng mga taong ito pati na ang mga lugar na mga ito, napasamà dahil sa'kin. Kasalan ko lahat ng toh. Kaya ako ang tatapos ng problemang ito.

"Pupunta ako sa Indigo Coffee Shop." sabi ko kay Nica. "Best, I think it's too late. Tinagnan mo tong tweet." sabi ni Nica.

"Indigo Coffee Shop sinalakay ng isang nakamotor at binaril ang mga glass windows nito. Wala namang naireport na namatay. @newsnetwork" sabi ng tweet. "So, ano ngayon? Nangyari na yung Indigo." tanong ni Nica. "May chance pa tayong makapasok at mailigtas si Dustin." sabi ko. "May violet pa." dagdag ko. "Best, kausapin mo nalang kaya si Ivan?" suggest ni Nica. "Sure ako di na siya makikinig." sabi ko. Kilala ko kasi si Ivan, ma pride yun. Gagawain niya lahat para makuha ang gusto niya.

"Ganito nalang Best, pupuntahan ko ulit yung bahay nila. Magsusuot ako ng purple dress para ako na agad yung target. Papasok ako at dun ililigtas ko si babe." sabi ni Nica. "Ano!? Nababaliw ka na ba? Baka barilin ka niya agad." alala ko. "Di yan. Sa tingin ko di niya gusto ang pumatay. Na tsempohan lang talaga na natuluyan yung mga nabiktima niya." sabi ni Nica.

Gagawin ng bestfriend ko yun? Talaga lang ha.

"Sure ka ba talaga sa plano mo?" tanong ko. "Oo. Dito ka lang, kokontakin kita pag ready ka ng pumasok." sabi ni Nica. "Sure ka ba talaga? Paano na yung pag-aaral natin? Hindi tayo pumasok ng limang araw." alala ko.

"Sabi nga sa 3 Idiots di ba, 'Exams, there are many. Father, there is only one' kaso this time, yung future ko ang only one." sabi ni Nica.

"Hoy Nica, alam kong di mo ganun ka mahal si Dustin, di mo iririsk yung buhay mo para lang sa taong di mo nga alam kung may feelings sa'yo. So why do this?" tanong ko.

"Kasi love ko yung nag-iisa kong bestfriend at for sure, love niya din ako. Magkasama kami simula pa noong elementary hanggang sa tumapak na kami sa college. Parang di ko na yata siya bestfriend eh, parang sister ko na din." sagot ni Nica.

Grabe na touch ako, di ko napigilan yung pangingilid ng luha. Diyos ko, maraming maraming salamat sa isang kaibigang tulad ni Nicatrix.

Lumipas ang hapon, nagtungo si Nica si bahay ni Ivan. May connection line kami sa isa't isa kaya naririnig ko ang nangyayari sa kanya at ganon naman siya. "General Nicatrix, are you ready?" tanong ko. "Yes Private, keep quiet ka lang diyan nagpapapansin pa ako." sagot niya. Wow ha private talaga? Ganon ka baba? Nga pala, I'm just a mile away from her, may plano kasi kami. "For all the times that you rain on my parade..." kanta ni Nica. "Hoy! Anong ginagawa mo?" taka ko. "Nagpapapansin nga, heto ako sa tapat ng bahay nila kumakanta para bang namamasko." sagot niya. "Private, eto na may lumabas na tao. Agaw pansin pala ako hahaha." dagdag niya.

Pinapawisan ako dito sa fastfood restaurant na pinasukan ko. Nag-order lang kasi ako ng fries at ang ingay-ingay ko pa sa kakausap kay Nica. Nakakahiya.

"Excuse me." sabi ng babae sa likod ko na parang na-ingayan yata sakin. "Ah ate sorr—." sabi ko kaso nabigla ako nong napansin kong si Yvonne pala. "Bat ka nandito?" tanong ko. "Bakit? Bawal ba? Ikaw yata ang dapat kong tanungin eh, sa dami dami ng restaurant, bat dito sa malapit ng bahay namin?" tanong niya. Diyos ko, naghihinala na siya. Di ko pwedeng kausapin si Nica baka mapansin niya yung ginagawa namin kaya tinanggal ko muna yung earpiece ko. "Sino ba kausap mo? Parang seryoso yata yan?" tanong niya habang naki-upo sa table ko ng walang paalam. "Ahh wala si Mama, nangungumusta lang. Nasa ibang bansa kasi siya." lusot ko. "Ahh okay ganun pala. Akala ko sadyang famewhore ka lang para madami pumansin sa'yo." sabi niya. Ano daw!? Bastos tong babaeng toh ha. "Excuse me bata, sa pagkakaalam ko mas nakakatanda ako, kaya kung ako sayo, matuto kang rumespeto. Sure naman akong tinuruan ka ni Tita Alisa ng tamang asal." sagot ko.

"Teka!? Bat mo kilala si Mommy?" tanong niya. Hahaha sabi na nga ba magugulat siya. "Ah, hindi ka ba nainform ng kuya mo na kinuwento niya yung life story niya sa'kin? Yan kasi, puro panlalait sa ibang tao inaatupag, di na close ang sariling pamilya." sabi ko pang-asar. "How dare you say that? Kaano ano ka ba ng kuya ko? Close ba kayo?" tanong niya. "Close? Eh patay na patay nga siya sa'kin eh." sagot ko. Haba ng hair ko noh? "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya. "Nilagawan niya ako ng isang taon. Mabait yung kuya mo kaso ayaw ko dahil kung umasta parang sino. Parang katulad mo lang." sagot ko. "Ano!? Sasampalin mo ako? Bakit, hindi yun totoo?" dagdag ko noong napansin kong bubuhatan sana niya ako ng kamay.

"So, ikaw pala yung tinutukoy ni kuya na mahal niya. Wow ha, sino ka ba sa tingin mo't inayawan mo yung kuya kong perfect package?" sabi niya. "Perfect package? Sabihin na nating matalino siya, gwapo tsaka mabait. Pero yung kabaitan niya, nandiyan lang pala pag nakatingin ako." sabat ko. "Kahit nga ikaw kung tatanungin ko, alam kong aagree ka sakin." dagdag ko. "Ngayon, aminin mo sa'kin, ano bang ginagawa ng kuya mo ha?" dagdag ko ulit. Binubungangaan ko tong batang toh para matuto. "Sure ako, di ka makasagot dahil di mo rin alam. Alam mo, pati ikaw nasasali sa kalokohan ni Ivan eh. Yvonne, kung may natitira pang bait sa puso mo, pakawalan mo na yung kaibigan namin at isumbong mo yung kuya mo sa pulis." sabi ko.

Wala na yata siyang masabi kaya bigla nalang tumayo sa kinauupuan at nagwalk-out. Buti nga sa kanya. Hmp, makain na nga lang tong fries.

One by one, dahan-dahan kong kinain yung fries para ba ma worth it lahat. Nga pala, bag ako nandito sa resta— AY SI NICA NAKALIMUTAN KO.

Agad kong kinuha yung earpiece, "Nica? Nica?" tanong ko. Wala na akong marinig. Nako anong nangyari kay Nica?

"Best!!! Tulong!" rinig kong tawag niya, kaso lang ang hina ng boses para malayo siya sa mic.

Di kaya napansin nila na may kausap si Nica?

Kriminal Pala Ang Crush Koजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें