Chapter 28 - First Time

5.9K 123 8
                                    



Aumi

Napatingin na lamang kami sa pinto kung saan lumabas si Infinity. Narinig namin ang sigaw niya at tawa nilang dalawa ni Hugo. Hays! Iba na talaga pag may lovelife ka, naglalaway na lang kaming mga single eh-- Teka, speaking of lovelife.. Yung kanina, pu--pumayag nga pala akong magbalikan kami ni Ark. Talaga ba? Ano nang gagawin ko? Manliligaw ba siya ulit? Or agad-agad na? Haist! *headache*

"Yung dalawang 'yun talaga. Nagsolo nanaman." sabi ko para lang basagin ang katahimikang namamagitan sa aming anim.

"Gusto mo magsolo rin tayo?" tanong saakin ni Ark.

Umuusok nanaman ilong ko. Madali akong maasar sa isang 'to, pulos kalokohan kasi eh. Hays! Napaka-- "Hindi kita sasagutin."

"Weh?"

"Whatever" pagkatapos ay inirapan ko.

"Tara na't matulog na tayo. Hindi na ata babalik yung dalawa eh. Goodnight guys! Goodnight Tyler" sabi ni Steffie

WOW! Napa-ispesyal mention talaga si Tyler ha, porket nalaman niya ang feelings nito sakanya. Duh! Sa una palang alam ko nang may gusto si Tyler sakanya noh! Pero, char lang. Di kasi halata eh, kala ko talaga kay Infinity siya may gusto o saakin ba (chos! saakin HAHAHAHAHA ^_^) Feeler ko masyado noh?! Ganyan tayo eh.

Umakyat na kaming mga single! Bwahaha. Nakasanayan ko na ang maging single eh. So ayun nga, umakyat na kaming mga walang lovelife (ang saklap naman), itutulog na lamang namin itong lovelife namin at lilipas din ang panahon, magkakaroon din kami.

Precious

Umakyat na silang lahat, maliban saakin. Nagpaiwan ako. Wala lang, gusto kong marinig ang pinag-uuspan ng dlawa eh. Di naman ako chismosa, may tainga lang para makinig.

Nakatayo lang ako sa may pinto, pero nasa loob ako. Di ata nila nararamdamang may nakatingin sakanila. Nakaupo lamang sila sa may bench.

"Ang ganda ng stars noh?" - Infinity

"Manghang-mangha ka naman. Wala bang ganyan sa probinsya?" - Hugo

"Tse! Nilalait mo nanaman ako eh." - Infinity

"Biro lang. Kung gaano kaganda ang mga bituing 'yan, ganun ka rin kaganda sa paningin ko." - Hugo

Napatingin si Precious kay Hugo. Tumagal ang titigan nila. Mag- Mag aano ba sila? Kiss? O__O No, hindi ako papayag!!!

/*Black*/

Biglang may tumakip ng mata at bibig ko. Hindi tuloy ako makakita at makasigaw. May nakapasok bang magnanakaw o kidnapper dito? O baka namang murderer??! OMGEEEE.

Di nagtagal ay tinanggal niya na rin ang pagkakatakip niya sa mata at bibig ko. Psh! Si Sky pala 'to. Buti na lang at si Sky.

"Tinakot mo ako. Tss." sabi ko sakanya saka naupo sa la mesa.

"Hindi ka dapat nanonood ng mga ganon. Okay? Psh, nagpapakamatay ka ba?" tanong niya saakin

"Pipigilan ko nga sana eh."

"No, you have no right to do that if ever."

Napayuko ako. Tama naman siya eh, wala pala akong karapatang pigilan sila. Kung di ko sila mapipigilan, edi paghihiwalayin ko nalang ang dalawa? Posible pa yun. Tama tama. Napakatalino mo Precious!

Ngumuso ako. "Hindi ko tuloy nakita kung natuloy ba o hindi." malungkot na sabi ko sakanya

Napailing naman siya. "You're crazy. Matulog ka na, malala na yan." sabi niya tapos umakyat na rin at iniwan lang din akong mag-isa.

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum