NATHALIE'S POV
"Ay, ang kire!", biglang sigaw ni Maria sakin ng ikwento ko sa kanya yung nangyari nung saturday night. At etong lukang babaeng to mas kinikilig pa sakin!
"Wag kang maingay! Baka may makarinig!", sabi ko naman sa kanya para naman hinaan niya yung boses niya
"Don't worry bes, wala naman makakarinig, tignan mo nga dadalawa tayo dito.", napatingin ako sa paligid, at tama nga siya. Andito kasi ako sa room nila ngayon, dito ako dimiretso pagkatapos kong ihulog ang letter ko kay Seige.
"Kahit na, malay mo may biglang pumasok!", sagot ko pa, umiling-iling lang siya
"Alam mo bes, buti ka pa improving ang lovelife samantalang ako eto, nga-nga pa rin. Eto naman kasing si Romeo, hindi ako mapansin-pansin, pag naman pinansin ako ang supla-suplado!", teka? Romeo? Sinong Romeo?
"Romeo? Feeling mo sayo? Juliet?", tanong ko bigla sa kanya, Romeo and Juliet lang ang peg niya
*boogsh*
"Aray naman!", napahawak ako agad sa ulo ko a binatukan niya lang naman.
"Eh may sapak ka kasi ngayon eh, seryoso ako bes. Romeo pangalan niya.", sagot naman niya sa seryosong mukha
"Fine, fine bes. Ang gara lang kasi ng pangalan, Romeo. As in, meron pa bang nagpapangalan ng ganon sa anak nila.", sagot ko naman. Hmm.
"Oo, magulang niya. Haha.", sagot niya
"Landeee! Hahaha. Sige na lalayas na ako baka malate pa ako eh.", tumayo na ako at inayos ang bag ko. "Mamaya nalang break, text mo ko.", sabi ko then lumabas na sa room niya..
"Nathalie!", habang naglalakad ako sa hallway may biglang tumawag nang pangalan ko kaya napahinto ako.
"Yo!", bati niya nang makalapit siya sa akin. Teka siya yung sumabay sakin na pumasok non ah? Ano nga bang pangalan neto? Seph? Seth? Nakalimutan ko..
"uy ikaw pala, musta?", bati ko pabalik sa kanya.
"Ayos lang, bakit nga pala nandito ka sa building namin?", tanong niya.
"Ah wala lang, may kaibigan kasi ako dito eh, pinuntahan ko lang", sagot ko lang sa kanya
"ganon ba?",
"Oo, haha. Sige una na ako, baka ma-late pa ako eh", sabi ko kasi malapit na mag-time
"Sige, see you around the school", tumango lang ako saka ngumiti sa kanya tapos umalis na din.
Pagkarating ko sa classroom, lintek. Nasa loob na si Maam at nagchecheck ng attendance. Bat ang aga niya lagi dumating? Excited lang?!
Pumunta na ako sa pwesto ko pero agad ko napansin na wala pa si Seige, napatingin naman ako sa unahan at nakita na wala pa din si Philip. Ngayon lang nalate tong si Philip ah? Pero sabagay masyado lang naman maaga si Maam.
YOU ARE READING
A love letter for you: Letters to him
Teen Fiction[Tagalog Story] - FALCON BOYS SERIES #1 Nathalie Perez, the innocent, simple, pretty girl na matagal ng may gusto sa isang lalaking alam niyang kahit kailan ay hindi siya magugustuhan. Mr. MVP, Campus notorious playboy, Campus king. Iyan si Seige Fo...
