Chapter 4: Heart to heart talk

14.3K 304 9
                                    

Infinity


Kasama kong naglalakad si Hugo sa University nila. Huideong Music & Arts University. Wala talaga akong interes na mag-aral dito. Pano ba naman, mga nag-aaral dito, sila yung may ambisyon na maging isang idol. Eh wala naman akong balak, kaso kailangan kasi nakakahiya naman kay ate Sam, pinilit niya ako eh.


"Bakit pinagtitinginan tayo?" tanong ko sakanya habang naglalakad kami sa hallway.

"Tanga mo talaga noh? Malamang! Sikat ako kaya nagtataka sila kung bakit may kasama akong basahan"

"Ang sakit mo namang magsalita. Mukha ka din namang basahan, mayaman ka nga lang. Bwiset!"


Habang naglalakad kami, tumigil si Hugo sa isang grupong maingay, kaya napatigil na rin ako. Kakaiba ang nararamdaman ko, ramdam na ramdam kong OP ako, as in OUT OF PLACE! -_- Naman!


"Oh sino yang kasama mo? Hi." bati sakin nung babae.


Ngumiti naman ako. "Hi."


"Ah eto, siya yung ni-hire ng kapatid ko. Alam niyo na yun." sabi pa ni Hugo.

Tumango-tango naman sila.


"Anong pangalan mo?" tanong nung isang lalaking matangkad saakin.

"Ah ako nga pala si Infinity." sabay ngiti. Grabe! Ang cute niya. Hindi naman sa lumalandi ako. Nacucutan lang ako sakanya. Matangkad, maputi, malaki ang tenga, maganda ang mata. OMG!

"Ah ako naman si Ark. Etong mataba naman si Omi, si Tyler, si Steffie" sabi niya


Napatango na lang ako saka ngumiti. Mukhang mababait naman sila, hindi ko lang alam kung bakit ganito kasama ang tukmol na to. Buti naman tinanggap siya sa barkada.


"Ikaw na pala ang kinukwento saamin ni ate Sam. Maganda ka naman pala eh, akala ko naman ang pangit mo." sabi ni Aumi.


Matutuwa na sana ako sa sinabi niya eh, pero ano daw?! Akala niya ang pangit ko? Aba! Lintek naman. Hindi ako mukhang mayaman pero siguro naman may itsura ako. (_ _ )


"Ay so-sorry. Nahurt ka ba? Sorry hindi yun ang ibig kong sabihin. Kasi naman si Hugo eh, sabi niya saamin ano eh ano, uhm-"

"Okay lang, sanay naman na ako eh." nakangiti kong sabi. King ina, sanay na ako pero nasasaktan din naman ako.

"Sabi niya kasi saamin, ang pangit mo daw, kay- pero wag kang mag-alala maganda ka naman eh. Promise!" nakangiti niyang sabi.

"Hmm, thank you." sabi ko. Chos naman! Nagandahan siya saakin. ^_^ Sana lang totoo.


"Wag kang ngumiti diyan, sinongaling yan. Hindi ka maganda ang ibig niyang sabihin." sabi naman ni Hugo.

"Wala ka bang magawa sa buhay mo? Pati ang compliment ng ibang tao saakin, inaalaska mo. Umalis ka nga dito." sabi ko naman sakanya.

"Ikaw pa ang may ganang paalisin ako dito ha, ako ang nagpapa-aral sayo. Ikaw ang umalis." asar na sabi niya

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Where stories live. Discover now