Chapter 7: Fridate

Start from the beginning
                                    

"Bakit ka sumunod dito?" tanong niya habang nakataas ang kilay kaya nagpipigil na naman ako ng tawa. Taray ah? Pa-aurahin ko kaya 'toh? Hahaha, teka-- bakit nga ba ako sumunod dito?

"Ahm... Uhm... Duh! Malamang susundan kita! Bisita mo kaya ako rito tapos iiwan mo akong mag-isa dun? Is that how you treat your visitor?" sabi ko sa kaniya habang nakapameywang.

Ngumiti naman siya. Yung nakaka-asar na ngiti, pagkatapos ay dahan dahan naglakad papalapit sa akin. *Gulp* Ano kayang gagawin neto? Hindi niya naman siguro ako hahalikan ulit diba? Jusko, kinuha na nga niya virginity ng lips ko tapos hahalikan niya pa ako ulit? NO WAY! HINDI PWE---

"Ineexpect mo bang hahalikan kita ? Hindi no. Umalis ka kasi diyan sa dadaanan ko" nakangisi niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tibgin at umalis sa sinasabi niyang 'dadaanan' niya. Nakangising nilagpasan niya lang ako at naglakad papasok sa loob ng bahay nila.

ARGH! Nakakahiya 'yun ah!? Shems napahiya ako dun.




ROSELYN JASMINE EUN POV

"Kain muna tayo oh" sabi ni Brandon habang inilalapag sa lamesa yung mga cookies na binake niya. Oo, marunong  siyang mag bake. Nakakainlove. Charot. Haha pero siyempre nakakabilib na marunong siyang mag bake. Nakakadagdag kaya sa pogi points 'yun.

At nga pala, andito kami sa bahay nilang magkakabarkada kaso kami lang ang tao rito ngayon. May mga lakad din daw kasi sila Lyoneil eh. Nagbebrainstorming kami kung anong kakantahin namin sa Monday for our music class. Ang kaso, pagkadating ko kanina, nagbebake siya, tapos kumain kami. He said magpapahinga lang daw muna siya. Few minutes after, pumunta siya sa kusina, akala ko iinom lang ng tubig, ang kaso nag bake na naman pala. At eto, for the third time, kakain na naman kami.

"Brandon--"

"Don na lang itawag mo saken" sabi niya kaya tumango ako

"So, Don, mag bebrainstorming ba talaga tayo o papakainin mo lang ako ng papakainin netong mga binake mo?" tanong ko kaya napakamot siya sa batok niya. Ang cute, pero hindi ako pwedeng mahulog sa kaniya. Playboy siya, alam ko yun at alam ko ring masasaktan ako kapag minahal ko siya.

"Sorry, haha akala ko kasi mas gusto mo mag-isip habang kumakain kaya nagbebake ako. Actually, may mga kantang pumasok na sa utak ko. Wait, kukuha lang ako ng papel" sabi niya at nagmamadaling naghanap ng papel at ballpen. Nagsulat siya doon at iniabot saken.

- You belong with me - Taylor Swift
- Perfect - One Direction
- Di na kita mahal - Hazel Faith ft. Michael Pangilinan

"Yan yung mga kanta na pumasok sa isip ko. Yung 'You beling with me' at 'Perfect' kailangan pang irevise yung ibang lyrics para mag fit siya as a duet song, while yung third, originally kanta yan ng silent sanctuary, pero mas gusto ko kay version na yan. Which is duet version na, ang kaso, maunti lang yung line ng boy. Kaya naisip ko, i will also play guitar habang kumakanta tayo" nakangiting sabi niya kaya napatango na lang ako.

Pukinaenae Brandon, huwag kang ganiyan. Baka ma-fall ako. Ako pa naman yung tipo ng tao na madaling ma-fall .

"Oy ayos ka lang?" tanong niya kaya bumalik ako sa sarili ko at ngumiti sa kaniya.

"Huh? Oo ayos lang. Okey na toh. Yan na lang kantahin naten" sabi ko atsaka sinubo ang cookie na hawak ko. Ang sarap, nakaka-inlove pa naman yung mga lalaking marunong magluto o di kaya mag bake.

"Sure ka?" tanong niya habang kumakain din. Tumango naman ako at nag thumbs up sa kaniya. Nag-iisip pala siya habang nagbebake. Galing niya naman. Anyway, para hindi ko mapansin 'yung kagwapuhan niya eh nag focus na lang ako sa paglamon netong mga cookies na binake niya.

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Where stories live. Discover now