Chapter 7: The Plan

12.1K 262 6
                                    

Infinity

Nakaupo lang ako sa carpet habang nanonood ng TV sa loob ng kwarto. Wala akong kasama eh kaya wala akong ginawa ngayong araw kundi ang manood ng TV, si ate Sam at L umalis kanina at hanggang ngayon di pa umuuwi, si Hugo naman di ko alam kung asan nagpupupunta.

*pshk* door knob [Ang peke naman ng sound effect ng door knob ko -_- Thug life]

Napalingon ako. "Oh andito kana pala." sabi ko sakanya tapos binaling ko ulit ang tingin ko sa TV.

Umupo naman siya sa tabi ko. Wow, imagine? Kahapon lang ata nung nagkakainisan kami sa isa't-isa, pagkatapos ngayon nagtatabihan pa. Tsk tsk tsk tsk *iling iling*

"Malapit na ang uwi nila mama at papa. Hindi pa din natin masyadong kilala ang isa't isa, may naisip ka bang paraan?" tanong niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Paraan? Ang tanging paraan na alam ko ay iwasan natin ang mainis sa isa't isa. Sa paraang iyon, makikilala natin ang isa't isa nang dahan-dahan." sabi ko sakanya tapos nginitian ko siya

"Dahan-dahan? Hindi pwede, kailangan ng madalian. Malapit na nga ang uwi nila diba? What if magpakilala tayo sa isa't-isa? Share some secrets na di gaano ka-pribado, ano?"

"Eh may paraan ka na palang naisip eh, edi sana hindi kana nagtanong pa. Eng-eng mo naman!"

"Kanina wala pa akong naisip kaya humingi ako ng suggestion sayo, nung nagbigay ka na ng stupid suggestion may naisip na ako bigla. Bobo!" sabi naman niya saakin

Napa-iling nalang ako. "So ganito ba tayo magsisimula? Hindi talaga tayo nagkakasundo." Suminghap muna ako at nagpatuloy, "Paano tayo magiging malapit sa isa't isa nito?" tanong ko sakanya

"Easy, wag kang magbobo-bobohan diyan, at di ako magtatalinu-talinuhan." sabi pa niya.

"May napansin ako sayo, hindi ka ba marunong ngumiti? Parang hindi pa kita nakikitang ngumingiti eh." sabi ko sakanya

Umiling siya. "Its not important. May napansin din ako, bakit ba pakealamera ka? Mind your own business" sagot niya

"Geez. Tigil na nga! Hindi talaga nating makikilala ng lubusan ang isa't-isa hangga't ganito ka saakin. Ang hirap mong ispelengin eh. Sinusubukan ko na nga, sungit mo pa. Bahala ka nga, malapit na ang dating ng mga magulang mo diba? Kaya mo na atang mag-isa eh, tutal inaaway mo lang naman ako" pagkatapos ay tumayo na ako at nagdive sa kama.

Umiinit na ang ulo ko, kailangan ko nang matulog nang mawala ito. Hindi ko matatagalan ang ugali ng tukmol na ito. Psycho ata, bipolar, paiba-iba ang mood. Nakakaewan eh! Hays ><

Samantha

"Hello? Kailangan ko ng tulong niyo."

"Tulong? Anong tulong?"

"Na-move ang pag-uwi ni mommy at daddy dito sa Pilipinas, alam niyo naman na ang tungkol kay Hugo at Infinity diba? They're not yet close, hindi pa nila kilala ng lubusan ang isa't isa. Lagi silang nagbabangayan, nagkakainisan or what so ever."

"Eh ganun din naman kayo ni Hugo ah? Hahaha, wala talagang makakatalo sa ugali ni Hugo, pahirapan kung gusto mo siyang makausap ng seryoso."

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Where stories live. Discover now