Kahit kelan talaga yung lalaking 'to! Inaasar na naman ako!

 "Kayo na talaga ang sweet kahit kelan." Asar ni Emma sa'min.

Sinimulan ko nang kainin yung dalang pagkain ng asawa ko habang nagkukwentuhan si Emma at Maggie tungkol sa mga kaklase namin nung college na nasa paligid namin ngayon. Who would've thought that it's been almost ten years since I graduated college? At ngayon nga, nandito kami sa grand homecoming ng university namin kung saan different batches ng graduates from the last decade yung nagtipon tipon para icelebrate ang centennial anniversarry ng university namin.

"Hindi talaga namin inakalang magkakabalikan pa pala kayo pagkatapos nung nangyari nung college tayo." Narinig kong sabi ni Dave. Humigpit yung hawak ng asawa ko sa kamay ko.

"Hindi na rin ako umasa noon." He laughed.

Yes, college reunion. The time when we reminisce those days when we first have a taste of what the 'real world' is like and those days when we're not kids anymore but we're not yet fully adults. The time when we laugh at our misfortunes and stupidities we cried about in college. The time when we look back at the journey we had towards this very day.

I heard my husband speak again,  "But luckily, we were able to catch our happy ending, after a long time of running after it."

I remember the time I first started chasing for my happy ending.

* * *

Grade 5. 

"CHARMAINE FELICE CABALLERO!" Narinig kong sigaw ni Mama mula sa sala namin.

Pupuntahan ko na sana si Mama kaso napansin ko yung alaga ko. Naku! Ang tamlay niya! Baka mamatay siya. Hindi pwede 'to. Ilang linggo ko na siyang inaalagaan nang mabuti. Ano kayang nagawa kong mali? Baka napakain ko siya ng sobra--

"CHARMAINE! ILANG BESES BA KITANG KAILANGANG TAWAGIN? PAG IKAW NAGLALARO NA NAMAN NIYANG TAMAGOTCHI MO, ITATAGO KO NA TALAGA 'YAN. DI MO YAN MAGAGAMIT NG ISANG LINGGO." Uh-oh. Mukhang galit na si Mama. Binaba ko na yung Tamagotchi ko. Huhu, teka lang ha? Hintayin mo lang ako! Wag kang mamamatay! Babalik ako agad, promise! Kailangan kong gawin 'to dahil siguradong mamamatay ka pag kinonfiscate ni Mama yung Tamagotchi ko ng isang linggo. Hindi pwede yun!!

"Bakit po, Mama?" Tanong ko nung makarating na ko sa sala.

Nakasimangot si Mama habang hawak hawak yung report card ko. Oops.

"Ano 'to ha, Charmaine? Bakit ang baba ng grade mo sa Science?" 

Napakamot ako ng ulo. Eh kasi ang bobo ko lang talaga sa Science eh, huhu."Eh kasi Mama, nahihirapan po ako eh. Pero ginalingan ko naman po, promise!" 

Lalong kumunot yung noo ni Mama. "Baka nasosobrahan ka na ng kakalaro mo niyang Tamagotchi at gameboy mo?" Pinanliitan niya ko ng mata.

Naku! Yung mga alaga ko!! "Hindi po, Mama! Mag-aaral po ako ng mabuti sa second quarter!"

Mukhang may sasabihin pa si Mama kaso natigil siya nung tumunog yung doorbell namin. Tinitigan niya kong mabuti kaya ngumiti ako ng mala-anghel para di na ko sermunan ni Mama at makabalik na ko sa mga alaga ko.

"Sandali lang!" Sigaw ni Mama sa pinto bago siya pumunta dun para pagbuksan yung mga tao na nandun. Andiyan na siguro yung kaibigan ni Mama na lilipat sa katabing bahay. Pero saglit! Yes!! Makabalik na nga sa kwarto--

"Cha! Halika nga dito!" Ano ba yan!

Tumakbo ako papunta sa pinto at nakita ko yung isang babaeng mukhang kaedad ni Mama. 

"Ayan na ba si Cha? Ang laki na! Hi Cha! Ako si Tita Ellen mo. Tanda mo pa ba ako?" Dahil wala naman akong idea kung sino siya, umiling na lang ako kay Tita Ellen at ngumiti.

"Oo, grade 5 na si Cha ngayon. Hindi ba kaedad niya halos si Zeke?" Tanong naman ni Mama kay Tita Ellen.

"Dalawang taon yung tanda ni Zeke sa kanya, Mare. Highschool na ngayon yung inaanak mo."

"Talaga? Asan na nga pala siya?" 

"Ayan na! Zeke! Halika rito, dali!" Naglakad papunta samin yung tinawag ni Tita Ellen na Zeke. Ang tangkad niya at ang puti niya rin. Medyo singkit siya at magulo yung buhok niya.

Mukhang nagegets ko na kung bakit ang daming kilig na kilig sa mga crush nila sa school.

"Hi Zeke!" Medyo pacute na bati ko sa kanya pero tinitigan niya lang ako at dinedma.

Yun ang araw na nakilala ko si Ezekiel Villaroso at yun din ang unang beses na binasted niya ko.

* * *

Xavier University Grand Alumni Homecoming. 

"Zeke! Congrats sa inyo ng misis mo ah!" Tinapik nung isa sa mga kaibigan ni Zeke nung college yung likod niya. 

Tumawa siya. "Salamat." Bumalik siya sa table namin na nakangiti at may hawak hawak na baso ng beer. Umupo siya sa tabi ko kaya't inagaw ko yung baso ng beer mula sa kamay niya.

"Charm!" Reklamo ni Zeke sa'kin.

"What? Hoy, wag mong sabihing iinom ka? E napakababa ng alcohol tolerance mo at sobrang dali mong malasing eh. Hindi pa nagsisimula yung homecoming natin at gusto mo nang mawalan ng malay sa sobrang kalasingan?"

"I swear, not this time Charm. Akin na 'yan." Sabi niya sabay abot dun sa baso na hawak ko pa rin.

Nilayo ko yung baso sa kanya. "Ayoko nga." Sinamaan ko siya ng tingin.

Nakipagkumpitensiya pa sa'kin si Zeke sa titigan ng ilang minuto before he raised his hands in defeat. "Fine. You win." 

"Para kayong matandang mag-asawa sa kakaaway niyo diyan." Comment ni Dave.

Nagtama yung paningin namin ni Zeke at sabay kaming tumawa. 

=================================================

Author's Note: 

Trial Story! :D Most of the story will take place during the characters' college days pero syempre, silipin muna natin ang elementary at highschool moments nila. 
And if you've watched Reply 1997, similar writing style noon yung gagamitin ko dito. Bale, dalawa ang magiging timeline sa story, yung present time na Reunion nila at yung past which is the elementary, highschool and college flashbacks :)

Chasing Mr. Right [Complete]Where stories live. Discover now