Chapter 40: Unity

13.4K 228 37
                                    

Infinity

Nakatulala lang ako sa kawalan. Hindi ako pagod pero lutang na lutang ako, lumilipad nanaman ang utak ko. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

Narito kami sa Exodus Hotel, isa sa mga may-ari ang parents ni Hugo. Ito raw kasi ang gift nila saamin, ITONG GIFT NILA ANG PINAKA-NAKAKAKUTOB. Paano ba naman kasi? BAKIT HOTEL ROOM ANG GIFT for 1 week kami mag-iistay dito. Malaking-malaki ang lugar, parang bahay na namin ang isang room. Tapos itong hotel hindi lang basta hotel, parang resort na rin na restaurant na hindi ko alam, lahat na ata andito eh.

Napa-praning nanaman ako. Ano ba kasi talaga ang gagawin dito? Sana sa bahay na lang kami pinatulog, kasi atleast nandoon si ate Sam, si L, at ang mga kasambahay. Eh dito? Waaah! Kami lang. Kami lang dalawa. At ang malala ay NAGSHOSHOWER si Hugo! Bakit? Bakit siya nagshower? Hindi pa naman umaga. Waaaah!

Bumukas ang pinto ng CR. Pumikit ako at nagkunwaring natutulog.

"Babe."

Oh my goodness?! Bakit niya ako bine-babe? Infinity. Infinity na lang. T^T

"Hindi ka magshoshower?"

Omo! Nasa tabi ko yata siya? Natatalsikan ako ng tubig na galing sa buhok niya.

"Alam kong gising ka pa."

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nag-yawn na may kasama pang pag-i-istretch, para naman magmukhang totoo.

Tumawa siya, "Try harder next time, okay?"

OMO! Ba't siya nakatingin saakin ng ganun? -- Malamang! Malamang ako lang kasama niya dito kaya nakatingin saakin at ako ang kinakausap! Ano ba Infinity! Stop, okay?

*flashback

Reception

Nilapitan ako nila Steffie, Precious at Aumi, habang si Hugo naman ay nilapitan nila Ark kaya napalayo kami.

"Kyaaah. Excited na ako sa susunod na mangyayari." sabi ni Aumi

"Oo nga, baby girl naman ah?" sabi pa ni Precious.

"Tch. H'wag niyong takutin si Infinity." dagdag pa ni Steffie.

YAN! Yan ang sinabi nila saakin sa reception kaya di ako matigil kakaisip.

"Hey, okay ka lang?"

Napatingin ako kay Hugo, inilapit niya ang kamay niya saakin, "No." biglang sabi ko.

Natawa naman siya, "O-kay? Magshoshower ka ba o hindi? Kasi i-ooff ko na ang ilaw." sabi pa niya saakin.

Napalunok naman ako, "Kung-- Kung magsho-shower ako, anong-- anong susunod na mangyayari?" tanong ko sakanya

"Ah usually mababasa ka ng tubig tapos magshashampoo ka at magsasabon." sagot niya

Napakagat ako ng ibabang labi ko at sinapok ang noo ko. OO NGA NAMAN PALA! Talagang mababasa, kasi magsho-shower nga.

"Ah sige." sabi ko saka tumayo na.

Mabilis akong nagshower, at nagbihis ng pajamas. Pagkatapos ay lumabas na ako ng CR at naabutan kong nakahiga si Hugo sa kama, nakapikit lang siya at messy ang hair niya. Waah ang gwa--po.. Teka. Ba't messy ang hair niya? Eto na ba ang sinabi saakin ni Aumi?

flashback

"Seducing ang tawag doon" nakangiting sabi niya saakin at tumango naman ang dalawa.

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang